Scene Seven: Auditorium

29 0 0
                                    

Kinabukasan, it is a school day again. Katabi ko si Jess, nagkukwentuhan kami about sa mga bagay bagay.

"Oh kailan na kayo magsastart magpractice ni Papa Harry mo?" tanong niya sakin.
"Anong KO? Umayos ka nga."
"Sarreh" sabay dila
"Anyway, ewan maybe later" sagot ko sakanya.

Actually I'm not yet ready talaga. Lalo na't nagaalala pa ako tungkol kay Casey. Pagkatapos na nangyari kahapon nung pumunta kami sakanila and nung nakausap ko siya sa phone. Feeling ko may problema talaga siya e. Nakatingin ako ngayon sa board pero naiisip ko talaga si Casey. Maya maya pumasok na si Harry at nasa likod niya si Casey. Tumayo ako at sinalubong ko siya.

"Good morning Case. K-kamusta?" pagbati ko sakanya habang paupo rin siya. Nautal ako kasi nakita ko siyang mukhang puyat at pagod. Medyo nga nangayayat siya e. Hindi siya nagsalita habang paupo siya. "Ano ba nangyari sa'yo ha?" Then napatingin ako kay Harry na parang nagtatanong rin ako sakanya. Malungkot yung mukha niya and nagshrug nalang siya.

"Huwag mo na kong intindihin. I'll be fine." sagot sakin ni Casey, finally. "Okay Casey. Ililista ko sa papel yung nga namissed mong activities ah. Wait." tapos nun umupo na ko sa upuan ko. Nung lumingon ako para ibigay yung mga naisulat ko nakita ko siyang lumuha.
"Case we can talk about this you know. I can help." sinabi ko sakanya.
"Thanks" then kinuha niya na yung listahan at naghalungkat na ng bag para sa mga libro.

It's confusing. She is a rich girl na may gwapo at mabait na future husband and sobrang ganda at matalino pa siya tapos makikita mo siyang nagkakaganun? She is my cousin, I care about her. Pero ayoko na siyang kulitin pa kasi baka hindi talaga siya handa na ikwento sakin kung ano bang problema niya.

The class started already, kumokopya kami ng mga nakasulat sa board. Well ako natapos na kaya kung ano ano nalang dinodrawing ko sa likod ng notebook ko. "Pst. Sulat mo ko." pabulong na sabi sakin ni Jessica.
"Haynako Jess, magsipag ka nga."
"Hmmn tamad!"
"Ako pa tamad ha!" napachuckle ako then hinila ko yung ilang piraso ng buhok niya. Aray siya e.

Maya maya may kumatok sa pintuan at pumasok at kinausap si Ma'am.
"William Flores and Meghan Hernandez" napatingin ako kay Jess then kay Ma'am. "Proceed to the auditorium now.". Tumayo ako na hindi tumitingin kay Harry o kay Casey. Ayokong makita yung itchura niya tungkol dito. Although wala naman akong narinig na salita galing sakanya habang tumatayo si Harry pero syempre.
"May naisip na akong performance." pagapproach niya sakin habang mabilis kaming naglalakad papuntang auditorium.
"Ah ganun ba. Good." then inexplain niya sakin na gusto niya na magduet kami. He can sing and ako din. Pero kami? Kakanta together? Mahirap ata yan lalo na't alam kong somewhere sa mga upuan doon nang araw na yun ay nakaupo si Casey. Gusto ko siyang makausap about dito.

Pagkarating namin sa auditorium. Nandoon narin yung ibang representative sa bawat section ng 1st year to 4th year. Nandoon kami para magpractice ng pagrampa sa stage para ipakita yung mga panglinggo ng wika attire namin. Mayroon din daw na Q&A portion. Every level yung labanan syempre. Yung mga award is "Reyna't Hari ng Buwan ng Wika" para sa 4th year, "Prinsesa't Prinsipe ng Buwan ng Wika" para sa 3rd year, "Kaakit-akit na Babae't Lalaki ng Buwan ng Wika" para sa 2nd year and "Maganda't Gwapo ng Buwan ng Wika" para sa 1st year.

Nagsimula na kami and ayun medyo nagkakagulo pa. Inabutan na kami ng break at balik nalang daw after kumain. Pagbaba ko ng stage sakto yung pagpasok ni Jessica, Nathalie at Casey sa may entrance.
"Hello babe I miss you!!" sabay hug sakin ni Jessica.
"Che! Babe ka dyan?! There was never an us noh!" pangaasar ko sakanya then piningot ko yung ilong niya.

"Hey Casey, sasabay ka ba ng break?" pagbulong ni Harry kay Casey. Then bigla nalang nauna na si Casey maglakad palabas nang mabagal. Parang yun narin yung sagot niya kay Harry.
"Sige mauuna muna kami. Babalik rin ako Meghan." sabi ni Harry.
"Okay." "Eat well Casey!" sabi ko sakanya.

Pagkaalis nila bigla akong inintriga ni Nathalie habang papunta kami ng gym. "Meg, anong nangyari sainyo? Nagusap kayo? Ano napagusapan niyo? Okay na ba kayo?"
"Kalma naman sa tanong." sabi ni Jessica.
"Uhm, pwede na. Syempre may ilangan parin." sagot ko sakanya.
"Haynako Meg, dapat di mo na pinapatagal yan. May pagasa pa kayong dalawa oh." hirit pa ni Nathalie.
"Nathalie kahit may pagasa man kami dahil hindi pa sila ni Casey, e hindi ko siya papatulan. May paki ako sa nararamdaman at mararamdaman ni Casey. Kaya alam ko kung anong tama ang gagawin." natahimik nalang siya after kong sabihin yun.

Maya maya hinatid na nila ako pabalik ng auditorium. Nandoon narin si Harry. Sabay na kaming umakyat sa stage. Habang pasimulang nagrarampa at nagiintro sila bigla kong naapproach si Harry.

"May alam ka ba sa nangyayari sa pinsan ko?"
"Casey?" tanong niya.
"Malamang. May iba pa ba akong pinsan na kilala mo?"
"Oo meron. Sina Luis, Xean, yung twins na baby and si Tania." sila yung mga pinsan ko na nakakasama namin noon minsan sa galaan. I can't believe na natatandaan pa niya. Its kinda sweet. But back to the real topic.

"Sus. Kay Casey nga. She's been acting strangely these days."
"Oh wag mo kong iblame ah. I've been trying to reach her naman e. Cinocomfort ko siya kapag umiiyak siya kahit hindi ko naman alam yung dahilan. It is kinda hard din para sakin noh."
"Wala ba siyang nabanggit sa'yo?" tanong ko sakanya.
"Wala pero once magkasama kami bigla siyang tinawagan ng nanay niya and parang nagsigawan sila. Umiyak siya and nagpauwi na." sagot ni Harry. So problema sa bahay? Yun ba yung iniiyakan niya? Bakit naman kaya.

Natapos narin kami nang ilang saglit. Then binigyan kami ng oras para makapagplano.

"Meghan, I need to talk to you." sabi ni Harry habang paupo kami.
"Uhm?"
"Are you mad at me? For leaving you just like that?" napalunok ako sa tanong niya then napasandal. Nakatingin ako sa stage. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya dahil mapapaiyak lang ako.
"I was I guess. Pero ngayon? Hindi ko alam kung dapat pa akong magkapaki." sagot ko sakanya.

"This is the first time na sasabihin ko 'to. I- AM- SORRY. It was not a good decision but I didn't had a choice. I can't tell you about it. I just to need explain myself to you. I'm not a bad guy Meghan, you know that. You were my first and I was yours. And that reality? We could never change that. I was your best buddy and hindi ko naman kasalanan kung nahulog ako sayo. But I lost my best girl. Even Jess. I lost you both. Pero ikaw iba ka. We were together back then. And I loved you. Things just happened. And we had to change." napatingin ako sakanya dun sa part na nagsorry na siya.
"I don't want to say. Pero ito, ito yung nararamdaman ko. I was hurt Harry. You left me without saying a thing. Yes you did text me but you just said a good night message. I've missed you but then I realized that I don't need you as my boyfriend. I need you as my best friend. But you were not with me. You went in the USA and I heard nothing else from you. But you are right, things changed. Hindi na kita makausap katulad nung dati kasi all I feel are hatred and fear of having a problem with my cousin just because of you. I don't want that to happen."

"I understand Meghan. But I wish we could be friends again. Wag mo na kong iiwasan. We could help each other to help Casey with her problem." sabi niya sakin. Nginitian ko nalang siya and iniba ko na yung topic. Nagplano na kami ng intro namin and yung susuotin namin bibili nalang kami sa mall and yung intermission number, kakanta daw kami na may banda sa likod. Bokalista lang ang peg? Anyway pagkatapos nun lunch na. Bumalik na kami ulit sa classroom then sabay kami ni Jess pumunta sa gym. Kasama ni Nathalie yung ka-fling niya. I told Jessica about kay Harry. Hindi ko malaman kung kinikilig ba siya o nagagalit. Sabi kasi niya "Haynako, sabi sayo e may thing pa yan sayo. May chance pa kayo! Pero ang landi ah? May Casey na siya diba. Mas pinili niya nga yun kesa satin diba?!"
"Easyhan mo lang Jess. Parang kayo yung nagkasomething ah."
"Nakakahighblood noh!" sagot niya.

Tinawanan ko nalang siya. Tinapos nalang namin yung kinakain namin then bumalik na kami sa room. I saw Casey and I approached her. Nginitian niya lang ako. Nakaheadset siya then nagbabasa ng libro.

Ang bilis ng araw as usual. And mamayang dismissal magkakasama kami ni Harry para sa practice namin. Actually we are going to the mall para bumili ng costumes para wala na kaming intindihin. Syempre isasama ko si Jess. 95% na pagpunta ko sa mall siya ang kasama ko. Well, ganun talaga pag besties.

~~~~~~~~~~
HI GUYS! Bitin right? Sinadya ko yan para sa next part ;) And magoover na sa 2k yung words if ever na ituloy ko 😂
Keep reading, sharing and liking it guys :)) PLEASE PLEASE spread this story ✌️✌️

_racquetgirl~💕

Highschool DramasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon