Chapter 46 - You'll Miss Me When I'm Not Around

1.1K 106 8
                                    

Chapter Forty Six
"You'll Miss Me When I'm Not Around"
Daniel Rouge Gustilyo's Point of View


I had nowhere to run to but to my old home. Pwede naman akong pumunta sa mansion pero alam kong pupuntahan lang ako ni Theo doon. So I opted for my old place instead. I know it's pretty late when I got in there but Mama opened the doors for me.

"Sigurado ka bang okay ka lang 'nak?" Tanong nito sa akin nang mahiga ako sa dati kong higaan. I just nodded but I was still sobbing. Alam kong maraming inaabala si Mama sa ngayon kaya't ayaw kong dumagdag pa sa problema nito.

This is my own problem. I led myself into being in love with someone like Theodore and my Mom is out of the topic already.

Bigla naman itong naupo sa tabi ko. "Kung ano man 'yang pinag-awayan niyong dalawa. Alam kong malalagpasan niyo din 'yan." Kasabay ng paghimas nito ng likod ko ay ang pagtulo din ng luha ko. But I calmed my self and tried drying my tears off.

"Ma, ba't ako nasasaktan?" Naiiyak kong tanong sa kaniya. 'Di ko na kinaya at bumuhos na naman ulit ang mga luha ko.

"Ma?" Tumalikod ako para tingnan ito. "How can I stop my own feelings? Ma, I really tried —Ma, I'm tired." Daing ko pa.

Tiningnan ako ni Mama ng mabuti, malungkot ang mga mata nito pero nagawa pa nitong ngumiti sa akin. "Anak," ani Mama sa akin. "Kaya tayo nasasaktan kasi tao tayo." Panimula nito. "Kaya ka nasasaktan dahil mahal mo ang isang tao. 'Di ka magiging ganito kung ang nararamdaman mo sa kaniya ay hindi totoo. You're vulnerable to pain and it's because you love genuinely."

"If you stop your feelings then you will never feel anything at all, 'Nak this just goes to show that you're alive. Feeling the pain is one of the reasons why you're alive, kasi it makes you feel something, reminding you that you're living."

...

Ilang araw akong nagmukmok sa bahay. At alam kong mukha na akong timang sa kakaiyak kaya wala akong ginawa kun'di ang inabala ang sarili ko sa pagbabantay sa mga kapatid ko at pagtulong kay Mama sa bahay. Nagtatrabaho ulit kasi si Mama sa opisina at paminsan ay iniiwan nito si Anthony sa kapit bahay namin; kung 'di kaya si Angeline ang nagbabantay sa dalawa naming kapatid pero ngayon, ako na mismo ang nagkusang-loob na bantayan ang mga kapatid ko.

"Kuya kanina pa may tumatawag sa cellphone mo." Ani Roger sa akin atsaka isinauli ang iPhone ko na pinaglalaruan niya. Kinuha ko ito sa kaniya atsaka in-off nang malaman kong si Theo ang tumatawag.

He's been calling me non-stop for days already and I don't want to talk to him nor even hear his lousy excuses. Galit pa rin ako sa kaniya at ayaw kong marinig ang boses nito.

"Nak, gusto mo bang sumama sa akin na mamalengke?" Tanong ni Mama sa akin habang abala ako sa pagpapakain sa kapatid kong si Anthony.

"Sure ma, papatapusin ko lang muna 'tong kinakain ni Tony." Nakangiting tumango lang si Mama sa akin atsaka pumunta sa kusina para maghanap ng gamit.

Pagkatapos ni Anthony kumain ay agad naman akong nagligpit ng mga gamit nito at pumasok sa kwarto ko — na ngayo'y ang mga kapatid ko na ang gumagamit — para magbihis. I put on a lavender sunday dress then a white Keds sneakers and used my white tote bag.

I'm going to do a little social experiment today.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakita ko naman si Mama na kausap si Angeline at si Roger. Binibilinan ito ng mga gawain sa bahay habang nasa palengke kami.

ROUGE (androgynousxstraight)(bxb) -ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon