"Zandreil" napalingon kami sa babaeng tumawag sakanya
Si Feona -_-
Agad naman akong tinulak ng bahagya ni Zandreil at lumapit kay Feona ede waw -_-
"excuse us" sabi Zandreil sakin
Hilahila nya sa kamay si Feona.panira ng moment -_-
Pisigaw ni Eumy.inakbayan nya naman kaagad ako
"hmmmm"
"saan kayo pumunta ni balae?" taas baba ang kilay nya
"tsss sa bahay nila" inirapan ko sya
"anong nangyare?"
"diba nadulas ako?hinilot nya lang"
"woooaaaah" pumalakpak pang sabi nya
"nga pala si Zander —"
"heeeep" pinigilan nya ako sa sasabihin ko "ayokong marinig oh malaman ang tungkol sakanya kahit good or bad news yan A.YO.KO." nag cross arms sya
"ikaw bahala"
"by the ways sissy ikaw ha maypa yakap yakap kapa kay balae" kinukurot nya ako sa tagiliran
"ano ba Eums...syempre kinilig ako kasi kinanta nya yung 1D you know idol ko" umirap ako sa kawalan
"weeeeh? as.in kinilig ka talaga?" namamanghang tanong nya
"oo dahil lang sa kanta yun lang " umupo ako sa may bench.andito kasi kami sa field
"ayyy yun lang?hmmm sa susunod sis yang kilig mo mababago yan at sya na ang dahilan" tumatalon pa sya at nakahawak sa pisngi
"tsss" umirap ako sa kawalan
Binalita na ang champion sa banda at ang 1st runner up waaaw pageant ang peg.grupo ni Zandreil ang nakapanalo dahil sa 1D kuno nila ede waw sanaol.nakita ko syang nakangiti sa stage.siguro kung ako ang jowa nya proud ako sakanya.nakakamiss tuloy si Ethan
Lumipas ang ilang buwan.sobrang close na namin ni Zandreil at lalong naiinis si Feona sakin kasi daw mang aagaw ako.aba gurl iniwas ko lang naman sya sayo kasi gold digger ka.kawawang Feona ilang buwan na wala paring nakuhang pera puro chocolate at flowers lang
"gagraduate kana apoooo" sigaw ni lola habang nag paplantsya ng toga ko
"yeye"
"hindi kaba masaya?" tanong nya sakin
"masaya syempre" simpleng sabi ko
"masaya kananyan?nako nako nako" umiiling na sabi nya
"lola alangan namang tatalo ako dito?at mag wawala titili hanggang bukas?" napakamot ako sa ulo
"tanga" hinampas nya ako "mag cecelebrate talaga tayo" inayos nanya ang toga ko
"kelan ba kasi hindi tayo nag cecelebrate?" inirapan ko sya
"ano ba wag kang epal"
"toga kang yan lola pina plantsya mopa"
"abaaaa para magmukha kang plain"
"ede sana mukha ko nalang pinaplantsya mo" inirapan ko sya at lumabas ng kwarto
"siiiiiister" sigaw ni Eumy habang nakasuot ng toga.halatang excited
"yan ang masaya" bulong ni lola
"tsssk"
"CONGRATS SATIN SISTER" sigaw nya habang nakahawak sa kamay ko at tumatalon