Jesus answered her, “If you knew the gift of God, and who it is that is saying to you, ‘Give me a drink,’ you would have asked him, and he would have given you living water.” The woman said to him, “Sir, you have nothing to draw water with, and the well is deep. Where do you get that living water? Are you greater than our father Jacob? He gave us the well and drank from it himself, as did his sons and his livestock.” Jesus said to her, “Everyone who drinks of this water will be thirsty again, but whoever drinks of the water that I will give him will never be thirsty again. The water that I will give him will become in him a spring of water welling up to eternal life.”
John 4:10-14 (ESV)Dumating ka ba sa point na parang kahit anong gawin mo, parang hindi pa rin sapat? Hindi pa rin sapat yung ginagawa mo para sa pamilya mo, o kahit anong ibigay mo na best parang ang hirap pa rin.
Isa sa mga tinuturo sa akin ni Lord ay ang "satisfaction" na nang-gagaling sa kanya. Sa mundo, marami tayong ginagawa para maachieve natin yung satisfaction, yung pakiramdam na sapat na. Pero sa totoo lang, ang mundong kinakagalawan natin ay kailanma'y hindi nagiging kontento. Mayaman na gusto pang magpayaman. Maganda na gusto pang magpaganda. Hindi pa sapat ang isang kasintahan, kailangan pang lima.
Kahit sa trabaho natin, inuubos natin ang pagod at oras natin para lang makakuha ng promotion. Nauubos ang oras natin kakaaral pero pagdating sa dulo hindi ka parin pala matatanggap. Ang dami nating pangarap pero walang garantiya na makakapagbigay ito ng kasiyahan sa atin.
Hindi pa sapat ang isang medalya, gusto pa natin ng mas marami. Ganyan ang mundo. Gusto ng gusto pa. Tignan mo, may gumaganang phone naman pero gusto pa rin bumili ng bago kasi iyon yung nasa uso.
Hinahanap natin yung kasiyahan sa iba't ibang bagay, maging sa pang araw-araw nating ginagawa. Ngunit bakit ganoon? Hindi pa rin sila sapat.
Wala sa mundo ang tunay na "kasapatan". Nanggagaling lamang ito sa Panginoong Hesus. Siya ang tunay na nakakapagbigay ng kasapatan sa atin.
Bakit kailangan na sa Lord manggaling ang satisfaction natin? Dahil kung hindi natin sa kaniya hinanap ang satisfaction, magkakaroon ng problema. Anong problema? Hahanapin natin ito sa pamamagitan ng paggawa ng kasalanan.
Ang paggawa natin sa kasalanan ng paulit-ulit ay isa sa mga senyales na nagpapakita na hindi sapat sa atin si Lord. Hala?! Talaga?! Oo. Isa sa mga nakita ko noong sinabi ko sa Lord na "Hindi muna ako magboboyfriend hangga't hindi niya sinasabi" ay nakita ko ang tunay na pagmamahal sa piling ng Panginoon. Nakita ko na hindi ko na kailangan ng kausap o kachat araw-araw kasi kasama ko na si Lord.
Mas madali na sa akin na sabihin sa mga nagchachat sa akin na wala akong interes sa kanila kasi natuklasan ko na sapat na si Lord. Ngayon, malaya na ako at hindi ko na kailangan itago sa iba na may karelasyon ako dahil ang karelasyon ko na lamang ay si Lord.
Pangalawa, kung si Lord na ang satisfaction natin, hindi na tayo laging inggit sa iba dahil alam natin na pag si Lord nasa buhay natin, wala na tayong ibang mahihiling pa. Sa mundo, meron talagang may "mas" sa atin, ngunit kung nakikita natin si Lord sa buhay natin, hindi na natin kailangan ng iba pa.
Pangatlo, kung si Lord ang satisfaction natin, hindi na tayo mag-aalala sa bukas natin, o kahit sa anong pangangailangan natin. Dito nati maipapasok yung sinabi ni Paul sa Philippians 4:13 na "I can do all things through Christ who strengthens me." Ang context ng Philippians 4:13 ay tungkol sa pangagailangan ni Paul. Sabi sa Philippians 4:12-13, " I know how to be brought low, and I know how to abound. In any and every circumstance, I have learned the secret of facing plenty and hunger, abundance and need. I can do all things through him who strengthens me."
Ang sikreto raw sa lahat ng pagkakataon ay si Lord.
Imbis na maging concerned tayo sa mga bagay sa mundo, bilang tagasunod niya dapat nating hanapin ang satisfaction sa Panginoon.
"Do not work for the food that perishes, but for the food that endures to eternal life, which the Son of Man will give to you. For on him God the Father has set his seal.” John 6:27-28 (ESV)
Sabi ni Jesus, nung oras na hinanap siya ng mga tao, "Kailangan niyo lang naman ako kasi pinakain ko kayo e."
Sana wag naman maging ganon rin ang dahilan natin bakit natin siya hinahanap. Hanapin natin si Lord kasi alam natin siya lang ang kailangan natin at tanging sa Kaniya natin matatagpuan ang tunay na kagalakan at kasapatan.
Panalangin:
Panginoon,
Salamat po dahil sa bawat araw ay hindi ka po nagkulang sa amin. Hindi mo po kami pinabayaan mula noon hanggang ngayon. Panginoon, patawarin mo po kami kung hindi namin hinahanap sa inyo ang kagalakan namin at hinahanap namin ito sa mundo.
Tulungan mo kami na makita na hindi sa mundo manggagaling ang tunay na kasapatan kundi sa pamamagitan lamang ng inyong presensiya. Maraming salamat dahil IKAW HESUS, ay sapat na. Sa pangalan mo lamang Hesus, Amen.
![](https://img.wattpad.com/cover/198701202-288-k718467.jpg)
BINABASA MO ANG
One Way Only (Christian Devotions)
NonfiksiMinsan, wala na talagang ibang daan. Kadalasan, wala ka na pwedeng mapagpipilian. Masyadong huli na ang lahat. Huli na ba talaga? John 14:6 declares, "Jesus said, 'I am the way, the truth, and the life. No one can come to the Father except through m...