Umuwi kami nang may kumpyansa sa sarili. Ito na ang pinakamatibay na ebidensya na makukuha namin. Malalaman na ni Cywell ang kalokohang ginagawa ni Angel.
"Itutuloy na natin 'to." Sambit ni Alexandra.
Pumreno si Jonathan bago magsalita. "Paano natin maipapakita kay Cywell? Ilang buwan na din kaming hindi nag uusap." Sinabi niya at muling inandar ang kotse.
"Ako'ng bahala." Tugon ko sabay contact kay Cywell.
Pare-parehas kaming natahimik habang nagriring ang phone ko, hanggang sa siya ay sumagot at ni loudspeaker ang phone ko.
"Hello Chandria? What do you need?!" Galit na sambit ni Cywell.
~Bakit siya nagagalit? May nangyari ba?
"Anyare sa'yo? Ba't ka galit?"
"Will you please just answer the goddamn question? What do you need?"
Huminga ako nang malalim. " I need to talk to you and Angel tomorrow."
"If I could talk to her."
Nagtaka ako sa kanyang sinagot. Anong ibig niyang sabihin? Natulala rin kaming lahat.
"W-what do you mean if I could talk you her?"
"I can't contact her. Her phone's on silent and I am worried where the heck is she. Do you know where she is?"
Sasabihin ko na sana kung nasaan siya nang pinigilan ako ni Alexandra. Nagpaalam muna ako kay Cywell bago kami mag usap.
"What were you thinking? Sasabihin mo agad sa kanya? Edi lalong magagalit yun sa'yo. Malay mo hindi na niya maabutan yung dalawa dun, edi ikaw ang napasama? Dahan dahan lang sa pagbibigay ng impormasyon." Pagpapaliwanag ni Alexandra.
"I'm sorry, I thought it was the right time to tell him." Sambit ko sabay sakbit ng aking bag dahil nasa tapat na kami ng bahay namin. "Uuna na ako."
"Sige, ingat. Yung plano ha?" Paalala sa akin ni Jonathan.
Tumango na lamang ako at bumaba na ng sasakyan.
"Anak, saan ka galing? Bakit ka ginabi ng uwi?" Bungad sa aking tanong ni mommy na mukhang nag aalala.
Nagtanggal ako ng sapatos at binaba ang aking bag. "Nagpunta po kami sa park, hindi po namin namalayan ang oras kasi napahaba ang kwentuhan. Sorry po mommy."
"Kumain ka na?" Tanong sa akin ni daddy.
"Opo, magpapahinga na po ako, mommy, daddy." Tugon ko sabay akyat sa aking kwarto.
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay bigla akong kinabahan sa aming gagawin bukas. Pinanoood ko ang clip na narecord namin. Kitang kita ko kung paano niya tingnan yung lalaki. Ibang iba sa pagtingin niya kay Cywell. At dahil may audio ay narinig ko ang kanilang usapan.
"Baby, hanggang kailan ba natin 'to itatago?" Tanong nung lalaki sa kanya.
"I'm planning to break up with him tomorrow." Sagot ni Angel na ikinagulat ko. "I will blame him for not giving time to me, para siya ang magmukhang masama." Pagpapatuloy niya.
Natulala ako. Kaya pala ayaw niyang ipaalam na nagloloko siya kasi ayaw niyang magmukhang masama. Pwes, hindi ganoon ang mangyayari. Uunahan namin siya bukas.
Sa aking pag iisip ng aming plano ay may naramdaman ako.
~Bakit ako nasasaktan? Nasasaktan ako dahil masasaktan si Cywell? Hanggang ngayon ba? Siya pa rin? Paano si Jonathan? Ang tagal niyang nag antay.
![](https://img.wattpad.com/cover/227074114-288-k132734.jpg)