1

35 2 8
                                    

*Beep... Beep.. beep..*

Ugh nagising ako sa ingay ng cellphone kong kanina pa tumutunog ang aga-aga naman tawag ng tawag.


Bumangon ako at tiningnan ang mga texts. Geez.

*9 unread messages from Kim

*7 unread messages from Deah

*3 missed calls from Vaughn

*1 missed call from Trixie


Binuksan ko mga texts sa'kin ni Kim at Deah napahawak ako sa bibig ko nang mabasa ang mga texts nilang dalawa.


sent 6:34 a.m.
'hoy gaga!'
'nasaan kana?!'
'ngayon presentation natin!!'
'hoy!' 6:35 a.m.
'Angeilou!' 6:37 a.m.
'pag di kapa magre-reply kakalbuhin na kita!'
'humanda ka sa'kin pagmagkita tayo'
'hoyy seryoso akoo grades natin to ohh'
'hoy tangina' 6:44 a.m.

sent 6:30 a.m.
'señorita bat wala kapa?'
'kailangan nating maaga ngayon diba?'
'oi pangit! bat ba dika nagrereply?!' 6:33 a.m.
'hoy Angie! babae bilisan mo na' 6:34 a.m.
'pumunta kana sa school!'
'hinahanap ka ng crush mo yiee'
'tangina talaga to oh! Hoi! Bat ba di ka sumasagot?' 6:45 a.m.

Dali-dali akong pununta ng cr para magtoothbrush nang tiningnan ko ang orasan 9:30 a.m. ampota naman oh late na'ko tanginaa!!!

"YAYA!!!" sigaw ko habang nagmamadaling magbihis.

"Ma'am bakit ho?" Tangnang boses pa chill chill pa.

"BAT DI MOKO GINISING?! DI KABA AWARE NA MAY PASOK AKO NGAYON?!" Naiiritang sagot ko habang binobotones ko ang blouse ko.

"Eh ma'am sabi nyo po kagabi di ko po kayo gigisingin kase sabi mo po wala kang pasok" pagliliwanag nya saken pero walang kwenta.

"Anong walang pasok yaya?! Di mo ba alam anong araw ngayon? Monday! Tsaka kelan ko ba sinabi yan sayo?"

"Lasing po kayo kagabi ma'am"


"Oh tapos kung lasing ako? Ni hindi ko nga maalala eh nasinabi ko yun sayo"

"Sabi rin po nila ma'am Athyna at sir Nathaniel na hindi ka raw po gigisingin kase hindi mo po daw gustong ginigising ka pag lasing ma'am" Tangna naman ohh lintik talaga yung dalawang yun palibhasa di kami magkagrupo sa project mga walangya.

"Sino ba boss mo?" Tinaasan ko sya ng kilay at at hinahanap I.D. ko.


"I-ikaw ma'am" kinakabahan baka isisante ko haha tanga di mangyayari yan.


"Oh bakit sila pinakinggan mo?!"

"Sge yaya, pakisabihan si kuya Gil ihahatid nya ako sa school sabihin mo pakibilisan!" I changed the topic kase ayokong kinakabahan yaya ko noh loyal panaman yan ilang years na sya dito.

Dali-dali kong niliston ang rubber shoes ko at kumain nalang ng toast bread at uminom ng orange juice.

Hindi na ako nakaligo dahil late na late na ako jusko.

Kung bakit kase di ako ginising ni yaya eh huhu nagpauto panaman kina Nathan letche huhu humanda talaga sila mga demonyo.

Sa bahay pa talaga nila ako dinala buti nalang wala sila Daddy dito this week tsk. Nagsuot lang ako ng short na maong tsaka blouse na grey.

The Socialites: RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon