Chapter 20: The Mistaken Kiss

8.5K 172 15
                                    

A/N: Happy New Year guys! Thankyou sa pagbabasa ng TFGS! :)

C H A P T E R - T W E N T Y

Nakaupo ako ngayon sa isang park habang nakatulala sa kawalan. Inaabsorb ko ang lahat ng impormasyong sinabi ni Candy sa akin kanina.

Gusto niyang tulungan ko siyang mahanap ang pumatay kay Jared. Gusto niyang tulungan ko siya sa mga pinaplano niya. Plano niya kasing sirain ang TK. Gusto na daw niya ng matiwasay na buhay.

Sino bang hindi nahuhumaling sa matiwasay na buhay diba? Yung buhay na walang nakakakilala sayo at free kang gawin ang lahat ng gusto mo. Yung walang gulo. Yung nangingibabaw ang peace kesa war.

Sinong may alam kung saan pwedeng mabili ang world of peace? Pabili naman. Pabili ng kapayapaan.

Pumikit ako at bumuntong hininga. Simple lang naman ang buhay ko noon nong hindi ako pumunta dito e. Ako lang naman si Ms.Ordinary. Hindi sikat. At walang masyadong nakakapansin sa beauty ko noon. Pero nang makilala ko si Alexis ay nagbago nalang bigla ang lahat.

Yinuyukuan na ako ng mga tao. Napapansin na nila ako.

Pero hindi ko pinangarap ang buhay na to. Yinuyukuan nga nila ako pero ang dami namang gulo. Hayy, nakaka-GGB ang mga nangyayari sakin ngayon!

May problema ako. Si Candy gusto niyang tulungan ko siyang mahanap ang pumatay kay Jared. Pero paano kung ang pumatay sa kanya ay ang alaga ko? Ano ang gagawin ko?

Napailing ako at napagdesisyunang kunin ang phone ko para tingnan kung anong oras na. Pagtingin ko sa phone ko ay diri-diritso akong napatayo.

"Oh. God!" Bulalas ko.

Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang 353 missed calls and 240 text messages.

Aghh! Naka-silent pala akong phone ko. Biglang nanginig ang mga tuhod ko nang tiningnan ko kung sino ang tumawag sakin.

Walang iba kundi ang alaga ko. Si Alexis Del Castillo.

Binuksan ko ang inbox at nakita kong galing din sa kanya ang 240 text messages.

Where are you? - Unknown number (56 same messages).

Where the fuck are you?!!!! - Unknown number (49 same messages).

Call me! - Unknown number (36 same messages).

Freak! Call me! Damn it! - Unknown number (36 same messages).

Damn! Where are you?! - Unknown number (60 same  messages).

Nanlaki ang mga mata ko dahil texts niya. Patay ako nito. Nag-iwan naman ako ng message sa sticky note ah. Baka nagtataka kayo kung bakit Unknown Number ang nakatatak. Kasi di ko sinave ang number niya, Nakalimutan kong esave e.

I press the reply button at nagsimula nang magtype nang biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag siya. Dali-dali kong pinindot ang answer button.

"Where the fuck are you?!" Sigaw niya sa kabilang linya at halatang galit na galit. Namumula na siguro to dahil sa galit.

Nagpalinga-linga ako at tiningnan ko ang paligid. Saka ko lang narealize na nasa park pala ako ng school. Magsasalita na sana ako nang bigla na naman siyang sumigaw.

"Aria Celestine Gomez, where the fucking hell are you?!" Napakalakas na sigaw niya.

"Leche! Ang sakit mo sa taenga!" Bakit ba kasi siya naninigaw?

The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon