"'LOLO NAMAN, bakit iyon ang kinuha mong private nurse ko?" Nagmamaktol na reklamo ni Vincent sa abuelo habang nakaratay siya sa hospital bed."Ano ang problema sa kanya?" Masungit na tanong ng don sa kanyang apo na babaero. Na aksidente ito bago pa makarating sa hotel kung saan may naghihintay na babaeng ikakama nito.
"'Lo, nakita mo naman ang hitsura niya? Daig pa si betty dela fia sa porma at kapal ng salamin. Hindi agad ako gagaling kung ganoong mukha ang mag-aalaga sa akin!"
"Aba't, tarantado ka talagang bata ka!" Inambahan niya ito ng kanyang tungkod. "May pilay ka na at lahat hanap mo pa ay maganda at sexy na babae!"
"A-ouch!" Daing ng binata kahit hindi siya tinamaan ng baston. Sa takot na mahampas sa mukha ng matanda, naitaas niya ang brasong balot ng bandeha upang ipananggalang kung kaya sumakit iyon. Ang dalawa niyang braso ang napuruhan ng bumaliktad ang sinasakyang motor cycle. Bali ang kanang braso, ang isa naman ay nalamog kung kaya hindi rin niya maigalaw pa. May kotse naman siya, pero dahil nagmamadali na makarating sa kaibang langit, iyon ang ginamit niya upang iwas sa traffic.
"Isa pang reklamo at tatamaan ka na talaga nitong baston ko!" Pinandilatan pa niya ng mata ang apo.
Napasimangot si Maya habang lihim na nakikinig sa usapan ng maglolo. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang estado sa buhay ng kanyang maging pasyente. Ayaw niya ma-distract sa trabaho kung kaya ganoon ang kanyang ayos. Isa siyang nerd tignan at doon siya komportable lalo na kung binata ang kanyang maging pasyente. Dalawang beses na siyang na manyak ng nakaraan niyang pasyente. Ang una ay may-asawa na, ang pangalawa ay matanda. Bukod kasi sa maganda ang hubog ng natawan, malusog ang dibdib at tila nang-aakit na mata, lapitin umano siya ng mga manyakis. Kilala rin niya ang lalaki ngunit alam niyang hindi siya nito makilala o natandaan.
Ngayong araw ang labas ng kanyang pasyente at kasama siya bilang private nurse sa bahay nito. Doon umano sila tutuloy sa mansion ng matanda. Mas ok sa kanya ang ganoon keysa solo sila sa bahay ng lalaki. Balita pa naman niya ay babaero ito at may pagkamanyak rin.
"Nariyan ka na pala, Iha!" Bati sa kanya ni Don Alfonso nang makita siya sa bukana ng pintuan.
"Kararating lang po!" Pagsisinungaling ni Maya, sa matanda.
"Tama lang ang dating mo, pakitulongan itong pasyente mo na makabangon at kailang niya gumamit ng banyo." Pakiusap sa kanya ng matanda.
"Hindi na kailangan Lo," ani Vincent habang marahang iniangat ang likod mula sa kinahigaan.
Nakaismid na pinanuod niya ang binata, tila nandiri ito na hawakan niya kung kaya nagpupumilit na kumilos mag-isa. Nakaalis na ang matandang don kung kaya pinanuod niya lang ang kanyang pasyente.
"Hidi mo ba ako tutulongan?" Nasa boses ng binata ang pagkairita na nagtanong sa babaeng nurse.
"Sabi mo ay no need?"
Marahas na sinulyapan niya ang nurse, kung lalaki lang ito, paniguradong nasuntok na niya ang nurse. Nakangiti pa ito nang nakakaloko habang siya ay pinapanuod.
"Pinagtatawanan mo ba ang kalagayan ko?" Sikmat niya sa babae na hindi manlang natinag sa kinatayuan.
"Ang yabang kasi!" Dinig ni Vincent na bulong ng babae habang inaayos ang bagay na dala nito sa maliit na lamesa.
"Ako ang unahin mo na asikasuhin! Galit na siya at bahagyang tumaas ang timbre ng kanyang boses.
"Huminahon po kayo, Sir! Kailangan ko magsuot ng gloves bago kita tulongan." Pilit na nagpakahinahon si Maya.
"Wala akong sakit na nakakahawa kung kaya hindi mo na kailangan magsuot niyan." Lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ng binata.
"Kuh, babalian ko lalo ng buto ang manyak na ito eh!" Nagngi-ngitngit sa inis ang kalooban na bulong ni Maya.
BINABASA MO ANG
HEAVEN (short story-B2 Beyaheng langit) COMPLETE
Cerita PendekContents are for matured readers only! Please follow me for more story or add my facebook accouunt, Yeiron Jee. For advance to read, just follow our page at Heart Romances. thank you!