Habang nagtuturo si sir ay iniisip ko parin kung anong nangyari sa akin kagabi ba't ba ako nalasing? Anong ginawa ko noh? May nasabi ba akong mga secrets ko kagabi? Huhu tangina wala sana.
Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ni sir. Yes! Yes! Thank God! Dismiss na this!
Di na ako nakinig duh boring naman subject niya eh.
"Okay sir, yes I'll bring him with me." Yun yung narinig ko bago nya binaba ang call. Hays napaka chismosa ko.
"Class Dismiss and come with me Mr. Diaz"
Yes! Yes! Yes!! Sabi na eh.
Pag-alis nila sir umalis agad ako papuntang cafeteria. Pake nila? Nagugutom ako eh wala silang magagawa kundi gawan ako ng food. Anong silbe ng pagka rank ko sa H10 kung di ko gagamitin duh.
"Isang shawarma at regular coke" dirediretso na noh alangan namang mag po pa ako duh parang magkasame age lang naman kami ng tindera eh.
"120 pesos po ma'am" gosh yun lang yun eh 120 pesos?! Ang mahal ah babawiin ko pa sana eh kaso baka magmukha akong cheap hmmp wag nalang ugh.
Kinuha ko nalang agad ang food at umupo sinasadya ko talagang bagalan pagkain dahil wala namang next subject pagkatapos kay sir Ian eh. Absent naman din si Ms. Tolentino duh so pwede nang hindi pumasok pagkatapos kong kumain.
"Takaw sis ah? What happened? Akala ko ba 'Diet'?" Napalingon ako kay Trix nang bigla siyang sumulpot tsk.
Umupo sya sa harap ko kasabay si Vaughn tse.
Teka! May klase sila ah! History.
"Hoy may klase kayo, diba?!" Agad na sabi ko.
"I can do whatever I want duh" pagmamayabang niyang nakangisi sa akin na para bang pinapaalala na kasali siya sa H5 tsk. Duh.
"Ako rin kaya nakalimut ka na agad te?" Isa pa to! Napairap pa siya.
"Ediwaw" tanging iyan nalang ang lumabas sa bibig ko at nagpatuloy ng kumain.
Nanatili silang nakaupo sa harap na parang hinihintay ata nila akong matapos kumain.
Si Trixie nag ce-cellphone, nagbabasa siguro ng wattpad tsk. Si Vaughn ay nakataas lang ang kilay sa akin na animo'y parang galit sa 'kin. Ano ba problema niya? Kung gusto niya rin tong pagkain ko edi magbili siya ng kanya may pera naman siya eh.
"Galit ka ba sa'kin?! Kanina pa nakataas ang kilay mo sa akin" inirapan ko nalang siya. I heard Trix let a heavily sighed and started talking.
"Ask him why, Ange" malamig na utos sa'kin ni Trix. Aba't! Inuutus-utosan lang ako ah. But nevermind psh.
"Bakit daw?" Inis na tanong ko dito sa pangit na babaeng 'to.
"Ambagal kumain ng pucha" Naiinis na sagot niya. Ano ba? Galit ba 'to? Ampota good mood naman to kanina ah.
"We're going to the mall after you eat, bibili tayo ng gift para kay Vincent"
Vincent? Yung poging pinsan ni Trixie?! Hmm baka hindi siya napaka assuming ko lang talaga.
"Vincent?!" Sinong Vin--
"My cousin?" Sagot niya na patanong na parang sinasabi sa akin na kilala ko yun. Okie dokie confirm siya nga huhubels.