Chapter 4

1.5K 34 3
                                    


"ENOUGH! A-ouch!" Daing ni Vincent nang maabot ni Maya ang kanyang buhok at hinila iyon. Para itong tigre ngayon at hindi alintana na magkadikit na ang kanilang katawan.  "Ahh shit! Maya!"

Tila natuod si Maya sa kinatayuan nang marining ang tinig ng binata at may kasama pang ungol. Ang kaninang pakiramdam na galit ay napalitan ng hiya. Bakit? Nakatingkayad ang dalawang paa upang maabot ang ulo ng binata. Dahil hawak niya na ang ulo nito, hinila niya iyon pababa kung kaya napayuko ito at nakasubsob na ang mukha nito sa kanyang malusog na dibdib.

"Ahhhh bastos ka talaga!" Hysterical niyang bulyaw kay Vincent at malakas na itinulak ang ulo nito palayo sa kanya.

"Uhmmm!" Napaungol ang binara hindi dahil sa sarap, kundi dahil sa sakit ng mauntok ang ulo sa dingding.

"Oh my God!" Nanlaki ang mga mata na mabilis dinaluhan ang binata dahil nawalan ito ng panimbang at natumba. "So-sorry! Saan ang masakit?" May pag-alala na sinuri ang braso ng binata at ulo nito na dinig niya ang malakas na pagka umpog nang itulak niya.

"Ahh! ikaw talaga ang papatay sa akin!" Nakapikit na daing ni Vincent habang sapo ang noo dahil nakaramdam.ng hilo at kirot sa braso.

"Sorry na! Ikaw naman kasi ang manyak mo!" Paninisi nito sa binata habang kinakapa ang likurang ulo nito kung may bukol.

"Ako ba ang nambato ng panty at nanghila ng ulo upang itapat sa iyong dibdib?" Bagaman iritado ay nasa mukha pa rin ng binata ang kaibang tuwa dahil sa nangyari. Gusto niya ang nakikitang sobrang pag-alala sa kanya ni Maya ngayon. Nakaupo siya sa sahig habang nakasandal sa dahon ng nakasarang pintuan. Samantalang si Maya ay paluhod na nakaupo sa harapan niya. Panay ang haplos nito sa kanyang ulo at braso upang maibsan ang kirot niyon.

"Oh ang mata mo!" Nakanguso na sikmat ni Maya sa binata nang mapansin na nakatitig na naman ito  sa kanyang dalawang kayamanan. Kahit may tabing ito ay ramdam niya ang init na hatid ng titig niyon doon ng binata. Nakakahiya mang aminin sa sarili, nag-react ang ituktok niyon at nanigas sa isiping pinagnanasaan ito ni Vincent.

"Bumalik yata ang bali sa aking paa!" Pag-iiba ni Vincent sa paksa at baka mag-ala tigre na naman ang dalaga. Iyon na rin ang naisip upang hindi na umalis ang dalaga.

"Ikaw naman kasi!" Lumambot ang aura ng mukha ni Maya at naging malambing ang tinig. "Halika at kailangan ko matignan ang braso mo at paa." Inalalayan niya ito na makatayo at dinala sa kanyang kama upang pahigain doon.

"Hindi ka na aalis?" Parang bata na pinaamo pa niya ang mukha upang kaawan ng dalaga

"Pag-isipan ko." Lihim na napangiti si Maya habang nakayuko at inabala ang sarili sa paghilot sa binti nito.

Pareho silang natahimik at pinakiramdaman ang isa't isa. Habang abala ang dalaga sa pagpalit ng kanyang benda sa braso ay malaya niyang pinagmasdan ang mukha nito. Wala ito ngayong suot na salamin sa mata kung kaya nakikita niya ang mapupungay na mata nito. Wala sa sarili na inabot ng sariling palad ang pisngi ng dalaga at hinaplos iyon.

"Ba-bakit?" Nautal na tanong ni Maya sa binata. Nagulat siya sa ginawa nito, napaawang ang labi nang mabanaag sa mata ni Vincent ang pagnanasa habang nakatitig sa kanyang mga mata. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang naglakbay ang daliri nito mula sa pisngi patungo sa kanyang labi na bahagyang nakaawang. Nakaramdam siya ng init na tila kuryenteng dumaloy mula sa labi patungo sa kanyang kasarilinan.

"Maari bang huwag ka na umalis? please?" Pakiusap ng binata sa namamaos na tinig.

Tila na hipnotismo naman si Maya na tumango bilang sagot sa binata. Naipilig niya pakanan ang ulo ng dumama sa kanang pisngi ang mainit na palad ni Vincent. Gumapang iyon pababa sa kanyang leeg na nagdulot ng libo-libong bultahe sa kanyang katawan. Napasunod ang sarili sa nais ng binata nang kabigin ang kanyang batok palapit sa mukha nito.

HEAVEN (short story-B2 Beyaheng langit) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon