Scene One: The Dreams

179 10 3
                                    

"Wala kang kwenta! You betrayed me! How dare you? Sabay tayong lumaki and ito ang gagawin mo sakin?!" malabong nagsasalita ang babae sa harap ko.

"I don't know what you're talking about." sagot ko sakanya.

"We're not friends anymore! Wag na wag ka nang magpapakita sa akin!" pagalit niyang sabi then suddenly I felt na may sumampal sakin. I opened my eyes and it's Jessica.

"So nanaginip ka nanaman about diyan sa away na 'yan. I already told you. Hindi nga mangyayari 'yan." panguna niyang sabi sakin habang nangangalikot ng cabinet ko.

"I can't understand kung bakit ko nalang yun napapanaginipan." I said to Jessica.

"Meghan Karielle, just stand up okay? Hindi mo ba alam kung anong mayroon ngayong araw na 'to?"

"Uhmmm it's Saturday?"

"You're really out of your soul! It's our bestfriendsary. How could you forget about that?" tapos nagmake-face siya. Of course I know naman noh. Ang sarap lang nitong pikunin. Jessica is my very best friend simula pa nung baby kami I guess. Her mom and mine met in the hospital kasi sabay silang nanganak sa iisang room. And then naging mag friends na sila pagkatapos. They went out together with their husbands, Jessica and me and my Kuya. And hanggang sa nagkaisip na kami ni Jessica, magkaibigan parin sila. Their house is 3 house away from us na nasa tapat.

"Teka saan ba tayo? Sa condo mo? Doon tayo magsuswimming?" tanong ko sakanya. Well, mayaman sila. We are too but mas mayaman sila. They have business and two condos, para sakanya and para sa parents niya.

"Nope, sa swimming pool tayo magsuswimming not in the condo dear." pilosopo din 'to e.

"Yuh, haha funny funny." pangasar ko sakanya. Tumayo na din ako and nagayos ng sarili habang siya kusang nangangalikot ng cabinet ko. Well, alam na alam niya na kung anong mga kailangan ko. Mayaman man 'to pero hindi 'to ganun kaarte. Maldita lang minsan sa mga makukulit na tao. Tulad nung last week, pinaiyak niya yung pinsan niya kasi ayaw magpautos.

It's vacation and I think next next next week, first day of school na sa school namin ni Jessica. Maya maya pagkatapos naming magayos bumaba na kami agad. We're now walking papuntang kotse nilang nang biglang dumating sina Mom and Dad. Pinaalam ako ni Jessica and pumayag naman sila. They always do. Nagkwentuhan lang kami habang nasa kotse niya syempre yung driver yung nagdadrive kasi hindi pa pwede si Jess. I remember nung tinuturuan siya ng Dad niya magdrive ng kotse. She almost broke their car sa pagbangga sa isang puno. Pero ngayon, marunong na naman siya.

"So we'll gonna stay there until tomorrow?" I asked her.

"Oh yup." sagot niya sakin.

Here we are sa condo nila. Bago kami binaba sa may entrance sinabihan ni Jessica si Manong na balikan kami tomorrow after lunch and then bumaba na kami. Kinuha ng crew yung mga gamit namin and ihahatid na lang 'yon sa kwarto ni Jess. It's already lunch time and as usual ayaw ni Jess yung mga pagkain sa canteen dito and me either. Kaya nag padeliver nalang kami ng favorite namin sa Shakey's. Sa kanya isang carbonara, mine is mushroom soup and lasagna and para sa aming dalawa is Hi-Protein Supreme na Pizza and Mojos it is. So ang takaw namin noh?

When we had our lunch nanuod muna kami ng movie para bumaba muna yung kinain namin bago magswimming. We watch Bride Wars. Tuwang tuwa kami kasi it's about sa mag best friend na parehas nangangarap ikasal sa iisang venue. And nagaway sila dahil na book sa iisang date yung kasal nilang dalawa hanggang syempre nagkabati rin sila. After we watched, nagbihis narin kami para makataas na kami sa swimming pool. O diba ang bongga nasa taas ang swimming pool edi nagkasakit kami noh. E wala e ganun talaga. Nang nakaakyat na kami tatatlong tao lang nandun yung isa paalis pa. Sumulong na kami sa pool and nagrelax. As usual, karerahan kami sa pag langoy pero palagi ko siyang natatalo. Nung tahimik na lang kaming tumitingin sa sunset.

"Uhhh, Meg?"

"Yup?" pagtanong ko habang nakatingin padin sa sunset and naaaninag kong nakatingin si Jess sa akin.

"Kamusta na kayo ni Harry? Nagparamdam na ba siya these days?" bigla akong napatingin sa kanya and napatingin pababa.

"He doesn't care anymore." pagsagot ko sakanya then tumingin na lang ako ulit sa sunset. Well, Harry was my boyfriend. Hindi ko alam kung bakit kami nag break. Wala kasi talagang official break-up. Dumating na lang ang isang araw na umalis sila ng pamilya niya nang hindi ako sinabihan. Nagbakasyon or nagmigrate ata sa ibang bansa. I don't know and I don't care. Well naging kami at the end of the school year last year. We're friends and naging kami. Kaya sobrang sakit nalang nung tinopak siyang iwan ako. So drama right? Puppy love man ang tawag. Minahal ko padin siya. He was gentleman, smart, athletic and religious. Hindi ko na lang talaga alam kung anong naging mali sa amin.

Nung nag gabi na lumamig na kaya bumalik na kami ulit ni Jess sa condo niya. Napaisip tuloy ako sa tinanong sakin ni Jess. Alam kong concern lang si Jessica kaya niya naitanong 'yon. Paano kaya kung hindi naman niya talagang gustong iwan ako? Paano kaya kung napilitan lang si Harry na umalis nang hindi nagpapaalam sakin?

Nanunuod ako ng HBO movies and si Jessica ay nagshower.

*Text message*

Harry: Babe, no matter what I love you much okay? Be safe always. I know Jessica is always there for you. Good night babe.

Meghan: Good morning babe. Are you up already? Maka goodnight message naman 'to. Oo naman po. :)

Meghan: BAAABE! Wake up na!

Meghan: Bakit ang tagal mong magreply ngayon? Hindi ka naman tanghali kung magising ah?

"I left I guess more than 10 messages for him sa araw na 'to Jess."
"Maybe, he's just busy. Hindi kaya?"
"No Jess, hindi siya ganito. You know that."

"Meg! Meeeeg? Meg!"
"Oooooh oooh ooh?"
"Nakatulog ka na diyan. Tapos na akong magshower, ikaw naman."
~~~~~~~~~~

So this is the first part po. Sana nagustuhan niyo. On going series po ito. Just comment kung nagustuhan niyo para ma-encourage pa po lalo ako ipagpatuloy yung story. :) This is Kaeyla Vicente signing off. :D

_raqcuetgirl~

Highschool DramasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon