LYDIA
TULALA. If there's one word that can describe me right now, that would be "tulala". Paano ba naman kasi, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina, from our conversation in the bus to that incident. Kung bakit ko ba naman kasi ginawa't tinanong iyon at kung bakit ba naman niya ginawa't sinabi iyon. Sinusubukan kong umayos nang maalala ko na naman ang nangyari kanina."Who are you, Kenneth John Suarez?" Tanong ko sa kanya habang hawak-hawak pa rin ang damit niya.
"Huh? What do you mean, Lyds?" Tanong niya pabalik sa akin. Tinignan niya ako na para niya akong sinusuri and then he laughed.
"Sabi ko na nga ba. Crush mo ako eh. Ini-stalk mo yata ako kaya mo nalaman 'yung full name ko," natatawa niyang sabi.
"Huh? What the f*ck are you saying? At sa papaanong paraan naman kita magagawang i-stalk?" Pagtataray ko sa kanya.
"Siyempre biro lang," natatawa niyang sambit. I looked at him with a hint of confusion and disgust. "God first muna ako bago ang mga ganyan," he said.
"Pfft. God first, my ass," I muttered under my breath and rolled my eyes.
"Aral ka munang mabuti, Lyds," he said and ruffled my hair. Dahil sa ginawa niya, natigilan ako. Wait, what the heck? What was that for? "And try to seek Him," ngiti niya sa akin at nauna nang maglakad. Iniwan niya ako doong nakatulala at gulat. Lumipas pa ang mga ilang segundo bago ako mabalik sa realidad tsaka ako pumasok sa gate ng school.
Seek Him? At sino naman ang hahanapin ko? Napahilamos na lang ako sa mukha at muling umayos nang marinig ko ang sigaw ni Ma'am Hilga.
"Ms. Gutierrez!" Gulat akong napatingin sa kanya.
"If you can't give your whole attention in my class, then it would be better for you to get out. Right now!" Sigaw niya sa akin. Oh f*ck. I'm in real trouble right now.
"I'm sorry, ma'am," I apologized. If looks can kill, then maybe I would've died a hundred times right now dahil sa titig ni ma'am. She retracted her deadly stare from me and continued her discussion. I heard Helen and Crystal holding their laughs. Sinamaan ko sila ng tingin bago ko itinuon ang atensyon ko sa discussion ni ma'am.
~
From our second subject down to our fourth subject, tulala't lutang lang ako. Ewan ko ba, habit ko na ata ang malutang kaya pati sa oras ng discussion ay nagagawa kong matulala't malutang. At ngayong lunch time, natutulala na naman ako. Maybe if Helen didn't snap her fingers in front of me, hindi pa ako mababalik sa realidad.
"Girl, you okay?" Natatawang tanong ni Crystal.
"Baka pinagpapantasyahan mo na si James niyan," pang-aasar ni Helen.
"Pwede rin," I said and smirked. Nagkatinginan ang dalawa and they bursted out laughing.
"Go, girl! Kaya mo yan," natatawang sambit ni Helen. I just laughed and rolled my eyes at them.
We ate our lunch and talked about some things. Pero to be honest, nalulutang pa rin ako. Naalala ko na naman ang nangyari kaninang umaga. I just brushed that off and joined in their conversation.
When the bell rang, all of us went to our respective classrooms. As we sat down on our chairs, Ma'am Jennifer entered the room.
"Good afternoon, class!" Masayang bati niya sa amin.
"Good afternoon, ma'am!" Bati namin pabalik. I observed the woman in front of us. She looks very happy, as if she's not dealing with any problems. How I wish I could be like her. Also, her face is really glowing. What may be her skincare routine that made her face glow like that?
BINABASA MO ANG
I Came For You
EspiritualAno ang iyong gagawin kung pakiramdam mong walang nagmamahal sayo? Gagawa ka ba ng paraan upang maramdaman mong may nagmamahal sayo o hahantong ka sa desisyong nais mong kitilin ang buhay mo? Lydia Jane Gutierrez is a rebellious child and a girl who...