♤ Chapter 05: Helping Hand ♤

5 0 0
                                    

CAUTION: Kung ikaw ay madaling tamaan ng anxiety o panic sa mga problema, huwag mo ng ituloy basahin ito. Ang manunulat ay kasalukuyang nag-aaral ng 'Psychology' at binabalaan kang basahin ito kung madali ka magkaroon ng problema sa simpleng bagay.

The content of the story may contain violence, sexuality, strong language, and graphical depicts that may affect your psychological thinking. Please read by caution, thank you.

=READ IN DARK MODE FOR BETTER EXPERIENCE=

***********************

Kabanata 05: Helping Hand

After the rape happened... 1 month later

Third Person's POV

Tahimik lang na umalis si Mara para pumasok sa paaralan. Maaga siya pumasok para magtungo sa convenient store. Hindi siya mapakali sa mga naiisip niyang pwedeng mangyari dahil sa katarantaduhang ginawa ng kanyang ama sa kanya.

Nakayuko siyang pumasok sa 711 para bumili ng pregnancy test, gusto nito malaman kung nabuntis ba siya ng kanyang ama. Matagal ng hindi umuuwi ang ama nito sa kanila at tanggap na nilang mag-ina na may bago itong asawa at bumuo na ng isa pang pamilya sa kabilang asawa.

Iniwan sila ng kanyang ama, halo-halo ang emosyon na nararamdaman nila dahil sa wakas wala na makakaistorbo sa kanila pero nananatiling sugat na hindi mahilom ang bayolenteng pananakit at pambabastos sa kanila ng ama ni Mara.

First time ni Mara gagawin ito, kinakabahan siya kung may age limit nga ba ang pagbibili ng pregnancy test, dumiretso na agad siya sa feminine products at hindi naman nagtagal nakita niya agad iyon. May mga nakapila sa counter pero hinintay niyang maubos ito.

Binigay ni Mara ang pregnancy test sa counter at tinignan siya ng babae, "sa kapatid ko po inutusan po ako", pagsisinungaling na isinaad ni Mara sa babae. Tumango naman yung nasa counter at pinabayad siya. Sobra ang kaba na naramdaman ni Mara, parang nahaharap siya sa malaking pagsubok.

*******

Bago magsimula ang klase ay dire-diretso siya papunta sa Cr ng mga babae para subukan ang pregnancy test. Hindi pa siya nakakaihi kaya ngayon lang, ayon sa mga na-research niya mas effective ang resulta pag morning first urine ang sinubukan para sa pregnancy test.

Medyo matagal niyang sinubukan dahil wala siyang sapat na alam kung paano ito gamitin. Nagpapanic naman siya nung wala pa ang resulta pero pinahaba niya ang pasensya niya para hintayin ito hanggang sa mag-bell na.

*******

Mara's POV

First period ng klase ko pero sobra-sobra na ang mga naiisip kong mga bagay. Hindi ko alam kung ok pa ba itong nararamdaman ko o hindi na.

Positive.

Anong kailangan kong gawin? Wala na sa sarili si mama, hindi ko nga alam paano siya kausapin dahil hindi din siya nagsasalita. Ayoko sana siyang iwan sa bahay baka kasi lumabas na naman siya at mawala pero wala akong magagawa dahil kailangan ko ding mag-aral at maghanda para sa Finals.

Hindi ako mapakaling pinipindot ang de-pindot Kong ballpen, habang nagdidiscuss ang teacher ko ay gumagawa ako ng ingay. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko, naiingayan ba sila? Bakit wala silang reaksyon?

"MS. VELASQUEZ!"

Natauhan ako.

"M-ma'am", nagulat ako sa boses niya. Tinago ko agad ang ballpen ko at sinamaan nita ako ng tingin.

Sabi na nga ba eh

"What's wrong with you?", tanong niya na nakakunot-noo, nilagay pa niya ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang beywang.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, hindi ko din alam ano bang idadahilan ko. Ang dami ko na kasing inaalala, bakit ba kasi ang dami kong binibitbit at hinaharap na problema eh pwede namang isa-isa lang oh.

