Chapter 11: Handa akong gamutin ang sugat mo. Kahit gaano pa man ito kalaki.

10.1K 202 11
                                    

C H A P T E R - E LE V E N

Tik. Tok. Tik. Tok.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakahiga sa kama at tinititigan ang orasan na nakasabit sa dingding It's already 11pm pero wala parin si Alexis. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa lalaking yun at gabing-gabi na kung umuwi.

1 week na ang nakakaraan simula nong gabing yun. 1 week na akong nandito sa bahay. I week na akong nakakulong sa kwarto. At 1 week na rin akong nabobored. Pano ba naman kasi, e kinunan ba naman ako ng excuse absent ni Alexis. Kaya ito. 1 week ng lanta ang beauty ko.

Mababaliw na yata ako kapag nagpatuloy pa ako sa pagkukulong dito sa bahay. Hindi ako pinapayagang lumabas ng bahay ni Alexis. At ito pa, nagpadala ng security ang daddy ni Alexis. Nalaman kasi nila ang nangyari. Kaya ito, dalawang security guard ang nakabantay sa labas ng condo unit ni Alexis. Yaman nila no?

Pasalamat ka't nasabit ka sa yaman nila! Pati safety mo nadamay pa! A small voice from my head said.

Yeah right. Kaya kailangan kong pagbutihan ang pagiging guardian ni Alexis habang nandito pa kami sa California. Buti na lang talaga at di siya masyadong napuruhan nong gabing yun. Dahil kapag may nangyaring masama sa kanya. Di lang pamilya ko ang masisira. Pati na rin ang kinabukasan ko.

Thankful parin naman ako kay Alexis kahit hindi niya ako kinikibuan ngayon. Oo tama ang nabasa niyo. Simula nong mangyari ang insedenteng yun ay hindi na ako pinapansin ni Alexis. Ni kaunting 'hoy' galing sa kanya ay wala na akong narinig. Ewan ko ba sa lalaking yun. Baka kailangan ko na siyang ipacheck-up sa psychiatrist. Pustahan tayo, may bipolar disorder yung lalaking yun. Bipolar disorder stage 4! Haha.

Pero kahit may bipolar disorder siya, thankful parin ako sa kanya. Kasi niligtas niya ako. Niligtas niya ako galing sa mga negrong halang ang kaluluwa. Niligtas niya ako nong gabing malapit na akong magahasa. Kung hindi niya binuksan ang ilaw at pagbubugbugin ang mga negrong yun ay malamang sa malang, wala na ang VCARD ko ngayon. Kaya kahit masungit siya, ay pinagsisilbihan ko parin siya.

Kahit medyo masakit isipin ang nangyari nong gabing yun ay napapangiti parin ako kapag naiisip ko yun. Dahil nong gabing yun, don ko napatunayan na may puso din pala si Alexis. Na kahit masungit siya at binansagan siyang mang-aagaw ng syota ay may nakatagong kabutihan parin pala sa pagkatao niya.

Tama nga ang sinasabi nila, na sa kabila ng demonyong anyo ng isang tao ay may kabutihan parin itong itinatago.

Habang busy ako sa mga iniisip ko ay nakarinig ako ng malakas na kalabog galing sa labas at narinig ko ang dalawang guard na para bang natataranta. Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto.

My eyes widened with what I saw.

"Stay away from me!" Sigaw ni Alexis sa dalawang guard at natakot naman sila kay Alexis kaya nabitawan nila ito. Patakbo akong lumapit sa direksyon ni Alexis at sinalo ko siya. Buti nalang at nasalo ko siya bago humalik sa sahig ang mukha niya.

Kaya ang dating ay nakayakap siya sakin habang ako naman ay malapit nang mawalan ng balanse.

"Alexis ano ba!" Sigaw ko sa kanya. Tinitigan niya ako at bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hawakan ang magkabilang pisingi ko at pinisil niya ito.

"Ang cute cute talaga ng baby ko." At ngumiti siya ng pagkalaki-laki.

Uminit bigla ang pisngi ko dahil sa sinabi niya at napatitig ako sa mukha niya. For the first time in my whole life na nakilala ko si Alexis ay ngayon ko lamang siya nakitang ngumiti ng ganito kalaki. So bad, lasing siya.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon