Jonathan's POV
Umalis ako sa bahay nila Chandria ng may ngiti sa mga labi. Unti unti ko na siyang makukuha. Ang kailangan ko na lang ay ang maghintay.
"Tol! San ka galing?" Tanong ni Kiroy nang kami ay magkasalubong
"Kila Chandria."
"Naks, legal na?"
"Legal eh hindi pa nga sila." Sabi ni Cywell.
"Nagpakilala lang ako sa mga magulang niya na manliligaw ni Chandria."
"Pinayagan ka?"
"Oo, ako pa?"
"Lakas talaga tol! Tara laro mamaya?" Pag aaya ni Kiroy.
"Pass muna tol, gagawa muna ako ng mga bulaklak para kay Chandria."
"Ang corny mo naman, bumili ka na lang sa SM."
"Ayoko ng ganon tol, mas naaappreciate kapag mas nilagyan ng efforts."
"O sige, ikaw bahala. Tara na Cywell?"
"Tara."
Nagpunta na sa court sila Cywell at Kiroy par maglaro, samantalang ako ay pumunta sa bookstore para bumili ng colored paper.
~Nako, ano nga ba ang paboritong kulay ni Chandria?
Agad kong chinat si Alexandra at nagbabaka sakaling alam niya ang paborito ni Chandria.
"Alexandra? Anong paboritong kulay ni Chandria?"
"Turquoise at Cyan. Bakit?"
"Ah sige salamat. May ibibigay kasi ako sa kanya bukas."
"Naks, ang effort naman. Sige sige goodluck sa panliligaw ha."
"Syempre. Sige salamat ulit."
Agad na akong naghanap ng colored paper na turquoise at cyan. At nang makahanap na ako ay dumersetso ako sa pag uwi para makapagsimula na sa pag gawa ng bouquet para sa kanya.
Habang gumagawa ako ng bouquet para sa kanya ay napansin kong 7:00 PM na at sa nakasanayan, at tinext ko si Chandria.
7:00 PM. Don't forget to eat dinner. Eat well and stay healthy. <3
I don't know if she appreciates it, pero I will continue sending her text messages and giving her notes. Magiging consistent ako sa mga ginagawa ko. Hindi ako yung tipo ng tao na sa una lang magaling. Siya ang kaisa isang babaeng minahal ko sa buong buhay ko. At gagawin ko ang lahat para makamit siya.
*bzz bzz
Kinuha ko ang aking phone para makita kung sino ang nagtext. At laking tuwa ko nang makita kong nagreply si Chandria.
Thank you, ikaw din.
I smiled. I put my phone on my chest. Her reply means a lot to me. Maikli man yung reply niya, pero nakakaligaya ng puso.
Pagkatapos kong tumitig sa cellphone ko ay nakaramdam ako ng gutom. Lumabas ako sa aking kwarto para kumain ng hapunan.
"Anak, buti lumabas ka pa ng kwarto mo. Kain na." Sambit ni nanay nang lumabas ako.
"Kaya lang naman yan hindi nalabas kasi ayaw mautusan." Sambit ni tatay.
Gusto ko sanang magpaliwanag sa kanya, kaso baka saktan nanaman niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/227074114-288-k132734.jpg)