Chapter 4

10 1 1
                                    

Chapter 4

A Drunk's Story

"Wingardia, hindi ka high tol, ha. Easy-han lang sa pagtungga." Narinig kong bilin ni kuya Lum. I was busy checking my phone when he tapped my back so I turned to him.

"Kasama ba si Savienne?" Anticipation is evident on his face.

"Asa ka kuya. Allergic kaya sayo si ate." I laughed at Wing's remark.

"Tss. Allergic? Eh hindi pa nga ako kinakain." Mayabang na sagot ni kuya. Sinapak naman siya sa braso ni Wing, nandidiri ang mukha.

"Dugyot mo, kuya. Bumaba ka na nga!" Humalakhak lang si kuya saka binuksan ang pinto ng kotse at bumaba.

"Bro, ikaw na bahala sa kapatid ko." He said and tapped my back again. Tumango lang ako saka ngumiti.

We just dropped him off to a mall, he's meeting another client. As for Aye, mag-aayos pa daw siya ng gamit kaya hindi pa siya nakasabay sa amin. Susunduin na lang daw siya ni kuya Lum.

"Kuya!" Pagtawag niya sa kuya niya nang maibaba ang bintana ng kotse. Nilingon lang siya ni kuya Lum.

"Hindi ka naman daw kasi masarap, bakit ka pa titikman diba?" She mocked. Saka niya minadaling itinaas ang salamin.

Bago pa nakasagot si kuya ay pinaandar ko na ang kotse as we both laugh inside the car. Mukhang nadaya ang postura ni kuya Lum dahil hindi nabigyan ng pagkakataong makasagot kay Wing.

Pagkarating namin sa bahay ay naabutan na naman namin si ate Savi sa garden. Nakatali ang wavy hair at may panyong ginawa niyang hairband.

"Ate Savi, we're back!" Akmang yayakapin na naman niya si ate nang iharap nito sa kanya ang kamay na nakasuot ng gloves na may lupa. Napaatras agad si Wing.

"Hello, backs." Walang buhay niyang sagot, ni hindi man lang kami nilingon.

"You're still here?" tanong ko kasi kaninang umalis kami ay nandito na siya.

"I guess, I am." sagot lang niya saka nilapitan ang isang flower pot.

Plano niyang baguhing muli ang landscape sa garden. Iyon din ang una niyang napansin nang dumating kami kaya naging bukam-bibig na niyang aayusin ito kahit maayos naman.

"Babaguhin ko na itong garden, hindi na ako natutuwa."

She changed the garden three months ago, before we went to US. Actually, She always alter the landscape every after two to three months, sometimes after a month. It depends on her mood because it's her way of de-stressing.

"We'll go inside." Paalam ko pero hindi din siya sumagot kaya hinila ko na lang si Wing papasok.

I fished my phone from my pocket. Buti na lang natigil na si Slash kakachat sa akin, baka natutulog na siya.

I also checked if there's a notification from her, none. It's already past two o'clock.

"Wing, is it possible if a person still sleeping at this hour?" I asked Wing who's also fidgeting on her phone.

"Depends kung puyat." she answered, her attention still on the phone.

"Kung natulog siya around one in the morning?"

This time, she glanced at me as her forehead creased. Maybe wondering why am I asking such questions. She looked at my phone intently before returning my gaze.

"Siya? Sinong siya?"

I blinked and my tongue suddenly glued at the top of my mouth. I was searching for words to say. I don't know why I don't want Wing to know about her.

AestheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon