"This is what the Lord says: 'Your wound is incurable, your injury beyond healing; There is no one to plead your cause, no remedy for your sore, no healing for you. All your lovers have forgotten you; they care nothing for you..."
Jeremiah 30:12-14aSabi nila pag hindi ka nakamove on ng maayos, madadala mo yung sakit na iniwan sa iyo sa next relationship mo. TOTOO yun bro. 😂 Madadala mo kasi hindi ka pa FULLY HEALED. Ang estado ng pagiging Broken-hearted ay parang mayroon kang MALUBHANG SAKIT. Nakakahawa! Bitterness mo pa nga lang, nadadamay na ibang tao. Tindi na ng hugot mo!
You will bring the pain sa next relationship mo. Well, gamitin na nating sample yung buhay ko. I've been through relationships (na puro M.U. lang, yung mga puppy love na akala mo love pero hormones lang pala, buti na lang talaga God renews, kadiri talaga). Dahil iniwan ako ng una dahil sa iba, natakot ako na iwan ako ng sunod. Nasakal naman sa akin! Puro selos na lang ang alam ko. Kasi may takot. Kasi may pain na hindi napagaling. Ganon yun pag hinayaan natin.
Madaling sabihin na NAKAMOVE ON ka, pero ang tanong: HEALED KA NA BA? Ang ganda ng Jeremiah 30. The Lord was stating kung gaano kabroken ang Israel. Natawa ako, kasi sabi ni Lord: 'Tignan mo anak, parang ikaw.'
May mga pain tayo na incurable. Lalo na ang pagigiging broken hearted. It's not true na TIME heals lalo na sa sakit sa puso mong marupok. So paano? Anong gagawin? Paano ba talaga tayo makakamove on?
1. FOCUS ON YOUR RELATIONSHIP WITH GOD
Oo bro, epektib to. Kung mayroong REBOUND sa love, si Lord ang the best rebound. Kulang na lang sabihin niya sa atin na, "anak, gawin mo akong panyo." Well, that is because HE IS OUR FATHER and He simply cares with every tear you cry. He will bind up your wounds (hindi lang panakip, naghiheal pa.) Sabi nga sa Psalms 56:8, "Record my lament; LIST MY TEARS ON YOUR SCROLL-- Are they not in your record?" Wow. Nirerecord pala ni Lord bawat luha mo! Yes, because He cares. Kung naghahanap ka ng pwedeng sandalan, wag si beshie o kung sino man, baka mafall ka nanaman at gawin mo pang panakip butas sa duguan mong puso! Nandamay ka pa ng iba sa pain mo! NAKAKAHAWA TALAGA! If you're finding someone who could stop your heart from bleeding, that would be the Father. Umiyak ka lang. Sabihin mo. Your relationship with the Lord as His child will get more stronger.
2. FOCUS ON YOUR PURPOSE
Isa sa mga tinanong ko sa sarili ko is that, "worth it bang masaktan ako paulit-ulit?" And the Lord spoke to my heart na HINDI! I DESERVE MORE! Natawa na lang ako kasi nirebuke ako ni Lord. "Anak, kailangan mo ba talaga ng Jowa?"
Oo nga naman.
"ATAT KANG MAGKAJOWA. ANG TANONG, KAILANGAN MO BA?" Oo nga naman. Naheart broken ka kasi WRONG TIME. Walang right love at the wrong time o vice versa. Basta WRONG, WRONG! Kaya masakit kasi WRONG! Kaya tayo nasaktan kasi WRONG! Minamadali natin si Lord. Rather than rushing Him, we must focus on our PURPOSE instead. Ano ba yung gusto ni Lord na marating mo? Anong gusto ni Lord yung mga gawin mo muna? Masyado ka nakafocus sa pain, nakakalimot kang tumingin sa PURPOSE ni Lord para sa'yo. Why not focus on your PURPOSE rather than your pain? Allow God to heal you. Entrust your pain to Him. GOD HEALS along with HIS OWN TIME.
Malay mo, yung pain mo today will be your greatest testimony tomorrow!
3. DEAL WITH IT ALONG WITH THE FATHER
I think the best remedy was to deal with your pain. Parang sugat lang yan. Lalong naiinfect pag hinayaan. Lalong lalala pag hindi ginamot. Pero paano nga ba? Di ba incurable? Sabi ni Lord sa mga sunod na verses, "'But I will restore you to health and heal your wounds,' declares the Lord, 'because you are called an outcast, Zion, from whom no one cares.'" Jeremiah 30:17. Ang sakit no, NO ONE CARES.MINSAN ganon talaga. Mafifeel mo na parang walang may paki, pero andyan si Lord. And NO ONE CAN HEAL YOU- NO ONE BUT THE LORD. He is the only one who is able to heal your heart.
You HAVE TO OPEN YOUR HEART to Him. Hayaan mo syang idissect yung puso mo. Allow Him to EXAMINE your heart. Sabihin mo kung saan banda masakit. Magpacheck-up ka na kasi HE IS THE BEST HEALER. ❤ Sabihin mo kung sino. Paano ka sinaktan. Ano gusto mong mangyari. Tanungin mo anong plano ni Lord. Mag-usap kayo. Epektib to.
Sabi ko nga e, maaring naka move on ka na hindi pa pala healed ang puso mo. Learn to forgive. Learn to let go. Allow the word of the Lord to speak over your heart. He cares.
It's up to you and the Lord. May mga process of healing siya na hindi katulad sa akin. Iba yung process of healing mo. So you really have to deal it with the Lord kasi for sure, may iba siyang ipaparanas sa iyo na healing. Iba-iba kasi tayo sa kug paano natin maeencounter si Lord in our pain, so I really suggest na lumapit ka kay Lord. ❤ GOD BLESS!
BINABASA MO ANG
One Way Only (Christian Devotions)
SaggisticaMinsan, wala na talagang ibang daan. Kadalasan, wala ka na pwedeng mapagpipilian. Masyadong huli na ang lahat. Huli na ba talaga? John 14:6 declares, "Jesus said, 'I am the way, the truth, and the life. No one can come to the Father except through m...