"pagod na ako Eumy" napatingin ako sakanya "pero hindi sapat ang salitang pagod ako para hiwalayan kita" emeged weg keng genyen kenekeleg eke seye eh.umalis sya sa kwarto ko at ni lock yun
Sumalampak ulit ako sa kama ko at kinuha yung unan ko at tinitigan iyon "AHHHHHH ZANDER" tumitiling sabi ko "AYOKO MAGING MARUFOK KENGENE KE" nagpagulong gulong pa ako sa kama "KINIKILIG AKO SAYO" kinausap ko ang unan at pinipisil ito
Eury's POV
Paakyat na ako sa itaas ng nakita kong paakyat din si Zander sa itaas.nakikisabay na ako sakanya paakyat.napatingin naman sya sakin
"hey first time mo dito no?" tanong ko
"yeah" he sighed "where's her room?" tinuro ko ang kwarto ni Eumy.narinig namin ang sigaw ni Eumy kaya agad nya itong binuksan.bigla naman syang tinapunan ni Eumy ng unan na may litrato ni Zander.pfft she's so obsess
Pinagawa nya ito nong araw na nakita nya si Zander.yung nakipag beso sya noong araw na umalis kami para bumili ng cocktail dress tsss kaya pala natagalan ang gaga kasi nagpa gawa pa ng unan.lumabas ulit si Zander nang may namumuong luha sa mata.lumapit ako at tinapik sya sa balikat
"intindihin mo nalang sya Der dika matitiis non mahal ka eh" ngumiti ako "alam mo bang obsess sya sayo nakita mo siguro yung mga litrato mong nakasabit sa kwarto nya?yung unan na tinapon nya sayo may litratong nakalagay dun at ikaw yun lagi nya yung niyayakap twing mamimiss ka nya" mahabang kwento ko
"t-talaga?" di makapaniwalang tanong nya.tumango naman ako
"wag mo munang pansinin sya at hayaan mo munang makapag isip isip sya kung ayaw mong makarinig nang masakit na salita galing sakanya" tinapik ko ulit sya sa balikat at iniwan doon
Buti pa si Zander eh naghahanap nang paraan makapag usap lang silang dalawa nang kakambal ko eh si Ethan puro excuses lang buti nalang at maintindihin akong diwata.
Lumipas ang ilang araw.nagkasabay na kami ni Ethan kumakain every lunch.nagrereklamo pa si Kimley kasi daw thirdwheel sya at bakit daw wala pa syang mga kaibigan dito.sawa na daw syang maging third wheel.ayaw nya rin sumama kina Eumy kasi nandun si Isla.si Eumy naman iniiwasan si Zander haynakooo di talaga kayo mag tatagal kung pride nyo ang paiiralin nyo
Mas mabuti ang maging marupok kesa sa taong ma pride.so mas mabuti ako hahahaha kasi pag ma pride ka di talaga kayo mag tatagal sa jowa mo kasi puro away at iwas iwas lang nag aantay kung sino una mag lalambing.mas mabuting marupok kasi isang sorry lang okay na.pero naman masyadong mabuti talaga kasi aabusohin nila yung sorry mo like may kasalanan sila sayo tas isang sorry okay na kayo tas gagawa ulit sya ng kasalanan just know your limitations.pag paulit ulit na wag nang magpaka tanga
Pero iba talaga nagagawa sa pag ibig eh.kasi kahit gaano kasakit yung ginawa nya sayo pag mahal mo dimo matiis yan.kaya mong magpakatanga pag sobrang mahal mo ang isang tao kahit napapahiya kana go ka parin kahit ang sakit sakit na.gaya nang ginawa ko kay Ethan kahit andami nyang nagawang kasalanan pinapatawad ko parin sya
Eumy's POV
Lagi kong iniiwasan si Zander sa twing lalapit sya sakin.lagi nyang kasama si Rhea eh wala na syang oras para sakin.tatlong buwan na kaming mag on pero isang beses lang kaming nag celebrate doon pa sa cebu tas ngayon july na iniiwasan ko parin sya
Nasasaktan ako sa twing nakikitang ngumingiti sya at hindi na ako yung dahilan.siguro hindi talaga kami para sa isa't isa eh.napaluha ako sa mga iniisip ko.
"oh" napatingin ako kay Matt.nag abot sya ng panyo sakin
"thanks" pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko