Scene Six: Filipino Class

39 0 0
                                    

Bakit ba ang sakit sa ulo nitong Math na 'to. I reviewed pero ang tagal ko masolve nung answer.

"Okay class 15 minutes more to finish your works." paalala ni Miss Regine.

Good thing malapit na 'ko matapos. Tinignan ko si Jessica and nahihirapan siya. Nung matapos na ko pinasa ko na yung papel ko and tinulungan ko si Jessica. Nagets niya naman and nakatapos narin siya. Next period is break. Pumunta na kaming tatlo ni Nathalie at Jessica sa canteen.

Anyway about kay Casey? We're now close. Nakakasama nga namin siya sa mga breaks. Pero hindi kasama si Harry kasi may mga kaibigan rin siya. Everyday sabay sabay naman silang pumapasok at umuuwi. We still barely talk. Kami ni Harry. Awkward lang nang sobra. And Casey thought everything is fine. Nung kailan nabanggit niya sa harap naming lima yung friendship namin ni Harry before. Nagpretend nalang kami na ayos kami kahit hindi. Nag fist bump lang kami para makita ni Casey na ayos kami.

Absent ngayon si Casey and I don't know why. Tinext ko siya kanina but she's still not replying. Napapaisip ako kung bakit.

"Buti nakakayanan mong magpretend na ayos kayo ni Harry sa harap ni Casey noh?" biglang tanong ni Nathalie habang paupo kami sa upuan sa may canteen.
"Wala namang choice." sagot ko sakanya.
"Hindi niya ba alam na naging kayo ni Harry?" tanong ni Nathalie.

Bigla akong nasamid habang iniinom ko yung C2. Ngayon ko lang narealize na hindi nga pala namin napaguusapan yun ni Casey. And she's not asking about it. I guess hindi sinabi ni Harry sakanya. Napatingin ako kay Jessica na katabi ko then to Nathalie.
"Uh. Hindi naman namin napaguusapan Nath e. Tsaka she's not asking about it."
"Pero, hindi kaya isipin nun pinagtataguan mo siya?" Nathalie says.

Hindi naman siguro. Kasi baka layuan niya lang ako pag sinabi ko. Pero hindi naman ganun si Casey. Feeling ko lang na baka ganun.
"I don't know Nath. Bahala na."

Its our Filipino time. Pagdating ni Miss Pillar wala siyang hawak na textbooks. Just a note book and a pen. Bakit kaya? E ang dami magdala to na ka-eklabushan e.

"Magandang hapon Los Angeles."
"Magandang hapon po Miss Pillar."
"Wala tayong klase ngayon. Dahil paguusapan natin ang tungkol sa selebrasyon ng Linggo ng Wika next next week. As usual kailangan natin ng dalawang representative bawat klase"

Ipinaliwanag ni Miss Pillar kung ano ano ang gagawin sa celebration. Kailangan daw ng muse and escort katulad nung Nutrition Month. Si Nathalie at Cervin ang naging representative noon. And they didn't win.
"Maaari kayong bumoto para sa magrerepresenta ng klase." sabi Miss
Bigla nalang ako nagkagoosebumps nung narinig kong sinisigaw nila yung pangalan ko at ni Harry. Bigla akong napatingin ka Miss then imiling ako na ayoko.
"Meg dali naaaa! Ngayon ka nalang ulit magmumuse." pagpipilit sakin ni Jessica. Yes its been a long time na hindi ako nagrepresent. Dahil halos every year nila akong pinapasali noon. And nung nagfirst year ako hindi na ako sumali dahil may mga naghusga sakin na sugapa raw ako every year. E hindi naman ako yung nagboboto sa sarili ko. Anyway, ayos lang naman e. Kaso with Harry? Paano si Casey nito. Although alam kong maiintindihan naman niya so pwede rin. Kaso hindi e. Our past. Syempre we need to spend with each other almost all the free time for us to have practices. Hays. I don't know.
"Miss Hernandez nagdesisyon na ang iyong mga kamag-aral. Ikaw ay makakasama ni Mr. Flores para sa pageensayo. So ito ang mga gagawin sa selebrasyon ng Buwan Ng Wika..." then Miss Pillar explained the instructions.

Finally dismissal na. I'm still thinking about our partnership. Ang awkward lang sobra. And baka mamaya ano ang isipin ni Casey nito. Pumupunta kami ni Jess sa may parking lot.

"Hey!" may naramdaman akong tapik sa balikat ko na parang galing sa pagtakbo. Pagkaharap ko its Harry.
"Oh?" tanong ko sakanya.
"Ayos lang naman sa'yo yung sa Linggo Ng Wika right?"
"Ah uhm. Oo naman, bakit?" tuliro ako habang nasa harap niya ko. Nakakapanibago kasi.
"So kailan tayo magpapractice? Napicturan ko nga pala yung instruction sa may Bulletin Board."
"Uhm maybe tomorrow. Nga pala, alam mo ba kung bakit absent si Case?" tanong ko sakanya.
"Hindi pa siya kasi nagrereply sakin e. Kaya hindi ko pa alam."
"Sige. Mauuna na kami." sabi ko. Napansin ko wala na pala sa tabi ko si Jessica. Nauna na sa kotse. Pagkadating ko doon nangasar asar siya. Hindi ko alam kung ano yung dapat kong intindihin. Yung sa Linggo Ng Wika? Yung gagawin namin na performance? Yung pagiging awkward kapag magkausap kami? O yung pagabsent ni Casey ngayon.

Napagdesisyonan ko na puntahan namin siya ni Jess. Nagdadrive yung driver namin and nakaupo kami sa likod ni Jessica. Sinabihan ko narin si Manong na puntahan namin si Casey. Maya maya nandito na kami sa may labas nila. Mukhang mansyon talaga yung bahay nila. Nagdoorbell kami and ang tagal kaming buksan.

"Sino ang hanap nila?" sinabi ng isang maid pagbukas niya ng pinto.
"Si Casey po. Pamangkin po ako ni Tito Richard."
"Ah ikaw ba yan Meghan? Anak ni Karlos?"
"Opo Manang."
"Sino yan Manang?" sabay pagsingit ng babaeng nakadamit pangalis at nakaayos ang buhok. Nanay ni Casey.
"Goodafternoon Tita. Nandito po ako para bisitahin si Casey. Ito nga po pala si Jessica."
"Hello po." Jessica says
"Wala siya dito. You may leave." biglang sabi nung babae.
"Gusto lang po namin alamin kung bakit siya absent." sabi ko sakanya.
"Its none of your business." sagot nito then pumasok na siya sa loob.
"Naku pagpasensyahan niyo na ang amo ko. Ganun talaga 'yon. Sige na mauna na kayo."
"MANAANG!!" sigaw nung babae. Tapos umalis na kami ni Jess. Nabigla lang ako sa pagsusungit ng nanay ni Casey. Parang may nakastock sa dibdib ko. Nagalala pa lalo ako dahil dun. Naka30 na miscall na ko kay Casey pero wala padin. Hinatid na namin si Jessica sa bahay nila and sinabihan niya ko na gagawa rin siya ng paraan para macontact si Casey.

"Hello? Casey?"
"Pasensya ka na. Hindi ako nakakareply."
"Ano bang nangyari sayo? Nasaan ka? Bakit ganyan yang boses mo?"
"Ah wala. Wag mo na kong intindihin. Papasok ako kapag kaya ko na. Bye."
"Pero, Case.." naibaba niya na yung phone. Ano naman kaya posibleng nangyari dun. Wala pa kong pinagsabihan na nakausap ko na siya hanggang sa makatulog ako.

~~~~~~~~~~
HI GUYS! Pasensya't ngayon lang nakapagupdate.Nagimprove kahit papaano yung readers! Sana ishare niyo pa  What do you think about this one? Ano kayang mayroon kay Casey? Tell me your thoughts.

_racquetgirl~

Highschool DramasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon