Chapter 5

1.4K 38 0
                                    


"KAMUSTA, Bro?" Malapad ang pagkangisi na ani Jay Ian sa pinsan na hindi maipinta ang mukha pagkakita sa kanya. Idinipa niya ang kanyang dalawang braso habang ang mga kamay ay nakabuka bilang pang-anyaya ng yakap sa pinsan.

"Bakit ka bumaba ng bundok?" Iritado ang tono na tanong ni Vincent sa panauhin.

"Tsk tsk!"palatak ni Jay Ian habang umiiling-iling. "Hindi ka masaya na makita ako? Mabuti pa iyang kargada mo, excited habang nakatanghod sa akin."

"Gago!" Naibato ni Vincent dito ang kanyang t-shirt na nakasampay lamang sa kanyang balikat.

Ang lakas ng tawa ni Jay habang nakaturo ang kamay sa namumukol na hinaharap ni Vincent. "Hanep ka talaga Bro! Wala lang si Lolo, dalawa agad ang babae mo dito?" Buska ni Jay dito habang patuloy sa pagtawa lalo na ng mamula ang taenga ng pinsan dahil sa pagtitimpi ng galit. Alam niya na pikon na ito sa kanya ngayon, bukod sa naudlot ang ginagawang pagpapaligaya sa kandungan ng babae dahil sa kanyang pagdating.

"Anong dalawa?" Mangani-nganing sapakin ni Vincent ang pinsan dahil baka marinig iyon ni Maya at maniwala.

"May magandang dilag sa labas na naghihintay sa iyo habang nagpaparaos ka sa isang silid?" Baka pwedeng akin na ang isa upang hindi ka mahirapan at mapagod?" Nakangis na tanong ni Jay Ian sa huli.

"Hindi ka pa nagsawa sa pag-akyat ng bundok?" Nakaklokong tanong ni Vincent sa pinsan na ang hilig ay mag-hiking sa matataas na bundok.

"Sira-ulo!" Tumatawa na wika ni Jay nang makuha ang ibig ipahiwatig na bundok ng pinsan sa kanya. "Seryoso tayo Bro, mabuti at hindi naapiktuhan iyang karagada mo sa nangyaring aksidinte?"

Napapailing na tumawa na rin ng mahina si Vincent. Seryoso pero wala sa mukha ni Jay ang kaseryosohan. "Ano talaga ang pinunta mo dito?" Prangkang tanong ni Vincent dito. Alam niya na may alergy ang pinsan na tumira syudad. Mas gusto nitong satumira sa kubo at puntahan lahat ng kabundukan. Ang tawag ng kanilang lolo dito ay tupang gala.

"Pinasusundo ni Lolo ang nurse mo upang ihatid sa kanilang probinsya." Biglang nagseryoso na rin si Jay pagkaalala sa inutos sa kanya ng abuelo. Napilitan lamang siyang pumunta roon dahil sa malaking alok ng matanda na hindi niya mapaghindian.

"Ang sabi ay tumawag ang nurse mo kay Lolo kagabi at nagpasyang uuwi na dahil magaling ka na rin umano? Ayaw naman ni Lolo na magbiyahe siya mag-isa kung kaya ako pinapunta dito." Wika muli ni Jay nang mapipilan ang pinsan. Ang totoo ay hindi iyon ang bilin ng abuelo sa kanya.

"Hindi pa siya uuwi, nag-usap na kami." Lapat ang ngipin na turan ni Vincent. Hindi siya makakapayag na ilayo sa kanya ang dalaga lalo na ngayon.

"Ang bilis naman yata magbago ng kanyang pasya?" Nanunubok na tanong ni Jay kahit alam na niya kung bakit sa nakitang hitsura nito kanina.

"Bumalik ka na sa bundok at sabihin kay Lolo na hihintayin ni Maya ang kanyang pag-uwi dito." Pagtataboy ni Vincent sa binata dahil ayaw niyang makita nito ang dalaga. Ngunit hindi umaayon sa kanya ang tadha, ang dalagang gutsong itago sa pinsan ay nasa hagdanan na.

Napasipol ng mahina si Jay Ian habang nakatingala at pinapanuod ang pagnaog ng isang babae. Kahit na nakasuot ito ng maluwag na damit pang-nurse, kita naman niya ang mapintog at makinis na binti nito. Idagdag pa na ang ganda nito sa simpleng ayos lamang ng mukha.

Natigil sa paghakbang pababa si Maya nang makita ang dalawang lalaki sa sala. Parehong nakatingin sa kanya. Ang isa ay tinging may paghanga, ang isa naman ay tinging hindi nagustohan sa kung ano ang nakita sa kanya. Sinipat niya ang kanyang sarili kung may mali ba sa suot niya? Ganoon pa rin naman ang suot niya araw-araw. Maliban sa hindi niya suot ang makapal na salamin at mahabang medyas na umaabot lagpas tuhod.

HEAVEN (short story-B2 Beyaheng langit) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon