"What the fuck was that?" Nagugulahang tanong ni Kim.
Tiningnan namin sya pero wala syang reaction sa nangyare kanina. Seryoso paring kumakain.
"Since when did the people call you by your second name, Trixie?" Nagtataka din tong si Vaughn.
"Kahit ako nga hindi ko kayang tawagin ka sa second name ko eh" sabi ko. Nagtatampo ako hmmp close naman kase kami simula noong elementary pa kami huhu pero di ko nagawang tawagin sya sa second name nya. Nasabi ko na once yung second day na magkaibigan na kami kaso bigla syang nagalit at pinagsabihan ako na wag syang tatawagin sa name na 'yun.
Totoo naman na hindi namin sya kayang tawagin sa second name nya kase bukod sa ayaw nyang tawagin namin sya nyan kase nagagalit sya sa amin pag ganyan.
Ewan ko lang kung bakit ayaw nya tawagin syang 'Renzki' eh maganda naman ah baka may past lang siguro sya kaya ayaw nyang tawagin or what? Bahala na nga.
Pero at the same time pare-pareho kaming nagulat nung tawagin sya ni Kyle by her second name?! Seryoso ba sya?
I mean wait, wait, ugh kainis sya panaman ang unang tao na narinig kong tumawag kay Trixie by 'Renzki' bukod sa principal pag graduation, kahit sila Vaughn nga eh nagulat sa nangyare.
Hindi parin ako maka get over ugh. Kase naman eh ugh wala lang ang unfair.
Nagtatampo kaming lahat dito lalong lalo na si Vaughn haha.
"Ang unfair mo naman Hmmp" nagtatampong sabi ni Vaughn.
"Fuck you." Tumigil na sya sa pagkain nawalan guro ng gana kase naman yang Vaughn na 'yan eh! Parang shunga hindi naman siya cute magpababy-baby in fact mukha siyang kambing.
Wala pa ring nagpakas loob na mag open ng topic sa amin after that.
Tiningnan namin si Deah ng nagsalita sya nang kung ano-ano nanaman tsk ayan nanaman siya. Siya ata ang version 2.0 ni Vaughn eh dahil sa kadaldalan niya hays.
"Tingnan nyo nga oh, kanina pa nakatingin si Ivan kay Angie yiee crush ka ata yiee, Tsaka pasimpleng tinitignan ni Kim si-" hindi nya natuloy nang binatukan sya si Kim HAHAH.
Biglang nagsalita si Kim ng padabog.
"Alam mo rin? Kanina kapa tinitignan ni Precious! Wag mong sabihin na kayo na ulit! Trixie oh!" Napairap na lang si Kim at kinain ang natitira niyang pagkain sa tray."Agoooi marupoook!" Sabay sapak ko sa likod ni Vaughn.
Hah! We all know na naging sila ni Precious nung high school pa kami kaya lang nagbreak lang sila pag senior high na namin tsk dahil daw nag-iba ugali parang hindi naman ako nananiwala pero nay kutob akong alam ni Trix ang dahilan hindi niya lang sinasabi.
Simula noon wala na syang nahanap na kapalit! Haha sana all loyal! Ewan ko ba kung sya ba?
"Nakita ko kahapon ang lists ng H10" pagmamayabang ni Deah. "And, guess what?" Tanong nya pa at nagkibit balikat lang kaming apat at nagpatuloy parin syang nagsalita. "Rank 2 si Precious HAHAHAH nalamangan si Kyle tanga talaga"
Agad na nabuga ko yung iniinom kong juice, nabulunan naman si Kim, gulat namang nakatingin si Vaughn kay Deah pangalawang beses na'to bwisit at si Trix naman kumunot ang noo at napatingin kay Deah.
