Chapter 3

1.5K 32 0
                                    


MALALIM na ang gabi ngunit gising pa rin ang diwa ni Maya kahit nakapikit na ang mga mata habang nakahiga sa sariling silid. Magulo ang isip at hindi alam kung ano ang dapat maging pasya para bukas. Parang sirang plaka na paulit-ulit bumabalik sa isip ang huling pag-uusap nila ni Don Alfonso.

"Isang tanong isang sagot, may special na pagtingin ka ba sa aking apo?"

Gulat at pagkalito ang nakarehistro sa mukha ni Maya sa tanong ng matanda. Pinatawag siya nito sa library at hindi inaasahan na iyon ang itatanong sa kanya.

"Ayaw ko na magpaligoy-ligoy pa, Iha. Nakikita ko kung paano mo titigan ang apo ko ng palihim at kung paano mo siya alagaan sa kabila ng kagaspangan ng ugali na ipinapakita niya sa iyo." Seryoso ang mukha at hindi inihiwalay ang tingin sa dalaga.

"Pasyente ko po siya at trabaho ko ang---"

"Alam ko rin na hindi ka tumatagal sa trabaho kahit gaano pa kalaki ang sahod mo." Putol ng matanda sa iba pang dahilan ni Maya.

Umiwas ng tingin si Maya sa mapanuring tingin ng matanda. Sapol siya sa bagay na iyon at wala na siyang ibang maisip na idahilan dito.

Napangisi si Alfonso nang mapipilan ang dalaga. Nagpa imbistiga siya bago niya kinuha ang serbisyo nito. Alam niya na batch mate ng apo ito noong high school ang mga ito. "Paalis ako bukas dahil mabuti na rin naman ang kalagayan ni Vincent."

Muling nabaling ang tingin ng dalaga sa kausap dahil sa narinig. "Paano po ako?" May pag-alinlangan niyang tanong sa matanda. Nasa isip na tapos na rin  tiyak ang trabaho niya at nakaramdam siya ng panlulumo sa isiping iyon.

"Tulad ng napag-usapab ay ibibigay ko sa iyo ang iyong bunos dahil nakatagal ka hanggang sa kanyang paggaling."

"Pero hindi pa naalis ang benda sa kanyang braso." Nasilip niyang pag-asang idahilan sa matanda.

Napangiti ang matanda habang iniinum ang kape. Nagdalawnag higop muna siya ng kape bago hinarap muli ang dalaga. "Aalis ako upang bigyan kayo ng pagkakataon na magsolo. Binibigyan kita ng karapatan sa aking apo na paibigin ito at pikutin kung kinakailangan."

"Paano po kung paalisin na rin niya ako dahil wala ka na?" Namumula amg pisngi na wika ni Maya. Hindi na pinabulaanan ang tungkol sa kanyang tunay na damdamin para kay Vincent. Tama ito, may pagtingin siya sa binata.

Akala niya ay tuluyang nakalimutan na niya ang matinding paghanga sa binata noong high school pa sila. Crush ng buong campus ang binata noon. Hindi siya famous o pansinin ang beauty noon kung kaya hanggang tanaw lang siya sa binata. Muling nanumbalik ang damdamin na matagal ng kinalimutan nang alagaan niya ito. Ang malala pa ay yumabong ang damdaming nadarama para sa lalaki kahit sinusungitan siya nito.

"Hahayaan mo ba sa pagkakataong ito na hindi niya makita ang kahalagahan mo sa kanya? Sapat na ba na gusto kita para sa apo ko upang lumakas ang loob mo?" Makahulogan at pagbibigay ng lakas ng loob na ani ng matanda. "Alam ko na may tinatago kang ganda, bakit hindi mo iyan gamitin upang masungkit ang babaerong kong apo?"

Pabalikwas na bumangon si Maya at natigil sa pag-iisip sa huling salita na binitiwan ng matanda sa kanya kahapon. "Tama nga naman!" bulong niya sa kanyang sarili habang nakangiti ng may kapilyahan sa isip. "Naging maingat  ako sa aking katawan dahil hindi ko mahanap sa ibang lalaki ang katangiang gusto ko sa kanya. Panahon na upang maging mapang-akit!"

Bumaba siya sa kama na may ngiti sa labi at humarap sa malaking salamin. Hinubad ang maluwag na pajama pang-itaas at sinuri ang sariling. Flat stomach, size thirty six ang dibdib, twenty six naman ang baywang at thirty four ang pang-upo. "Hindi na masama!" Liyad ang dibdib na puri nito sa sarili. Muling bumalik sa kinahigaan matapos maisuot muli ang damit at natulog na buo ang pasya para bukas.

HEAVEN (short story-B2 Beyaheng langit) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon