Chapter 44 - Thought You've Seen the Last of Me?

1.1K 86 13
                                    

Chapter Forty Four
"Thought You've Seen the Last of Me?"
Daniel Rouge Gustilyo's Point of View


Bigla akong tiningnan ng masinsinan ni Mama. Dali-dali namang dumating si Angeline atsaka napayakap sa akin.

"Kuya!" She exclaimed. Niyakap niya ako ng mahigpit. Dagli namang napatingin ulit ako kay Mama. Alam kong kilala nito ako — alam ko, anak kaya niya ako.

"Anak?" 'Di makapaniwalang turan nito sa akin atsaka ako niyakap. "Ikaw ba talaga 'yan?" Gulat pa rin nitong tinanong sa akin.

"Ma! Si Kuya 'to." Ani Angeline kay Mama. "Nagiging ulyanin ka na talaga." Dagdag pa nito habang natatawa.

"N-nak." Ani Mama. "P-pasensya ka na. 'Di ko talaga alam na ikaw 'yan." 'Di pa rin makapaniwalang sinabi nito sa akin habang sinusuri ako. "I-ibang-iba ka n-na talaga." She added.

Napakamot na lamang ako ng batok ko. "Ma, ako parin ito." Sagot ko sa kaniya.

"Nakain na ba kayo? Sino 'yong kasama mo?"

"Si Theo po."

"S-sige pasok kayo." Alok nito sa aming dalawa. Tiningnan ko ito ng mabuti, hindi siya makatingin sa akin ng diretso at parang napapraning pa itong pumasok kasama kami. Parang may mali.

I know that something's off, but I shrugged the thought off and proceeded walking. Siguro dahil matanda na ito kaya nagiging ganito si Mama. Sumunod naman si Theo habang dala-dala ang mga pinamili namin sa mga kapatid ko.

"Nakain na ba k-kayo?" Tanong nito sa aming dalawa. Tumango lamang ako sa kaniya.

"Opo ma." Sagot ko sa kaniya atsaka kinuha ang mga pinamili namin ni Theo na pasalubong at binigay sa mga kapatid ko. Masayang-masaya naman ang dalawa kong kapatid na tinanggap ang mga regalo. Si Anthony naman ay lumapit kay Theo na kinabigla naman nito.

'Di nagdalawang-isip si Theo na ikarga ito. "He really likes you." Ani ko rito. Napailing na lamang si Theo kahit na 'di ito marunong magbaby sit. Pero 'di naiyak si Anthony — he seems to enjoy Theo's company.

"Ba't kayo naparito?" Tanong nalang ni Mama sa akin.

"Ma, namiss ko kaya kayo." Kunot noo kong sinabi sa kaniya. Huminga ng malalim si Mama. "'Di na kayo nagrereply sa mga text ko o sagot man lang sa mga tawag ko." I pouted.

"Nak, okay lang kami." Hinawakan nito ang kamay ko. "'Di mo na kailangang magalala pa sa amin." Nginitian nito ako ng matipid. "Okay lang ba kay Theo na pumunta kayo rito?"

"Siya pa nga po ang nagyaya sa akin. Birthday po kasi nito ngayon kaya napagpasyahan naming pumunta rito." Ani ko rito.

"Ah, ganun ba?" Ani Mama na parang nag-aalala. "Jusko, sana naman ay napaghandaan ko kayong dalawa ng makakain." Dagdag pa nito.

"Naku Ma, sige lang 'di naman kami gutom pareho."

There was a minute of awkward silence. So I opted to ask Mama a question.

"May pera pa po ba kayo?" Tumango lamang ito sa akin. "Bibigyan ko kayo." Alok ko pa.

Umiling lamang ito sa alok ko sa kaniya. "Meron anak. 'Wag ka nang mag-aalala pa." Nagpalinga-linga ulit ito sa paligid ng bahay kaya naman hinawakan ko ito sa kaniyang mga kamay.

ROUGE (androgynousxstraight)(bxb) -ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon