C H A P T E R - O N E
Alexis POV:
"Dad, it's not my fucking fault na pumatol ang girlfriend nya sakin! Kasalanan ko bang mas masarap ako kesa sa lampang boyfriend niya?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na si Daddy. Tinawagan lang naman kasi niya ako para sermonan dahil sa pang-aagaw ko ng girlfriend. Kasalanan ko bang nagpaagaw din sila? Tss.
"Are you out of your mind, Alexis? Alam mo bang mas lalo mo lang sinisira ang repustasyon mo?" Nahahalata ko na ang galit sa tono ng boses nya sa kabilang linya.
I heaved a deep sigh. "Ganyan ka naman talaga diba? Reputasyon lang ang mahalaga sayo! Kahit kailan ba, naitanong mo kung ano ang nararamdaman ko?" Nakapamewang ako habang pinipigilan ang galit na namumuo sa puso ko.
"I care about your feelings son, it's just that--"
"No, dad. You don't care, at kahit kailan, you will never care!"
Marahas kong pinutol ang tawag at itinapon ko ang phone ko sa kama. Just like that. Another shitty day na naman. Another shitty day dahil nakausap ko na naman ang daddy ko. I hate him, but it will never change the fact that I love him too.
I hate him in the way na nangingialam siya sa lahat ng bagay na ginagawa ko. But I love him because he's still my father. At kahit hindi ko man ipahalata sa kanya yun, alam kong alam nila na pinapahalagahan ko silang lahat. Lalong lalo na si Mommy. Si Mommy ang kaisa-isang babaeng pinapahalagahan ko. Kasunod naman doon si Alexa, ang kakambal kong babae.
Nakakabwesit at nakakasira talaga ng araw ang mga nangyayari sakin nagyon. Kasi kakagraduate ko lang ng high school nung isang araw sa Pilipinas, at ang nakakabwisit pa doon ay ipinatapon ako ni Daddy dito sa California. Alam nyo ba kung ano ang dahilan? Kasi nang-agaw daw ako ng girlfriend. At ang ikinagagalit ni Daddy ay kung bakit daw sa dinami-daming babae sa buong mundo, si Harley pa.
Si Harley ang anak ng mayor sa lugar namin. Sikat siya at nakakabighani naman talaga ang ganda. Nong una na challenge ako kasi may boyfriend na siya. Alam ko naman na makukuha ko talaga siya. Sa gwapo ko ba naman, alam kong hindi siya makakatanggi sakin. Yun nga ang nangyari, naging girlfriend ko si Harley sa loob lamang ng isang araw.
Akala ko challenge siya para sakin, pero pareho lang naman pala siya ng iba. Napakaharot at siya pa ang nangunguna. Alam nyo yung siya ang nangunguna sa kama? Nakakabadtrip! Ayun, nagsawa ako sa kanya kahit one day palang kaming mag-on. Nakakawala ng gana. Siya kasi ang nangunguna. Minsan nga, tinatanong ko sa sarili ko, kailan kaya ako makakahanap ng isang babaeng katulad ni Maria Clara? Pero fuck! Maria Clara ba kamo? Baka naman, may sungay na si Maria Clara ngayon dahil sa evolution ng generation natin.
Pagkatapos kong hiwalayan si Harley ay nagalit siya sakin. Isinumpa nya ako. Ganyan naman talaga silang lahat eh, wala pa nga akong ginagawa sa kanila isinusumpa na nila ako. Ang nakakabadtrip pa nyan ay nagpatawag siya ng isang engrandeng press conference. Sinabi nya sa madla na pinagsamantalahan ko daw siya kahit wala naman talagang nangyari sa aming dalawa. Hindi ako humarap sa presscon. What's the use of telling them the truth kung ayaw nilang maniwala sakin? Fuck them all! I don't care if they hate me. Hindi naman sila ang nagpapakain sakin.
For pete's sake! Wala kaming kamag-anak dito sa California. Ako lang mag-isa ang nandito. Okay na sana ako dito eh, pero nalaman ko na lang na ipinasok ako ni Daddy sa isang musical academy. See? Ganyan siya kawalang modo! Kung sa isang sports academy nalang siguro nya ako ipinasok ay mapapatawad ko pa siya. Pero musical academy? Nakakabakla! Minsan nga pinagdududahan ko ang katauhan ni Daddy kung lalaki ba talaga siya. Pero kapag nakikita ko kung gaano kasaya si Mommy sa kanya, nasisigurado kong lalaki talaga siya.
BINABASA MO ANG
The Famous Girlfriend Stealer (COMPLETED)
Ficción GeneralAlexis Del Castillo, the famous girlfriend stealer in town. Ang lalaking hindi pumapatol sa babaeng single! Copyright © scrappynobody 2015