"Ma'am" naalimpungatan ako."ma'am andito napo tayo"
Bumaba kaagad ako sa sasakyan at inantay kami ni lola sa may pintoan nakabihis na sya
"Inaantok ka parin?"
"Hindi po ba obvious?" Inaantok talaga akoooo
"Maligo kana at magbihis kung ayaw mong maligo magpabango ka at mag ayos nang mukha" pumasok na kami sa loob "oh becky gawin mong tao yang si Eury at Isla at...— teka nasaan si Eumy?" Hinanap ni lola si Eumy
"Nagpaiwan" sagot ko
"Manonood pa daw nang sine eh" sagot ni Isla
"Nakuuu yung batang yun talaga" napasapo nang noo si lola
Nagbihis na ako bago ako inayusan nang mukha ni Becky para daw magmukha akong tao sabi ni lola.
"Ayaaan ang ganda ganda mo na" puri nang bakla
"Tsss pinapamukha mo talagang panget ako?"
"Joke lang eto naman"
"Nice joke" inirapan ko ang bakla
Quarter to 8 na wala parin si Eumy ang tigas talaga nang babaeng yun ayaw magpapigil tsss
"Hello" may katawag si lola sa phone "sorry matatagalan kami bes....eh kasi yung isang apo ko nagpaiwan pa sa mall...dyan lang naman sa harap....sige sige tatawagan ko pa yun...babye bes" binaba na ni lola yung phone at nag dial ulit
"Huuuy nasan kana?" Naiiritang tanong ni lola "naglalakad ka?san kana banda?.... naglalakad ka sa madilim?"napangisi naman si lola mananakot nanaman to swear
"Dahan ka sa paglakad...dahil may isang naka itim nakasunod sayo...waaag!...wag na wag kang lilingon hangga't hindi ka makakarating sa ilalim nang ilaw...hindi sya magpapakita sa—...abat binabaan ako" nag dial sya ulit
"Lagoot ka binaba mo"pananakot nya kay Eumy "nasa loob kana nang village? naglalakad?...wag na wag kang lilingon hangga't wala kapa sa ilalim nang ilaw dahil hindi magpapakita sayo ang babaeng naka itim...nasa ilalim kana nang may ilaw?...lumingon ka dahan dahan...lumingon ka sabi eh...isaa...dalawa...tatloo...may nakita ka?—"narinig ko ang sigaw sa telepono si lola naman humagalpak nang tawa nakahawak pa sa tyan"Ahhhhhhh" tumakbo si Eumy sa loob at niyakap si lola "tang ina ka lolaaaa" hinampas nya eto
"Huuuy wag mokong ma mura mura lola moko tsaka wag mokong hampasin?fren ta fren?" Tinulak ng bahagya ni lola si Eumy "ayan magpaiwan kapa...magpa ayos kana 8 na oh"
Napatawa nalang ako sa ginawa ni lola kahit kailang ka talaga lola parang bata...inayusan na si Eumy at nakabihis narin sya
"Natakot kaba?" Tanong ni lola sakanya
"Opo"
"Matakot ka jan sa harap moo waaah!" Pananakot ni lola...sumigaw naman si Eumy humagalpak nang tawa si Isla na nasa tabi ko at tapos nang inayusan "natakot kapa eh mukha mo lang naman nasa harap mo"
"Lola naman ehhh wala akong nakitang nakaitim kanina kasi anino ko lang nakita ko"
"Yun nanga natakot ka sa sarili mong anino pati ba naman sa sarili mong mukha natatakot ka?"humagalpak ng tawa si lola napairap naman si Eumy
Pagkatpos ayusan ni Eumy ay naglakad na kami palabas nang bahay akmang sasakay ako sa sasakyan nang biglang nagsalita si lola
"Heeep" pinigilan nya ako "bat ka sasakay? maglalakad tayo"
"Seriously lola? Hallu naka heels po kami" Eumy
"Oh eh ano naman ngayon?hindi kaba makakapaglakad kasi naka heels ka?"