To this end we always pray for you, that our God may make you worthy of his calling and may fulfill every resolve for good and every work of faith by his power,
2 Thessalonians 1:11 (ESV)Maraming nagtatanong kung ano nga ba ang dahilan bakit sila nandito sa mundo. Hanggang ngayon marami pa rin ang ligaw at hindi alam ang sarili nilang identity. Marami ang may identity crisis ngayon dahil sa tindi ng impluwensiya ng socmed. Hindi na matanggap ang sarili kasi hindi katulad ng mga iba.
Isa lang ang masasabi ko. Hindi mo kailangan tumulad sa mga nababasa o nakikita mo sa online world as well as the world na kinakagalawan natin.
You have a unique, individual purpose.
God's purpose for every person is different, and when we live to our own purpose, we contribute something. Parang katawan lang yan. We are different parts and we function differently but we harmonize together.
Kaya maraming nagsisiraan at nag-dedegrade ng kapwa nila kasi nga hindi nila alam kung sino ba talaga sila o ano ang purpos nila.
Before you even identify your purpose, you must first discover your identity. And not just identity, but the God-given identity.
Many people tell us, "Be yourself" raw, pero hindi tama yon. Bakit? Nothing good dwells within us. "For I know that nothing good dwells in me, that is, in my flesh. For I have the desire to do what is right, but not the ability to carry it out."
Romans 7:18 (ESV)So paano na? Paano yung identity mo?
The first step to finding your identity is to FIND GOD. God defines us and our purpose in life. Our identity must be aligned to Christ's. When we discover God, we discover ourselves. As we discover ourselves, we discover our calling. Parang ito yun:
Hindi pwede mabaliktad ang process.
Bakit mahalaga na si Lord ang magdefine ng identity natin?
Dahil meron tayong biased perspective of ourselves. Pag low self-esteem ka, may tendency na maging ganito sasabihin mo: "Mahina ako e", "Panget kasi ako", "Walang makikinig sa akin", "Walang susunod sa akin", "Hindi ako karapat-dapat maging ganto/ganyan…"
Kapag masyado namang mataas ang self-esteem mo, ito ang tendency: "Magaling ako!", "Kaya ko ito mag-isa", "Walang makakapigil sa akin"
Habang ang God-defined identity ay ganto: "Kaya ko ito dahil kasama ko si Lord", "Magaling si Lord kaya alam kong sasamahan niya ako"
It does not diminish ourselves, nor gives glory to our pride, but acknowledges the Lordship of God and our dependency to Him.
When God defines your identity, hindi ka mababalisa pag may nagsabi sa iyo ng negative dahil nakarely ka sa sinasabi ni Lord. Kahit anong mangyari, mananatili ang reliance mo sa Lord imbis na sa sarili mo na may tendency na pumalya.
Kapag naidentify mo na ang God-given identity mo, madidiscover mo ang God-given purpose mo.
Maraming may pursuit sa kanilang mga pangarap at ambisyon, pero merong iba sa kanila na hindi pa rin sapat ang kinaroonan nila. Bakit? May hindi sila makita sa mundo na tanging si Lord lang ang makakapagfulfill para sa atin. Yun yung calling na binibigay niya sa bawat anak Niya.
God has called us to his side, to be part of His Kingdom.
The God-given purpose is a purpose that leads us closer to Him and brings many to the feet of the cross. The God-given purpose is a purpose that satisfies, better than our dreams and aspirations.
The thoughts of God are way higher than ours, kaya masisigurado natin na kung saan man niya tayo ilagay, doon niya tayo mas gagamitin at doon tayo mas lalago sa ating pananampalataya.
Prayer:
Lord,
Salamat po dahil bawat isa sa amin ay may iba't ibang dahilan bakit mo kami binigyan ng buhay. Tunay ngang kamangha-mangha ang mga iniisip mo para sa amin at hindi namin matarik ang iyong mga iniisip.
Panginoon, tulungan mo kami na mas hanapin ka bawat araw, na sa pamamagitan mo mas makilala rin namin ang tunay naming pagkatao na naka-ayon sa inyong plano, at maisagawa namin ang pagkakatawag mo sa amin.
Tulungan niyo kami magkaroon ng buhay na magbibigay papuri sayo sa bawat pagkakataon. Maraming Salamat po. Sa Pangalan ni Hesus, Amen.
BINABASA MO ANG
One Way Only (Christian Devotions)
No FicciónMinsan, wala na talagang ibang daan. Kadalasan, wala ka na pwedeng mapagpipilian. Masyadong huli na ang lahat. Huli na ba talaga? John 14:6 declares, "Jesus said, 'I am the way, the truth, and the life. No one can come to the Father except through m...