Cywell's POV
"Ayokong magmukhang masama kung liligawan ko agad si Chandria pagkatapos niyang bustedin si Jonathan." Sambit ko sa aking sarili habang naglalakad pauwi.
"Take it or lose it." Tugon ng boses na narinig ko mula sa aking likod.
"J-Jonathan? Anong ginagawa mo dito?"
"Pupunta ako kila nanay." Sagot niya habang nginunguya ang pinabigay sa kanya ni tita. "Tsaka nga pala, ligawan mo na. Gusto ko siyang makitang masaya." Pagpapatuloy niya.
Hindi ko alam kung nagiging sarkastiko ba siya oh ano eh. "Ano na lang sasabihin ng ibang tao? Na tiga sambot ako ng---" Hindi na ako nakatapos nang biglang nagsalita si Jonathan.
"Shh, 'wag mong isipin ang sasabihin ng iba. Mahal mo diba? Take the risk. Take the risk or you'll lose her." Pagpapayo sa akin ni Jonathan.
"Pag-iisipan ko." Iyon na lamang ang nasabi ko kay Jonathan. "Pag-iisipan amp. Para ka namang ewan." Sambit niya habang ngumingisi. "Hay nako, tunay nga. Baka hindi na ako eh." Tugon ko. Napatingin siya sa akin ng hindi ko mawari kung ano ang kanyang emosyon. "Ikaw lang ang gusto at ang gugustuhin non. Huwag mo ng sayangin yung opportunity." Sambit niya ng nakayuko at may halong lungkot sa kanyang boses. "Sige, uuna na ako." Pagpapatuloy niya. Tumango ako sa kanya. "Sige, ako din." Tugon ko. "Sige, ingat ka ha. Basta tol 'pag sinaktan mo yun. Alam mo na ha." Pagpapaalala niya sakin habang pinapakita ang kanyang kamao.
"Hindi ko naman siya sasaktan eh." Sambit ko habang nakangiti at naglakad na pauwi.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong pinag isipan ang sinabi ni Jonathan sa akin kanina.
//Take the risk or lose her.//
~Dapat ko na ba siyang ligawan agad? Or should I wait for a few months?
-- Ah shit. Graduation's in a few weeks. College na ako, and I'll transfer na. I might not be able to see her frequently anymore. I guess, I need to pursue courting her now.
Kinuha ko ang aking phone at chinat si Chandria.
"Chandria? You up?"
Naghintay ako ng ilang minuto sa kanyang reply. Kumuha muna ako ng tinapay sa baba at pagbalik ko ay may isang bagong message ako.
"Eyy, bakit?"
"Are you free?"
"Hindi, may bayad ako, chaar. Oo, bakit?"
Parang masyadong mabilis? I think sa Lunes ko na lang sasabihin sa kanya. I guess she's still healing. Naapektuhan din naman siya sa nangyari eh. I'll give her more time for her self muna.
"Wala, hehe nangangamusta lang."
"Ay, oks lang naman ako. Ikaw ba?"
"Okay lang din naman."
"Ah sige, gtg, may pupuntahan kami eh hehe."
"Sige, ingat kayo."
Hindi na nagreply si Chandria sa akin at nagreact na lang sa message ko. Binaba ko na ang aking cellphone para makapag isip nang ayos at maging desidido sa aking mga gagawin.
"Anak, may naghahanap sa'yo sa baba." Sambit ni Mama kaya bumaba agad ako.
Bago pa man ako makababa upang makita ang naghahanap sa akin ay hinawakan ako sa braso ni Mama. Tiningnan niya ako ng deretso sa mata. "Anak, Huwag kang magagalit sa kanya ha?" Nagtaka ako sa sinabi ni Mama.