*CHAPTER 31* (CEBU - talisay)

4 0 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw.napatingin ako sa hinihigaan ko nasa bed na ako.napatingin ako sa katabi kong nakatitig sakin at hinihimas ang buhok ko.he smiled at me and lean to give me a smack kiss

"Goodmorning" he said while smiling

"Goodmorning" i hug him and he responded my hug

"let's go and eat our breakfast we havent ate our dinner yesterday" he chuckled

"yeah right baka ano pa isipin nila" bumangon ako at naghilamos sa maliit na banyo ng kwarto ko

Pagkalabas ko nakita kong nakahiga si Zander at nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko.lumapit ako sa kanya at tinapon sa mukha nya ang basang face towel.napabalikwas naman sya ng bangon

"heey" he glared

"peace" nag peace pa ako.pumasok sya ng banyo ko at nag hilamos

Pagkatapos nyang mag hilamos sabay sabay na kaming bumaba para kumain.magka hawak kamay kaming bumaba sa stairs.napatingin naman si lolo samin nagbabasa sya ng dyaryo si lola naman nagpanggap na nagbasa ng dyaryo baliktad eh.hinampas naman sya ni lolo

"bakit?" bulong ni lola

"baliktad"

"aiiiish" padabog na nilagay ni lola ang dyaryo sa mesa "kamusta?" ngiting ngiti si lola sakin

"okay naman" sagot ko

"may apo naba ako sa tuhod?" lumapit pa sya sakin

"la ano ba yang pinag iisip mo" inirapan ko sya at umalis sa sala

"diba sabi mo noon hindi ka buntis dahil wala kang nobyo?ngayon apo meron kana" nakasunod pa sya sakin.umupo na ako ang kulit talaga

"la ayoko bata pa kami" naglagay na ako ng pagkain sa plato at sumubo

Humarap sya kay Zander na ngayon ay paupo na sa tabi ko.pinigilan sya ni lola umupo

"apo gumawa na kayo ng bata" pamimilit nya kay Zander

"ahhh hehe" hindi sya makabigkas ng isang salita

"total pag may bata na kayo hindi na kayo bata nyan" mapang asar na sabi ni lola

"la oo gagawa kami next year pag graduate na kami ng Kto12" naiinis kong sabi.tumitili naman si lola na parang walang sakit sa tuhod ammmp nagmamadali syang naglakad at tawa ng tawa

"are you sure sweet?" kunot noong umupo sya sa tabi ko

"nope" sumubo ulit ako "kain kana" nilagyan ko ng pagkain ang plato nya

"why?" napatingin naman ako sakanya

"anong why ka jan?hello bata pa tayo" hinampas ko sya sa braso

"your grandmother's right —"

"tumahimik ka" i glared at him.napasubo naman kaagad sya ng kanin

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa garden kung saan sina Isla naka standby

"huy anong ginagawa nyo?" gulat na tanong ni Isla

"oo nga hindi ka dun natulog sa kwarto kahapon" sabi ni Eric

"i was with her yesterday" he said in a cool voice

"woooaaah may nangyari?" nanlaki ang mata ni Isla

"wala gaga" umirap ako

"guuuuys" sigaw ni Zariah patakbo dito "mamayang 3pm punta tayo sa Tpark" tumitiling sabi nya

"ano namang meron dun?" umupo ako

"may banda"

"oh sama na natin si Eury" tumayo ulit ako pagkadating ni Eury

ReincarnationWhere stories live. Discover now