i don't even know why i accepted to have lunch with him. basta ang alam ko, napapangiti nalang ako.
i can't believe it. kamukhang-kamukha niya talaga iyong lalaki sa panaginip ko! hindi kaya't isang sign na iyon kagabi na siya ang magiging lovelife ko?
my heart jumped at the thought. charot!
sumusulyap-sulyap ako sa kaniya habang naglalakad kami patungong rooftop. yes, niyaya niya akong maglunch sa rooftop. aniya'y mas tahimik maglunch roon kaysa cafeteria. and well, he has a point.
nang makarating kami roon, hindi na kayang itago pa ng dila ko ang nais itanong.
“a-ano palang pangalan mo?”
“christian. how about you?”
“i'm nia.”
“it's nice to meet you, nia.” ngumiti siya nang pagkalapad-lapad, kaya halos makita ko na ang kalawakan tulad ng nasaksihan ko sa panaginip ko. napangiti rin ako pabalik, pilit pinapantayan ang narating ng labi niya.
BINABASA MO ANG
-insomnia
Short Storya story of a girl who stayed awake just to see her dreams come true. 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱 || 𝘰𝘶𝘵 𝘰𝘧 𝘯𝘰𝘸𝘩𝘦𝘳𝘦.