"Sorry po", sabi ko nalang sa kanya.

"Sa susunod na gumawa ka pa ng ingay lumabas ka nalang. Ang bastos oh! Nagsasalita ako tapos ang ingay ng ballpen mo?? Gusto mo lumabas!?", nakaramdam ako ng panic sa sarili nung tumataaas ang boses niya. First period namin ay English at sobrang higpit ng teacher ko na yon, hindi ko naisip na dapat tuwing first period iniiwasan ko ito.

Nakakapanic.

"O-opo", ani ko.

"Ano?? Gusto mo lumabas!?", tanong niya ulit pero pasigaw. Bakit kasi sumisigaw eh ilang metro lang ang lapit sa pagitan namin.

Pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko dito at medyo nakakahiya na dahil gumawa na naman ako ng senaryo dito kaharap si ma'am. "I mean... yung oo na sagot ko kanina po sabi ninyo na sa sususnod ganon tapos yun", kung ano-ano nalang mga pinagsasabi ko.

Tumalikod na siya at nakaluwag din ako ng maluwag. Alam ko at the end of the class may detention akong makukuha mula sa kanya.

***************

After class...

Hapon na at tapos na din ang klase pero hindi pa tapos ang araw ko na puno ng mga masasamang pangyayari. Nakayuko lang din ako patungo sa gate, baka lumabas na naman si...

"MARAAAAA!!", nagpatuloy ako maglakad. "Oy teka", hanggang tumakbo na ako pero naabutan pa din niya ako. "Teka nga bakit mo ba ako iniiwasan?", tanong niya sa akin. Nakatalikod lang ako.

Maglalakad na ulit ako pero this time hinila na niya ako palapit sa kanya, "may problema ba?", tanong niya. Hindi ako agad makasagot. May problema talaga, ang dami nga eh hindi ko na nga mabilang eh.

Hindi din ako makatingin sa kanya dahil feeling ko awkward lang din, ganito ang pakiramdam ko dahil lalaki din siya. Siya lang din naman ang nag-iinitiate na lumapit sa akin, baka naman pwede niya akong tulungan? Aish huwag... iba siya... di ko siya kilala...

"Hangin pala kausap ko", pagtatampo nito sabay pout.

"Ok lang ako... pero may problema lang ako", sabi ko na ikinalingon niya pabalik sa akin. Mukha namang mabait itong ugok kaya sabihin ko na sa kanya. "Actually personal problem ito at ikaw lang ang makakaalam nito", sabi ko sa kanya, kinakabahan pa din ako kasi parang hindi siya katiwa-tiwala.

Wala din naman ako malalapitan, ayoko naman mabastos pangalan ko sa school ko dahil binuntis ako ng sarili kong ama. "You can tell me your problem, I can be trust worthy", sabi niya.

***********

"So hayop pala tatay mo?", sabi niya habang nakatingin sa kalsada at nagdadrive. Tumango ako bilang sagot ko. Hindi ko din lubos maisip kung paano ko ba haharapin itong problema dahil sa totoo lang ang bigat nito para sa akin. "May alam ako na paraan... king papayag ka, tutulungan kita dahil tutulungan mo din naman ako sa finals", sabi niya sa akin ng diretso.

Malapit na kami sa bahay. "Ano yon?", tanong ko.

Huminga siya ng malalim, "ipapalaglag natin yan", sabi niya na ikinatigil ko.

"Ano?? Ricster baliw ka ba??" Napatingin ako sa kanya mg mabilis.

"So gusto mo ganyan lang? Mabastos pangalan mo sa kaklase mo, sa buong campus? Wala na tayong ibang paraan Mara..." sabi niya sa akin, umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba ito... gusto ko din kasi mawala ito, hindi ko alam kung ano na ang susunod kong gagawin.

Hindi ko napansin tumulo na ang luha na kanina pa gustong lumabas mula sa mata ko. Naramdaman ko namang hinawakan ni Ricster ang kamay ko kaya tinignan ko siya.

"Don't worry, I'm always here to help you"

End of chapter 05

**************

Dear Mara (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon