*CHAPTER 30* (CEBU - Syudad)

8 0 0
                                        

Eury's POV

Kinabukasan.Nagising ako sa lakas ng katok sa kwarto ko.agad akong napabalikwas baka masira ulit yung pinto ko gagatos nanaman.agad kong binuksan

"la?"

"anong oras na't tulog kapa" pumasok sya sa loob ng kwarto ko

"hindi ko po alam" pumasok ako ulit at humiga

"abaay bumangon kana at magsisimba pa tayo" hinila nya ang kamay ko

"oo na" bumangon ako.naligo agad ako at nagbihis ng yellow dress na may botones hanggang tuhod at naka tupi yung longsleeve hanggang siko at naka converse.sorry pero hindi ako yung tipong magsasandal

Bumaba na ako at nakitang naka ayos narin yung iba.naka pink na offshoulder dress si Eumy,naka green na sleeveless dress naman si Isla at naka fitted dress naman si Zariah ang ganda ng katawan nya,si Zarine naman may sleeve yung dress nya at yung harap hanggang tuhod at mahaba naman ang sa likod lahat sila naka flat sandal si Zarine lang naka heels

Bumaba nadin si Zandreil naka light yellow syang polo at naka black pants naman at naka black converse.napatingin silang lahat samin.He just shrugged and walk out.inaasar naman ako nila Zariah

"Yiiiieeee naka couple shirt sila" tinutusok pa nila yung gilid ko

"ano ba!hindi kami naka couple shirt" pinagsingkitan ko sila

"baka couple color ate" natatawang sabi ni Zarine

"magka kulay lang walang couple"inirapan ko sila at lumabas na

Naglakad ako papunta sa van.sasakay na sana ako sa first row ng pinalo ako ni lola gamit ang payong nya

"la ano ba?"

"dun ka" tinuro nya yung pinaka likod 

"ayoko" pagmamatigas ko

"isa...da—"

"lola hindi ako natatakot sa numbers" umirap ako at tumabi sakanya

"ganun ba?" napatingin pa sya sa itaas na parang nag iisip "pink...yellow...green...blue—"

"la ano ba?" tumingin ako sakanya

"baka sakaling matakot ka sa kulay..brown..bl—"

"la lalong hindi ako natatakot sa mga kulay" inirapan ko sya at pinaghalukipkip ang mga braso

"okay...A...B...C...D—"

"urghhhh" tumayo ako at tumabi kay Zandreil sa likod.nakakairita lalo lang iingay si lola eh

"takot ka pala sa Alphabet" natatawang sabi ni lola.umirap lang ako

Pumasok na sila Eumy sa van.si kuya Israel ang nag da-drive sa shotgun seat naman si Zariah pinilit sya ni lola eh.sa second row naman si Zander ,Isla ,Eric at Eumy.katabi ko si Zandreil na katabi ni Zarine.umandar na yung sasakyan at hindi ko alam kung bat papunta lng syudad tong daanan namin eh may malapit naman sa T church.

"oy ate Eumy" tawag ni Zarine sakanya

"oh?" tumingin sya sa likod

"bat ang layo nyo ni kuya Zander?nag away ba kayo?" nagtatakang tanong ni Zarine

"oo nga " humarap si Isla sakanya.napatingin naman kami kay Eumy.humarap si lola at lolo samin

"nauna akong naupo dito eh at sumunod naman si Eric" pagpapalusot ni Eumy at tumingin kaagad sa bintana

"huy babae tumabi ka sa nobyo mo" pinagalitan sya ni lola

"wag na lola" walang ganang sagot ni Eumy

ReincarnationWhere stories live. Discover now