"What?!" Tinaasan ko ng kilay 'yong babaeng kanina pa sumisiko sa'kin.
"Ms. Wagner? Are you okay? I'm asking you about our lesson. Is there something wrong?" Napatingin ako kay ma'am sa gulat. Hala kanina pa pala ako tulala? amp di man lang ako tinawag nitong katabi ko tsk. Nakakahiya tuloy pero wow worried si ma'am sana all.
"No ma'am, I'm just thinking of something" pangdadahilan ko. Totoo naman na may iniisip ako tsk. Buti nalang si Ms. Tolentino ngayon medyo mabait hehe.
Natapos na ang araw, eh bwiset sabi ni Kim sa condo ko nalang raw magkita kase malapit lang din daw dito ang location tsk. 5:30 na so nakaayos na ako at hinihintay ko nalang yung apat na mga kupal na ang tagal-tagal jusko. Hindi na ako mapakale kaya chin-nat ko nalang sila gosh.
Coolpal: ambagal mga pagong.
Uno: otw na.
DehhhhyA: ako rin kasabay ko si Kim.
KimmYdorA: nasa traffic light na.
Voguehn: sana all.
AngeLnAbinAgsAknglAngit: @trixx otw ka jan! mamaya naliligo ka palang eh!
Uno: excuse me? I'm not like Vaughn.
Voguehn: online ako!
Natawa ako sa last message ni Vaughn HAHAH in-off ko nalang muna ang phone ko at uminom ng tubig. Maya-maya may narinig na akong kumakatok sa pintuan (malamang) binuksan ko agad at bumugad sa akin ang napakaraming tanong ni Trix jusko.
"Ate ano 'yang suot mo? Pool party tapos takip na takip ka? May pinag-iingatan ka ba? Period mo ba ngayon? Panibagong style yan ah"
"Manahimik ka wala ako sa mood maligo ng pool ngayon" tanging sagot ko at nagkibit balikat nalang siyang umupo sa sofa at kumuha ng mango juice. Amp kakabili ko lang niyan eh.
"Tangina? Takip na takip ka? Pool party daw diba?" Dire-ditetsong tanong ni Kim pagkapasok niya sa condo ko at sumabay din 'tong si Deah "Himala si Angel ayaw siguro ma-grounded ulit HAHAHAHA" pang-aasar niya at tinawanan naman ako nung dalawa.
"Suntukan tayo eh! Nasaan na ba 'yung isa?" Naiinip kong tanong kase kanina pa ako humihintay dito tapos tatagal-tagal pa si Vaughn psh.
"Hoy! Rinig na rinig sa labas ang sigaw mo! 'Kala pa naman ng mga neighbors mo nire-rape ka!" rinig kong bulyaw sa akin ni Vaughn na kakapasok lang din.
"Tanga lang ang re-rape sa ganiyang itsura parekoy" kunti nalang eh susuntukin ko na si Nathan kanina pa siya! Naririnig ko rin ang mga tawa nila kaya mas lalo akong nainip.
"Tara na 5:50 na HAHAHAHA" agad na sabi ni Trixie at nilagay sa lababo ang basong ginamit niya. Amp 'di man lang hinugasan. "Hoy! Hugasan mo 'yan!" sigaw ko. "Wag na late na tayo, kaya ml na 'yan HAHAHAHAHA" Agad na sabi niya at palabas na "HOY HUG-!" "Ok lezz go gaizz!!!" Pagputol ni Aian sa sinabi ko tsk, this guy!
Pagkasakay na pagkasakay namin sa kotse nagsalita agad ang demonyong Jess.
"Ano regalo niyo? perfume akin mweheheh" malanding tugon ni Kim. "Phone?" Maikling tugon din ni Trixie. "Apple watch" walang emosyong sagot ni Deah habang nagda-drive. "Condoms HAHAHAHAH" napakalot naman sa buhok si Vaughn sa regalo niya. "Gago!" Binatukan agad siya ni Kim. Aws sana all. Nagtawanan nalang 'yong dalawa sa harap.
"Ikaw Angie?" Tanong ni Kim.
"Wala hehe" nahihiyang sagot ko at sabay silang napatingin sa'kin except kay Deah.
