Chapter 23: I fell in love so unexpectedly, so unexpectedly

9.2K 182 14
                                    

C H A P T E R - T W E N T Y T H R E E

On our way, nobody spoke. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nakasuksok sa taenga ko ang earphone kahit na wala itong tunog. Ayokong makinig ng music habang nasa tabi ko siya dahil baka may sabihin siya at di ko marinig.

Mabuti ng ganito. Mabuti ng akalain niyang nakikinig ako ng music para naman hindi niya ako kausapin. Dahil hindi ko kayang tingnan siya sa mga oras na to. Nahihiya parin kasi ako sa nangyari kaninang umaga.

Nasa front seat ako nakaupo ngayon dahil hindi siya pumayag na sa likuran ako umupo. Kung noon ayaw niya akong katabi, ngayon naman ay ayaw niya akong paupuin sa likuran. Weird. With the capital W.

Tinotoo niya talaga yung sinabi niya na ako na daw ang nagmamay-ari ng upuang ito. Ibig sabihin ba non ay pwede ko itong ibenta? May bibili naman kaya?

Tsk. Ano ba kasing ibig niyang sabihin nong sinabi niya yun? Hindi ko naman pwedeng dalhin tong upuan ng sasakyan niya sa bahay namin no. Baka isipin pa nina mommy at daddy na magnanakaw ako. No way!

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa matanaw ko na ang CFSAA. Pagdating namin sa parking lot ay dali-dali akong lumabas at hindi ko na siya hinintay.

Nakita kong isa-isang yumuko ang estudyanteng nadadaanan ko.

Napailing na lang ako at di ko na lang sila pinansin. Hindi naman ako ang yinuyukuan nila e. Si Alexis. Kasi siya ang tinuturing na hari ng paaralang ito.

Ano pang silbi ng mga dean at may-ari ng school na ito kung may itinuturing naman pala silang hari? Ang gulo! Dahil ba natatakot sila na patayin kaya nila ginagawa ang ganitong bagay? Sabi nila tradition na daw. Tradition my foot!

Mabilis akong naglakad papuntang CAS building. Pero di pa man ako nakakalayo sa mga yumuyukong mga estudyante ay may humigit na sa braso ko.

"Ano ba!" Asik ko sa kanya na kasalukuyan akong kinakaladkad patungo sa Music building.

"Hindi mo ba chinicheck ang study load mo? It's friday and it's our music class day." Sabi niya habang kinakaladkad ako.

O nga no? Nakalimutan ko.

Nagpahila na lang ako sa kanya at nakita ko ang mga mata ng mga babae at lalaking estudyante na sobrang lagkit kung makatitig sakin bago nila yinuyuko yung mga ulo nila. Yung iba naman ay sobrang lagkit kung makatingin sa magkahawak na kamay namin. Para nga kaming nasa pelikula e. Holding hands while walking. Kaso hindi naman kami naglalakad ng maayos e. Hinihila niya ako.

Nahihiya ako habang napapadaan kami sa harapan ng maraming estudyante kasi tinitingnan muna nila kami ng 'are-they-dating?' looks at sabay sabay nilang yinuyuko yung mga ulo nila.

Bwisit na mga ulo yan! Sarap putulin!

Nang makarating na kami sa Music building ay rinig na rinig ko ang malakas na tugtog ng mga instrumento. Namangha ako sa nakita ko dahil kumpleto sa gamit ang buong building.

May piano, guitar, violin, drums, at kung ano-ano pa. At may mga naririnig din akong kumakanta.

Hinila ako ni Alexis papasok sa isang malaking class room.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang maraming estudyanteng nakaupo ay biglang tumayo at iniyuko ang mga ulo nila. Maliban sa mga taong nakaupo sa harapan. Tumayo sila pero hindi sila yumuko.

Hindi pinansin ni Alexis ang mga estudyanteng yumuyuko at dumiretso siya sa harapan habang hila-hila parin ako.

"Dude, who's that chick?" Tanong nong isang lalaking light brown ang buhok.

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon