Chapter 5

40 5 0
                                    


Sabi ko mawawala din ito kinabukasan ng victory party, sabi ko wala lang ito na simpleng crush lang pero hayop! Isang linggo na ang nakakaraan after nun pero crush ko pa din sya.

Scammer ang bunganga ko! Walang awa sakin!

Isang linggo na nga ang nakakalipas after nung Victory party nila Samuel pero wala eh, walang pinagbago. I shouldn't allow this feeling to grow masyado na akong nasaktan sa pag iwan ni Papa sa amin noon.

Nakakadala din na magmahal ng lubos and After that iiwan at sasaktan ka lang with matching wounded and tears pa. I've been through a lot kay Papa, sa pamilya namin.

Yes, nagkaka Boyfriend ako noon pero hindi ko naman talaga mahal, just plain crush lang at gusto ko rin maramdaman na may nag ke- care sa akin noong mga panahong iyon.

Bahala na! Mawawala din ito mga next week ata.

Wala naman akong ginagawa ngayong araw dahil Sunday, kakauwi Lang nila galing sa lag simba and as usual Hindi ako sumama, Tita Lindy wanted me to go but i refused, araw nila yan ayaw Kong makibida bida.

Naaalala ko lang nanaman si Mommy, kung pwede nga lang akong pumunta sa Paris ngayon din gagawin ko just to hug her para maramdaman ko naman ulit ang yakap nya.

Its been 3 years since na nagkita kami ni Mommy at ang pagpunta ko Paris, ayaw nyang puntahan ko sya para daw magka bonding at maging close kami ni Papa e' mukhang kabaliktaran naman ang nangyayari. Hindi kami close at hindi kami nagkaka bonding dalawa kasi ayaw ko.

Ang sakit lang sa loob na sa murang edad ko ay nakita ko kung paano umiyak, nasaktan, at naging matatag si Mom para sa akin at hindi nya pinapakita sakin na mahina sya, na umiiyak sya. Nung umalis si Papa hindi umiyak si Mommy bagkos tinulungan nya pang mag impake si Papa ng gamit nito.

I cried, i begged to him to stay but he didn't. He promised me a lot of things that we will gonna do but he left us, he's always telling me he loved me but hayop na love yan, iniwan din kami, iniwan din ako!

Hindi nya namalayan na tumutulo na pala ang mga luha nya sakto naman ang pagpasok ng kanyang Tita Lindy.

Worried nitong dinaluhan si Gab at niyakap.

"Sshh now Gab. im here, im here– you can tell me what's wrong" she touched her back para patahinin and Gab hugged her too.

"A-ang sakit po pala T-tita na yung taong nagsabi sayo na m-mahal ka nya at hindi ka iiwan ay mang iiwan– si Papa, sariwa pa din T-tita" she hugged her tight

"Im so sorry"

"O-okay lang T-tita, naalala ko lang. Sorry po" umalis sya sa pagkakayakap ng Tita nya and she immediately wiped her tears.

"Alam kong galit ka sa Papa mo, the way you speak and actions toward to him said it. Alam kong mahirap at hindi ganun kadali na magpatawad sa taong nanakit at nag iwan ng mga sugat pero always try it. Forgiveness can only heal your wounded heart, Gabrielle Angela."

"I'll try Tita, I'll try. Sana maging sapat yung mga natitirang panahon na magkasama kami dito sa bahay nya para mapatawad ko sya. Im sorry Tita if ikaw yung napag sabihan ko nito, Mom knew it already but i can't– Hindi ko lang po napigilan. Sorry Tita."

She held her hands and smiled to her.

"Its okay Gab, if you have a problem like that you can tell me or call your Mom kahit na alam nya na, i wont mind if you don't want to tell me basta wag mo lang sarilihin, okay?. Basta andito lang din ako gaya ng Mom mo." Lindy kissed her hair and left her alone in her own room.

Nakahinga sya ng maluwag ngayon may napagsabihan sya at nailabas nya ang sama ng loob ang hindi nya lang ine expect ay sa Tita Lindy nya pa nasabi iyon.

Maswerte sila Kuya at Ate na may buo silang pamilya at nanay na kagaya ni Tita but not having a Father like him. Kahit hindi kami okay ni Papa anjan naman sila Tita to understand me and my situation, they never judge, they never treat me like other person instead a family, a child, and a sibling.




Mom, sana mapatawad ko na si Papa.










Kinaumagahan ay maaga akong umalis ng bahay dahil ayaw kong sumabay sa pagkain nila but Tita Lindy prepared a sandwich for me. Nakita kong busangot si Arie habang inaasar sya nila Viel.

Anong meron kay pikon?


"Lumalablayp na si Arie.." pang- aasar nila Viel sa busangot at pikon na si Arie

"Viel kasi!"

I laughed


"Hanep Arie nadali mo!" Pang aasar ko dito kaya nakatanggap ako ng palo.



Hayop na kamay yan! Amazona!





"Wag kang mag- alala Arie, magiging kayo din ni Samuel MO" makahulugang sabi ko

She's confused but I didn't mind. I will make sure na maging masaya si Arie sa lalaking gusto nya basta ba wag sasaktan at iiwam ni Samuel si Arie after nyang mangako e.

Arie wants to have a boyfriend that will last forever– na magiging asawa na nya. Like a one and only man that why she doesn't have boyfriend nor nagkakaroon.


Maria Clara ang hayop.


Lumipas lang ang buong umaga ko ng Boring, naalala ko pa din ang nangyari kahapon with Tita Lindy yung usapan namin.

I didn't imagine magkaka-usap kami ni tita at gaya pa ng ganun.

Lutang syang naglalakad sa hallway na hindi alam kung saan sya pupunta at kung nasaan na ba sya ngayon. Bumalik lang ang ulirat nyang pag iisip ng may biglang humablot sa kanya at dinala sya sa girls comfort room.

"Hayop sin– Leon?"

"Yes, why? May iniisip kang iba?" He whispered to her ears.

Nasa isang cubicle sila ng Girls CR– silang dalawa lang habang magkadikit ang mga katawan! Pilit inaalis ni Gab si Leon sa harap nya but epic failed.

He is stronger than her.

"Umalis ka sa harapan ko dahil wala akong panahon na makarinig ng mga akusasyon mo tungkol sa akin at wala rin ako sa mood na makipag talkshit- an sayo" she tried again to pushed him but it didn't work.

Naramdaman nya Ang hininga ni Leon sa may leeg nya kaya kinabahan sya.

"Halatang wala ka sa mood, ni pagtulak sakin walang lakas.  I thought you're a brave and strong woman that can beat man's face like Arie but i was wrong" tila nabingi si Gab sa sinabi ni Leon pero wala sya sa mood para singhalan ito.

She chuckled.


"Lahat naman may hangganan at may limitasyon ' e. Maybe I'm a brave and strong woman you thought but i have feelings too. I'm not a robot Leon, tao ako nanghihina, nasasaktan, at nadudurog din."

And with that natulak nya na si Leon ng walang kahirap hirap at agad na tumakbo sa kabilang Girls CR para doon ibuhos ang sakit na nararamdaman nya.

Bakit naman kasi humugot pa ako kanina ako tuloy ang umiiyak ngayon.

Epal namam kasing Leon yan!





Hindi ko na sya crush!









***
🖤

Behind the Bright Moon | Moon Series #2  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon