Everything was unexpected.
"Chachan!" Rinig kong sigaw ng isang babae sa kwarto ko.
"Xaxan!"
~Teka? Sinong kasama niya?---- si Kiroy?
"Uyyy, kayong dalawa haaa, may hindi kayo kinikwento sakiiin."
"Hala, sinamahan lang ako eh."
"Ahh okay." Tugon ko.
Nagkaroon ng katahimikan sa kwarto ko. Pero biglang may tinanong si Alexandra na nakapag pa kaba sakin.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
~Hala napansin niya sigurong malungkot ang mga mata ko. Sasabihin ko na ba sa kanya ang kalagayan ko?
"Ah--eh ano kasi"
"Ano?"
"Pagod lang toh, tsaka puyat. Kapag kasi madaling araw ako pinapainom ng gamot eh."
"Gamot? Para saan?"
~Hala, kapag sinabi ko kung ano, iisipin niyang may sakit ako.
"Ano, yung pampalakas ng resistensya"
"Ahh okay, ano daw bang nangyari sayo?"
~Anong palusot ang sasabihin ko? Ayokong sabihin sa kanya. Ayokong mag alala siya.
"Sabi ng doctor, masyado daw akong kinabahan kaya ako nawalan ng malay. Yun lang naman. kailangan lang ng pahinga."
"So kelan ka uuwi?"
"Siguro daw next week."
"Excuse me po, tapos na po ang visiting hours." Sabi ng nurse pagpasok niya.
"Sige, bye Chachan! Pagaling ka haaa"
"Sige bye." Pagkasabi ko ay umalis na sila Alex at Kiroy.
Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin kay Alexandra ang karamdaman ko. Ayoko siyang mag alala. Siguro ay mas maigi pang huwag ko na munang sabihin sa kanya.
"Chandria? Eto na ang hapunan mo. Kumain ka ng madami ha?" Sabi sa akin ng nurse habang binibigay ang aking hapunan.
~Eto na naman tayo sa hapunang walang lasa. Hays konti na lang ay makakalabas na ako.
"Sige po thank you po."
Habang ako ay kumakain ay napagdesisyunan ko na mag facebook. Unang bumungad sa aking messenger ay ang mga pangangamusta ni Alexandra noong mga nakaraang araw. Ngayon na lang kasi ako pinayagang magcellphone dahil pinapag pahinga muna ako. Hindi ko na siya nireplyan dahil nakadalaw naman na siya sakin.
Tapos na akong kumain, kaya nag facebook na lang ulit ako. Ang dami kong nakikitang posts tungkol sa mga online sellers. Nabored akong magscroll kaya naisipan kong matulog na.
"Chandria?" Nagising na lang ako nang may tumawag sa pangalan ko.
Minulat ko ang aking mata at tiningnan kung anong oras na.
*3:00 AM
Walang ibang tao sa kwarto ko. Natatakot ako. Natrauma ako sa nangyari sa amin. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Chandria?" Muling tawag sa akin.
"Sino ka?" Bakit ka nandito?
Narinig ko ang kanyang paglalakad. Kinabahan ako. Bakit boses lalaki siya? Lalo akong nagtaka dahil ang aking doctor at nurse ay babae.
