Chapter 2

107 4 0
                                    

Mia Pov*

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses na iyon. Kinabahan ako ng hindi ko alam ang dahilan, may nagsasabi sa akin na layuan ko ang tao na iyon at may parte naman sa akin na lapitan ko ito.

"W-wag nyo po akong sasaktan" kinakabahan kong sabi sa kanya dahil nakatalikod pa rin ako rito.

Naramdaman kong hinawakan nya ako sa magkabilang braso. Nakakapaso ang kanyang mga hawak, tatanggalin ko na sama ng iniharap nya na ako sa kanya.

"Anong kailangan mo?" nakakatakot na tanong nya sa akin.

Napatulala naman ako sa mukha nya, hindi ko akalain na ganito pa kabata ang magiging kuya ko dahil sa itsura ng matandang sumundo sa akin ay masasabi kong gurang na talaga iyon. Akala ko ay mga 30+ na ang magiging kuya ko.

"Sabihin mo! Ano pera?" diniinan nya ang pagkakahawak sa braso ko na kinaigik ko.

"Bitawan nyo po ako" pakiusap ko sa kanya dahil napakasakit na talaga iyon.

"What a bitch!" sabi nya sa akin bago tumingin sa likod ko.

Hindi ako ganong klaseng tao, Oo sumama ako sa Papa nya pero para sa kaligtasan ko iyon. Sana pala ay hindi na ako sumama kung sasabihan lang at ituturing nya lang ako ng ganito.

"Anak! meet your sister,  Mia. And Mia this is your Brother, Prince Hanzel Aquila" pagpapakilala sa amin ni Mr. Aquila.

Ayoko ng ganito! Hindi maganda ang kutob ko sa magiging kuya ko. Hindi nya ako tanggap.

"Mr.Aquila gusto ko pong sabihin sa inyo na aalis na lang po ako" pagpapaalam ko pa.

"Bakit naman Iha? Mabibigay ko ang mga pangangailangan mo" sa mukha ng matanda ay makikita talagang gusto nya akong maging anak.

"Dad let her be. Kung ayaw nya edi ayaw nya, mukhang pera lang naman ang habo--" sabi ni Kuya Hanzel ngunit pinutol na sya ng kanyang ama.

"Hindi kita pinalaking ganyan Hanz!! Ayan ang napapala mo sa kakabarkada mo eh!" pangangaral ni Sir. Aquila.

Mukhang sa harap ko pa ata sila mag aaway.

"Wow! coming from you Dad? Nang mamatay ang mommy, nasaan ka? Nasa kabit mo!" sigaw nya sa ama nya. Hindi ko inaasahan na sasagutin nya ang ama ng ganun-ganon na lang.

"Wala kang alam Hanz!" matigas ding sabi ng ama nya.

"Oh sige! wala akong alam doon. Eh pano naman ang mga oras na kailangan kita Dad? Nasaan ka?!!" seryoso talaga sila? sa harap ko pa talaga nag kwetahan -_-

"Para sayo rin naman ang ginagawa ko Hanz! Ama mo pa rin ako kaya wag mo akong sigawan"

"Why? dahil naghihiya ka sa bisita mo? Bakit? anak ba sya ng kabit mo?!!" sarcastic na tanong nya.

Gusto kong sampalin si Kuya Hanz dahil ginaganyan nya ang sarili nyang ama. Wala syang karapatan na sigaw-sigawan nya lang ang ama nya dahil ito ang nagbihis sa kanya sa magandang buhay. Naiinggit ako sa kanya dahil may ama pa sya, samantalang ako ay iniwan na akong mag isa. Bakit napaka nya!!! naiinis ako, nalalagas ang ano ko. My ghad.

"Ano?? Anak ka ba ni Dad sa ka--" sa akin sya na katingin ng sinasabi nya iyon. Nagulat na lang ako ng biglang bumagsak sya dahil sa suntok ng tatay nya. Boxer sya mga prenny!!

"Kung hindi mo ako kayang respetuhin ay respetuhin mo naman ang magiging kapatid mo!" sigaw ng ama nya sa kanya.

"So kasalanan ko pa lahat ng ito?. Di nyo na ako inalagaan bilang anak ay kumopkop ka pa ng magiging anak ulit. Naggaqaquhan ba tayo Dad?" tumatayo ng sabi nya.

"You!! Welcome sayo at sa magiging buhay mo rito dahil sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan kung paano mabuhay sa ganitong buhay!" banta nya sa akin at tumalikod na.

"Saan ka pupunta Hanz!!" tanong ni Mr.Aquila

"Wala kang pakielam tanda. At nga pala sa bagong anak mo, wala akong balak na maging kapatid kita" sabi nya sa amin bago umalis ng bahay.

Tumingin naman ako sa matanda na nakahawak na sa puso. Mukhang aatakihin ata, myghad wala akong alam dito.

"Mr.Aquila ayos lang po ba kayo?"

"Ayos lang ako iha. Hindi ko lang talaga kaya na sinasagot-sagot na ako ng anak ko" sabi nya sa akin.

"Bakit po ba kasi ang sama ng ugali nya!" naiinis ko na ring sabi habang inaalalayan syang umupo sa sofa.

"Kasalanan ko lahat, hindi ako naging tapat sa ina nya. Hindi ako naging mabuting ama sa panahong kailangan nya ng ama" parang maiiyak pang sabi nya.

"Tanda-tanda nyo naman po kasi ang landi-landi nyo pa" bulong ko habang hinahagod ang likod nya.

Hindi naman nya ako narinig dahil inabot nya ang tubig na dala ng katulong sa amin.

"Sa mga narinig mo Iha, sana sa atin na lang iyon dahil maaring ikasira ng aming pamilya ang problema na iyon"

"Pero sira na po ang pamilya nyo" sabi ko ng diretso na kinalungkot ng mata nya. Mukhang nadali ko ata, bad mouth bad mouth!

"Kaya Anak! Kailangan kita, gusto kong matutong mag mahal ang anak ko" sabi nya sa akin.

"Pero wala po akong alam sa ganyan" dahil 12 years old lang ako para masali sa ganyang gulo nila.

"Matanda na ako Iha, sa tuwing nag uusap kami ng anak ko ay laging ganon ang kinahihitnan" malungkot na sabi nya.

Iniwan naman nya ako na napapaisip sa mga nangyayari. Gusto kong umalis sa bahay na ito, ngunit nakakaawa naman ang matanda baka mapaaga ang paghimlay nya kung ganon katigas ang ulo ng anak nya. At ayaw kong mangyari naman iyo dahil alam ko ang pakiramdam na mawalan ng ama.

"Maam dito po ang kwarto nyo" turo ng katulong sa  pintong kulay puti.

Dahil sa kakaisip ko ay hindi ko nakabisado ang pasikot-sikot papuntang kwarto ko. Putek baka maligaw ako sa susunod.

"At dito naman po ang kwarto ni Sir Hanz Ma'am. Inutos po sa amin ni Sir Hanz na walang sino man po ang pwedeng pumasok sa kwarto nya kahit po ang Daddy nya. Kaya maam pinapaalalahan ko na din po kayo" turo naman nya sa kulay itim na pinto.

Sa mga nadaanan naman naming pinto ay tanging kwarto ko at kwarto ni Kuya Hanz ang naiiba ang kulay. Dahil puro brown ang iba at sa amin naman ay black at puti. Siguro iyon na lang ang magiging palatandaan ko.

"Sige po! Salamat sa pagpapaalala" sabi ko sa kanya bago buksan ang pinto ng kwarto ko.

"Tatawagin ko na lang po kayo pagnakahain na ang pagkain" paalam nya bago umalis.

Nilibot ko ang buong kwarto, napakalaki halos doble ang sukat nito sa bahay nila Tita. Kumpleto sa gamit at may sariling C.R. May napakalambot na kama at may sarili akong Cabinet.

"Ngunit sa laki at ganda ng bahay na ito ay puno naman ng lungkot" sabi ko habang inaalala ang mag ama kanina.

Pumunta ako sa bintana ng kwarto ko at masasabi kong napakalamig ng hangin dahil bukid pala ang lugar na iyon.

"Ang ganda naman ng tanawin!" sabi ko dahil may bundok akong nakikita sa malayo.

"HOY!!!!" sigaw ng isang babe ngunit hindi ko naman makita kung nasaan sya.

"Hoyy nandito ako!!" sigaw nya kaya nalaman kong nasa  puno sya ng mangga.

Sasabihan ko pa lang sya ng mag ingat ngunit huli na dahil nahulog na sya sa puno pati warik kaya kita ko ang panty nyang kulay pink.

'Sana ok lang sya'


The Prince's ClutchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon