Paano Nalalaman ang God's Will?

282 3 0
                                    

"Don't copy the behavior and customs of this world, but let God transform you into a new person by changing the way you think. Then you will learn to know God's will for you, which is good and pleasing and perfect."
Romans 12:2

According sa verse, ang will of God ay a) good, b) pleasing, at c) perfect. Iisipin mo pa lang, parang ang angas na noh? Pero basahin mo ulit ang verse. DO NOT COPY THE BEHAVIOURS AND CUSTOMS of this world, but LET GOD TRANSFORM YOU BY CHANGING THE WAY YOU THINK...

You can never identify the will of God without renewing your mind and setting yourself apart from this world.

Bakit kamo?

Friendship with the world is enmity with God. (James 4:4)

Hindi pwedeng sabihin na "Will of God" ang isang bagay kung ito ay makamundo. Hindi purkit masarap siya sa pakiramdam, will of God na yan. Tandaan mo paano sineduce ni Satanas si Adan at si Eba: Lust of the eye, flesh, and pride of life. (1 John 2:16)

So ano gagawin natin? Kailangan natin i-align ang sarili sa plano ni Lord. I-align natin ang buhay natin sa Salita ng Diyos.

Huwag kang tumulad sa mundo na puno ng pagyayabang at pagmamataas. Hindi mo kailangan ng recognition ng lahat ng tao. Hindi kailangan maging sikat ka.

Hindi purkit ginagawa o pinupuntahan ng lahat, gagawin mo na rin. Be set apart from this world. GO AGAINST THE FLOW OF THIS WORLD. Allow yourself to be controlled by the presence of God.

Isipin mo kung ang mga ginagawa mo ay katulad ba ng kay Jesus.

Pangalawa, Renew your mind.

Hindi ka pwedeng magkaroon ng new life kung wala kang new mind. Isa sa mga verse na tumatak sa akin ay ang "For as he thinketh in his heart, so is he:..." Proverbs 23:7.

Kung ano ang mindset mo, yun ang magiging "pilot" ng buhay mo. Kahit sabihin nating tinanggap mo na si Lord, kung meron ka paring slavery mindset, mananatili kang slave.

God wants to renew our minds so that it can have the same thoughts similar to His. By having our minds controlled by the Holy Spirit, rather than the flesh, we will find God's will in our lives.

Kaya nga nasasabi pa ni Paul na "Rejoice in the Lord..." sa Philippians 4 kahit na nakakulong siya dahil ang kanyang puso ay hindi kontrolado ng sitwasyon niya, kundi pinapangunahan siya ng Panginoon.

Tandaan mo na ang will of God ay hindi laging pleasure. It consists of pressure, because diamonds won't shine without pressure. So kung hopeless ka, lalo kang kumapit kay Lord.

Kadalasan ang will of God ay hindi masunod ang kagustuhan natin, kundi para mas maging katulad tayo ni Kristo, na sinabi niya: "Let Your will be done on earth as it is in Heaven."

God's will WILL transform us, making us more like Jesus. So don't be afraid of FOMO. Bilang Kristiyano, matakot ka na mamiss-out mo yung plano ni Lord para sayo.

Prayer:

Dear God,

Salamat Lord, kasi mas maganda ang iniisip mo para sa akin. Alam ko na ang plano mo ay maganda, mabuti, at kaaya-aya. Ngunit, batid mo rin na hindi ko katulad ang iniisip mo para sa akin.

Kaya Panginoon, baguhin mo ako. Baguhin mo ang isip ko at huwag ito maging katulad ng mundo, bagkus mas maging katulad ito ni Kristo, at pangunahan mo ito banal na Espirito. Panginoon, tulungan mo akong magtiwala sa plano mo para sa akin. Bigyan mo ako ng pusong sayo lamang aasa.

Pinagkakatiwala ko sayo lahat ng aking alalahanin para sa aking kinabukasan, para sa aking mga pangarap, sa aking pamilya, at sa iba't iba pang aspeto ng buhay ko. Maghari ka Panginoon at mas higit na matupad ang naisin mo. Salamat Panginoon, Sa pangalan lamang ni Hesus. Amen.

One Way Only (Christian Devotions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon