Chapter 16

40 3 0
                                    

    SHE held her heart immediately when she saw her Father and his Family eating in dining. She doesn't know why but she felt something in her heart ng makita nya ang kanyang Ama na masayang kumakain kasama ang pamilya nito.

Naiinggit sya sa nakikita kaya.

Sana naranasan ko pa ng matagal ang ganyan. Sana hanggang ngayon nararanasan ko pa yan. Sana hanggang ngayon buo pa pamilya ko at nagagawa namin ang mga bagay na yan. Sana masaya rin kami. Sana... Pwede pang maibalik ang nakaraan.

Sana..

Lalampasan nya na sana ang pamilyang masayang kumakain ng bigla syang tawagin ng ate nya. Gustuhin nya mang balewalain ang tawag ng Ate na Parang walang narinig ay hindi nya ginawa. Again, magiging bastos sya sa part na yun.

"Aalis kana Gab? You should eat first, halika dito." Wala na syang nagawa ng  paghilahan sya ng upuuan ng Tita Lindy nya. She's also the one who put the food in her plate and pour juice in her glass. Nahiya sya sa ginagawa ng Tita nya kaya inagaw nya na ang pitsel at sinabing sya na lang ang mag sasalin mag isa. Kita nya ang pagtutol nito pero ng nakita sa  mata nya na seryoso ang sinasabi nito ay pinaubaya nalang ng Tita nya ang pitsel dito.

Tahimik nalang na kumain ito habang nagku kwentuhan ang kanyang mga kasalo sa hapag. Nang maubos ay agad syang nagpa alam na alis na mabuti nalang ay susunduin sya ni Leon ngayon. He insisted to fetch him hindi kalapitan sa bahay nila, sa labas ng Village nila ito maghihintay.

Naabutan nya ang kanyang boyfriend na nakasandal sa kotse habang ang mga kamay ay nasa bulsa. Nakayuko ito at tila kanina pa naghihintay sa kanya. She took his attention by fake coughed.

"Babe.." he kissed her forehead ng nakalapit sya dito. Hindi sya nito hinahalikan sa labi kapag nasa public places sila, he respect her.

"Kanina kapa? Sorry.." she apologized but Leon shooked his head. "Nope, don't be, Babe. I insisted so i had no reason to complained." He smiled then hugged her.

She hugged him too. Dinama nya ng yakap ng kasintahan bago kumalas sa yakap baka may makakita sa kanila at kung ano pa ang isipin. Baka rin makita sila ng kanyang Ama at ano pa ang isipin sa kanya.



Pinaandar na ni Leon ang kotse papunta sa kanilang paaralan. Nang makarating doon ay agad silang bumaba sa kotse at naglakad papasok.  As usual, maraming mga Students ang nakakakita sa kanila but they ignored them at hindi naman ginagawan ng malisya dahil normal naman na makakita sila noon dahil hindi lang naman sila ang magkarelasyon sa paaralang iyon.

Hinatid sya ni Leon sa room nya at hindi naman nawala ang mga mai- issue-ng tingin ng kanyang mga kaklase. Gusto nya sanang dukutin ang mga mata ng mga kaklase nyang babae na malagkit ang tingin sa Boyfriend.

"Don't mind them, Babe. Iyo lang ako." Bulong ni Leon sa kanya ng mapansin nakatingin ito sa mga kaklase nya na parang gustong manakal.

Kikiligin na sana sya kung Hindi lang sila nasa ganung sitwasyon. Gusto sanang sakalin ni Gab ang mga babaeng kaklase at sabihing back off, he's mine!  Kaso hindi nya nalang ginawa. Hindi pa naman sya ganung ka warfreak, troublemaker at patay na patay kay Leon para gawin iyon.

Hanggang tingin lang sila. Mainggit kayo!

Nang maihatid na sya nito sa room ay agad nya din itong pinaalis baka mamaya nyan nakahubad na ito dito dahil sa pagpapantasya at mga tinging malagkit ng kanyang mga kaklase. Pagkapasok nya sa room ay agad nyang sinaway ang kanyang mga kaklase na sinundan n tingin ang kanyang boyfriend.

"Psst! Hoy, mga tukmol! Ganda ba ng view?" Nakuha nya ang atensyon ng kanyang mga kaklase kaya napa harap ito sa kanya. Naka cross arm na ito ngayon at tila ba naiinis sa kanyang mga kaklase.

Agad naman na ngumiti ng awkward ang kanyang mga kaklaseng babae ng Makita ang ayos nya. "Peace tayo Gab hehehe. Hindi naman namin aagawin e, makiki tanaw lang ng magandang view." Halos lumabas ang eyeball ni Gab sa pag- irap nya dahil sa sinabi ng kaklase na nag pa- puppy eyes pa.

Kalma, nakikitanaw lang. Hanggang tanaw lang sila.

"Dapat lang no'! Igisa ko kayo jan e!"

"Ay, gusto ko may sauce ako sis! Ayaw kong gisa, mamantika! Yak!" Maarteng sabi ng kanyang baklang kaklase na Isa sa nakiki tanaw sa magandang view– sa kanyang boyfriend.

Naupo na sya sa kanyang upuan at kinuha ang kanyang phone. Typing a message for her boyfriend na wag ng pumunta dito ulit dahil may mga nagkaka gusto sa kanya. Leon replied immediately na nagpa init ng dugo nya, she wanted to kick his ball!

[Why? Gusto lang nila ako, Mahal naman natin ang isat- isa mas powerful 'yun.]

Gusto nyang puntahan ito sa kanilang building para bulyawan. Anong gustong sabihin nya sa reply nya hah? He wanted to be there para araw araw na tatanaw ng magandang view ang kanyang mga kaklase?

Dahil sa sobrang inis nito kay Leon ay sa isip nya nalang ito sinisipa sa kanyang maselang parte ng katawan. She really wanted to do it in reality but her study is more important than that. Pumasok na kasi ang kanilang Prof. at agad nyang tinago ang kanyang phone sa takot na ma- collect ito.

Bawal kasing gumamit ng phone during class hour depende kapag kailangan naman.

Nang matapos ang  kanilang oras sa umagang ito agad syang lumabas ng kanilang room para hindi na sya sunduin ni Leon. Alam nyang naghihintay ang kanyang mga kaklase na pumunta si Leon doon para makasilay na naman ng magandang tanawin.

Lunch ngayon, as usual hindi kanin ang kakainin. Sya palang ang nasa tambayan ngayon dahil doon sila kakain, she knows that her friends will be late dahil nasa time sila ngayon na lumabas.

Bubuksan nya na sana ang piattos na binili ng may biglang naglapag ng pagkain sa harap nya. She look who's that then she found out that its her boyfriend.

May pa 7/11.

"Kainin mo na yan habang mainit pa"

"Mamaya nalang kaya kapag nandito na sila Arie."

Nagpangalumbaba si Leon sa kanyang harapan kaya napataas ang kanyang kilay. "What? Stop staring at me!" Saway nya dito kaya napa ngisi sa kanya ang boyfriend.

"Gusto mong ako muna ang kainin mo ngayon habang wala pa sila Ar–" bigla nyang piningot sa tainga si Leon dahil sa sinabi, "A-aray Gab.. Aray naman Babe." Pigil nya pa din kamay ni Gab sa pagpingot sa kanya.

Binitiwan na ni Gab ang tainga ni Leon kaya ngayon ay himas himas nya ito. Nakita nyang namumula ang tainga nito kaya napa ngisi nalang sya.

"parang pinanggigilan ng babae ang tainga mo sa pula"

kunot noong humarap sa kanya si Leon. "What? Ikaw naman may gawa nito hindi ng lang pinanggigilan, pero ikaw yung babae." He smirked

Pinamulahan sya sa sinabi nito. Kinikilig nga sya sa banat nito kaya gustuhin nya mang suntukin ito ay hindi nya nalang ginawa. Naaawa sya sa tainga nitong namumula pa rin dahil sa pag pingot nya. Imbes na magalit at saktan si Leon ay inilagay nya ang ilang takas ng buhok sa likod ng kanyang tainga.

"Wag kang ganyan, kinikilig buhok ko sa ilong."

***
🖤

Behind the Bright Moon | Moon Series #2  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon