Chapter 23

41 4 0
                                    

HAPPINESS. Yan lang ang nararamdaman ng kanyang Ama sa sinabi nito, Hindi alam ng Ama nya kung totoo ba ang ang lahat ng narinig o isang panaginip lang. Pati ang Kuya nya ay masaya rin sa sinabi ng kapatid, even her friends are happy too. Labis labis ang tuwa ni Gan sa nakikitang saya sa mata ng Ama at sa tamis ng ngiti nito, ni hindi pinapakawalan ng Ama ang kamay nitong naka hawak sa kanya kaya mas lalo syang naging masaya.

Mom, i made it! Napatawad ko na si Papa, I'll make a new memories with him.

She held her father's hand at ngumiti ng matamis. "I'm really sorry pa for my actions towards you and for talked back. Kung hindi kayo na accident siguro hindi ko maiisip na ayaw ko pa kayong mawala sa akin, sorry pa lumaki ang galit ko sayo. Sana ako naman ang mapatawad mo." She begged, her father held her cheeks kasabay noon ang pagtulo ng kanyang luha.

Hindi nya na rin napigilan ang luha kaya bumagsak na rin ito. "Kung ikaw nga napatawad ako, ako pa ba? Kahit naman matagal mo akong napatawad naiintindihan ko iyon dahil malaki ang kasalanan ko sainyo ng Mommy mo, Anak. No, hindi ka dapat mag sorry sa akin i deserved that treatment afterall, after being a jerk, an asshole. It's okay Anak, ang mahalaga maayos na tayo ngayon at yun ang importante ngayon." Hindi nya napigilang mapayakap sa Ama dahil sa tinuran nito.

Sa ilang sandali nyang pagyakap sa Ama ay sumali na din ang kanyang kuya sa yakapan nila. Ang mga kaibigan naman ni Gab ay nagpa alam ng uuwi na kaya wala na ang mga iyon sa loob ng kwarto.

They stayed hugging each other for atleast a minute bago sila naghiwalay at nagtawanan, hindi maalis ang ngiti sa labi ng Ama nya dahil sa tuwa ganun rin si Gabrielle. Hindi akalain ng Ama na sa ganung sitwasyon sya mapapatawad  ng kanyang Anak pero wala syang reklamo doon bagkos sobrang saya nya na parang iyon ang nagpalakas sakanya.

"Bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo dito? Alam nya bang nandito ka?" Napalunok bigla si Gab sa tanong ng Ama kaya napatingin sakanya ang kapatid.

She smiled. "Wag na natin syang intindihan, Pa. Ginago lang naman ako nun 'e, niloko, pinaglaruan. Sana sinunod nalang kita Pa, sana pala hiniwalayan ko na noon pa." Malungkot na wika nya pero pinilit nya pa ring ngumiti sa Ama kahit na masakit upang matakpan lang ang tunay na nararamdaman nya.

Sa akalang maniniwala ang Ama sa kanya at hindi na ito magtatanong ay nagkamali sya. Her father didn't convinced to her smile.

"Hindi mo kasalanan iyon, its my fault anak. Wag mong isipin na dapat sinunod mo ang sinabi ko sayo, naging selfish ako Anak. Im silently supporting to you like what you've said, naging Ama ako sayo ng patago and i even visited you to your room when you're in a deep sleep. I wanted to feel that im here– always supporting to you and being a father. Kung ano man ang sakit na nararamdaman mo you can tell me, makikinig ako, I won't judge you, i won't scolded you." Her father smiled and she is too.

Ngayon nya lang naramdaman ang saya na ang Ama nya ang magsasabi ng nandito lang ito para makinig sa kanya. Matagal nya na ding gustong marinig mula dito na sinusuportahan sya nito and he tried being a father to her even she pushed him away.

Sa hindi maipaliwanag na sayang nararamdaman agad nyang nayakap ang Ama kasabay ang pag bagsak ng mga luha na kalaunang parang nagpapaligsahan na sa pagtulo. May taong nanakit man sakanya ngayon, ay isang tao rin na nagpa kumpleto sa pagiging sya at nagpasaya sa kanya– ang Ama.

Alam ko, Lahat tayo feeling natin Hindi proud sa atin at hindi tayo sinusuportahan ng mga magulang natin sa lahat ng ginagawa natin at sa mga desisyon natin pero lagi nating tatandaan na kahit hindi man nila sabihin sa atin mismo at harap harapan, sobrang proud sila sa atin kulang nalang yata ipagsigawan nila sa buong mundo kung gaano sila ka proud sa atin. Hindi man nila sabihin pero pinaparamdam nila ang kanilang suporta sa atin, lagi lang silang nagmamasid sa atin.

Behind the Bright Moon | Moon Series #2  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon