"For I know that nothing good dwells in me, that is, in my flesh. For I have the desire to do what is right, but not the ability to carry it out."
Romans 7:18 (ESV)Nasubukan mo na yan: Gumawa ng resolutions, magsulat ng goals, i-evaluate ang sarili mo pero bakit parang kahit anong gawin mo, walang resulta? Hirap ka pa rin sa buhay Kristiyano. Hindi mo pa rin magawa yung pinangako mo kay Lord na gagawin mo na magpakabait. Hindi ka nakapagpray, hindi ka nakapagdevotion, hindi ka pa nakaabot sa online worship nung Sunday.
Sinubukan mo naman ang lahat. Sumali ka sa mga encounters, mga retreats, mga kung anu-anong activities at naging part ka pa ng ministry pero bakit ganoon? Bumabagsak ka pa rin sa kasalanan at nakakalimot ka pa rin sa mga dapat mong gawin.
Sabi mo kay Lord, hindi mo na uulitin pero mamaya inuulit mo nanaman. Bakit kaya?
Dapat natin marealize na kailanman, hindi magiging sapat ang ginagawa natin upang mabago tayo. Tanging si Jesus lang ang may kakayahan na magbago sa atin at siya lamang ay may kakayahan upang tulungan tayo sa mga bagay-bagay na hindi natin mabago sa sarili nating lakas.
Sabi nga ni Jesus nung kausap niya yung "rich young ruler", "Napakahirap sa mayayaman na pumasok sa kaharian ng Diyos," (Matthew 19:16-30). Napakahirap para sa kahit sino ang pumasok sa kaharian ng Diyos, na kahit ang mabubuting gawa natin ay hindi sasapat upang tayo ay makapasok sa kaharian ng Diyos. Ngunit sino ang sasapat? "But Jesus looked at them and said, 'With man this is impossible, but with God all things are possible.'”Matthew 19:26 (ESV)
Sa pamamagitan ni Jesus, ang imposible ay nagiging posible. Sabi nga rin ni Pablo: "Wretched man that I am! Who will deliver me from this body of death? Thanks be to God through Jesus Christ our Lord! So then, I myself serve the law of God with my mind, but with my flesh I serve the law of sin." Romans 7:24 - 25 (ESV)
Walang steps. Bawal rin ang D-I-Y sa kaharian ng Diyos. Walang specific na gagawin tulad ng "pagsamba tuwing linggo, pagdevotion kada umaga, etc." dahil hindi ito sasapat.
Sa pamamagitan ng pagtitiwala natin sa ginawa ni Jesus para sa atin, nagkakaroon tayo ng salvation. Ngunit huwag natin kalimutan na kailangan rin natin na magrepent sa kasalanan natin. Magkaiba ang repentance sa remorse. Ang remorse ay yung "feelings without changes" pero ang repentance ay "turn back from sin".
Example, maaaring naguilty ka sa panonood ng pornography, umiyak ka, at nalungkot pero kinabukasan, bumalik ka ulit sa panonood ng porn. Pero ang repentance ay ang desisyon natin na hindi na bumalik muli sa pagkakasala. Sabi nga ng mga disciples at maging ni Jesus, "Repent and Believe," (Panoorin nyo yung mga Youtube Channel nina Paul Washer ukol sa repentance).
To believe in Jesus, we must first repent. Kailangan natin maging desidido sa pagtalikod natin sa kasalanan. Kaso kung hindi tayo magiging desidido, paulit-ulit lang tayo sa pagbalik sa kasalanan. Matapos ang repentance, doon na tayo papasok sa paniniwala at pagtitiwala sa ginawa ni Jesus para sa atin.
Doon nagiging posible sa atin na tunay na magbago. Ang paniniwala at pagtitiwala natin sa kaniya ay nagkakaroon ng bunga. Sabi nga ni Jesus sa John 15, "Abide in me, and I in you. As the branch cannot bear fruit by itself, unless it abides in the vine, neither can you, unless you abide in me." John 15:4 (ESV)
Ito ang tinutukoy ni Paul sa Galatians 5 na fruits of the Holy Spirit na "love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, and self-control". Sabi nga ni Jesus, nakikilala ang tao sa pamamagitan ng kaniyang ipinoproduce sa buhay niya.
Kung ipinoproduce natin ay good fruit, isa itong patunay na tayo ay naka-abide sa panginoong Jesus. Apart from the Lord, we must realize that we cannot do anything good. Tanging ang Holy Spirit ang makakatulong sa atin upang magabayan tayo sa araw-araw nating pamumuhay.
Dahil sa tulong ng Panginoon, tayo ay araw-araw na nababago, hindi sa pamamagitan ng sarili nating gawa, kundi sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kaniya. "For by grace you have been saved through faith. And this is not your own doing; it is the gift of God, not a result of works, so that no one may boast."
Ephesians 2:8-9 (ESV)Prayer:
Panginoon,
Salamat po, dahil sapat na ang ginawa ni Jesus sa krus ng kalbaryo. Alam ko pong may mga araw na hirap na hirap po akong magbago. Pero dahil po sa ginawa ni Jesus, naniniwala po ako na magagawa kong magbago araw-araw, dahil ikaw O Diyos ang nagbibigay sa puso ko ng kagustuhan na magbago. Tulungan mo ako dahil alam ko na hindi ko po ito kayang mag-isa. Salamat Panginoon sa mga pangako mo. Sa pangalan ni Jesus, amen.
BINABASA MO ANG
One Way Only (Christian Devotions)
Non-FictionMinsan, wala na talagang ibang daan. Kadalasan, wala ka na pwedeng mapagpipilian. Masyadong huli na ang lahat. Huli na ba talaga? John 14:6 declares, "Jesus said, 'I am the way, the truth, and the life. No one can come to the Father except through m...