Mia Pov*
Kakaiba talaga si Lily, pero mas ok na ito kesa makipag away kay Kuya Hanz sa bahay. Kaso nga lang baka mahawa ako ng sapak sa ulo ni Lily.
"Ano pa ba ito prenny? Seryoso? Brief ni mylabs ay spiderman?" tanong nya sa akin na ngayon ko lang din napansin.
"Ay Oo nga. Mahilig pala si Kuya sa Spiderman" mukhang may panakot na ako sa kanya ah. .
"Ang sungit-sungit ng kuya mo tas spiderman naman pala ang gusto Hahaha" tawa pa ni Lily at nakitawa na rin ako dahil may punto naman talaga sya.
"Hahahahaha-" pero napahinto ang tawa ko ng makita kong amoyin nya ang brief.
"Yacksss naman ang amoy Mia! Bakit ganito?" nakakunot na noo na tanong nya sa akin.
"Bakit?"
"Ang baho! mukhang gamit na gamit ni Mylabs Hanz! Ang baho talaga promise! Amoyin mo" sabi nya pa sa akin at nilalapit ang brief na hawak nya kaso lumalayo naman ako.
"Baka favorite lang talaga kaya gamit na gamit!" pinigil ko ang kamay nya dahil ang kulit-kulit talaga.
"Sabagay cute naman talaga ang design! Pero di ko talaga maimagine na balahura at spiderman ang peg ni Mylabs" sabi nya pa at nilapag ang brief sa lamaesa ng maayos.
Pinanood ko lang sya kung paano batak batakin at pag aralan ang brief ni Kuya Hanz. Ang weird nya talaga pero sya yung weird na hindi nakakainiz, i like her atittude na hindi ka talaga maboboring pag kasama mo sya.
"Seryoso ka ba talagang sa kuya mo ito?" tanong nya sa akin.
Hindi ko masabing sure ako pero siguro naman kay Kuya Hanz iyon dahil spider man sya lang naman ang pinakabatang lalaki na nanduon sa bahay.
"Oo ata" sinabi ko na lang sa kanya.
Madami kaming ginawa sa bahay nya, may mga oras pa ngang pinapakita nya sa akin ang mga specimen achuchu nya. Like gusto nya daw kasing mag doctor kaya nang oopera na sya ng mga palaka, ibon at ahas na kinahanga ko naman.
"Sa tagal ko na dito sa bahay ko na ito! Madami na akong natry na gawin kaya minsan may mga time na naboboring na ako dito sa bahay" kwento nya sa akin habang pinapakita ang alaga nyang catterpillar na unti-unti atang nagiging paru-paru.
"Edi doon ka na lang sa bahay nyo may mga kapatid ka naman ata eh tsaka buti ka nga may mga magulang pa eh" sabi ko na may mga lungkot sa aking mga salita. Sana lahat lang talaga may magulang pa.
"May magulang nga pero ramdam din mo naman na parang wala" malungkot din nyang sabi at inakay akong umalis doon sa kulungan nya.
"Wait di pa natin tapos panoodin yun" pigil ko sa kanya dahil gusto kong mapanood yun.
"Hindi pwede hanggat isa sa atin ay may lungkot sa harap nya" seryosong sabi nya sa akin na ngayon ko lang nakita sa kanya.
"Mukhang may tampo ka sa magulang mo ah" sabi ko sa kanya habang nakatingin naman sa alaga nyang ahas na pumupulupot sa sanga doon sa kulungan nito.
"Hmm ang papa kasi ay subsob sa trabaho habang ang mama naman ay hinihintay makauwi ito" makahulugang sabi nya.
"Para din naman sa inyo yun"
"Hmm yeahh! Kaya nga sinusulit ko na yung luho ko eh hihihi" kahit pinasaya nya ang kanyang boses ay nasa mata nya pa rin talaga ang lungkot.
Ngingiti na sana ako kaso may nahagip naman ang mata ko na hindi kaaya-aya sa mga mata ng batang katulad ko.
"Ano yan?" tanong ko ng makita ko syang may hawak-hawak ng babasahin.

BINABASA MO ANG
The Prince's Clutches
Ficción GeneralBumilis lalo ang pintig ng puso ko nang lumapit lalo sya sa akin. "You can run but you can't hide to me, Amore"