C H A P T E R - T W E N T Y S I X
Kasabay ng malalakas na putok ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Nagpalingalinga ako sa paligid pero wala na si Bryan sa tabi ko. Ako na lang mag-isa ang nakatayo dito sa likuran ng mga kahong pinagtataguan ko kanina.
Sa dami ng pumuputok sa paligid ay nakalimutan ko na may hawak din pala akong baril. Bumuntong hininga ako at hinigpitan ko ang paghawak sa baril na nasa kamay ko. Hindi ko alam kung paano ito gamitin. Ipapasadiyos ko na lang ang lahat. Alam kong puputok ito sa oras na kinalabit ko ang gatilyo nito.
Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko. Ang unang goal ko ay ang hanapin at iligtas si Alexis.
Nasusuka ako sa dinadaanan ko ngayon. Ang daming patay. Ang daming dugong nagkalat sa sahig. Tama nga si Bryan. Kapag nagpadala ako sa emosyon ko ay ako lang ang matatalo.
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at dahan-dahan kong tinahak ang ikalawang palapag ng building. May naririnig akong putukan sa paligid ko at kapag may nakikita akong kalaban ay nagtatago ako sa mga bubong na nadadaanan ko para hindi nila ako matamaan.
Napapasign-of-the-cross ako habang may nadadaanan akong mga patay na nakahandusay sa sahig. Totoo nga ang sinasabi nila. Na kapag inalay mo ang buhay mo sa isang tao ay wala ka ng pakialam sa sarili mo.
At sa mga oras na ito ay inaalay ko ang buhay ko para kay Alexis. Dahil inalay niya rin ang buhay niya para sakin. Hindi aabot sa ganito ang lahat kung hindi dahil sa akin.
Pagkarating ko sa pangalawang palapag ng building ay biglang may humarang sa dinadaanan ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may hawak siyang armalite. Nakatutok ito sa akin at halatang hindi siya nabibilang sa TK dahil wala siyang suot na maskara. Nakikita ko ang mukha niya ngayon. Isa siyang lalaking may bangas at halatang halang ang kaluluwa niya dahil nakangisi siya habang itinutok niya ang armalite na hawak-hawak niya sa mukha ko.
"Goodbye Trojan Knights!" Sabi niya at mabilis na pinaputok ang armalite na hawak niya at buti na lang ay nakailag ako.
Nanginig ang mga tuhod ko at hindi agad ako nakatayo nang ipinutok na naman niya ang baril niya patungo sa direksyon ko. Pero swerte na lang at sa bubong na nasa likuran ko tumama ang bala ng armalite niya. Lasing yata tong gagong to ah.
Pinagsamantalahan ko ang kalasingan niya at dahan-dahan kong itinutok sa kanya ang silencer na hawak ko at kinalabit ko ang gatilyo nito.
Nagulat ako nang bigla siyang napaluhod sa harapan ko at napaubo siya ng dugo. Napailing ako at napaluha sa nakita ko.
Nakapatay ako ng tao. God! Nakapatay ako.
Tinanggal ko ang maskara ko at hinayaan kong lumugay ang mataas na buhok ko. Napaluhod ako at napahikbi.
God. Di ko kaya 'to. I'm sorry. I'm so sorry. Nakapatay ako ng kapwa ko.
Habang umiiyak ako ay nagulat ako nang biglang may lubid na tumali sa leeg ko. Napahawak ako sa lubid at nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong hilahin ng kung sinong tao paitaas.
Habang hinihila ako paitaas ng lubid na nakatali sa leeg ko ay nabitawan ko ang baril na ibinigay ni Bryan sakin.
Hindi ko alam kung anong floor na ba ang narating ko pero ng yumuko ako ay kitang kita ko na ang mga taong nagkakagulo sa baba.
Feeling ko para akong nagbibigti dahil sa lubid na nasa leeg ko. Hindi tao ang humihila sa akin paitaas, kundi isang makina. Alam kong makina ito dahil kitang-kita ko ang isang taong nakangising nakatingin sakin sa ibaba habang kinokontrol niya ang makina.
BINABASA MO ANG
The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)
General FictionAlexis Del Castillo, the famous girlfriend stealer in town. Ang lalaking hindi pumapatol sa babaeng single! Copyright © scrappynobody 2015