Chapter 2

36 3 0
                                    

Zymmer POV

Nasa ganun akong pagbabaliktanaw nang magsalita ang mga anak ko "Hi mommy" bati ni Zain at lumapit agad ito sa akin para humalik. At naupo na agad sa tabi ko.

"Hi mom" Tipid na bati ni Zion sa akin habang papunta sa inuupuan ko at humalik ito. Agad ko itong pinupog ng halik kaya umangal ito.

"How's your studies?" Tanong ko sa kanila.

"Were doing great mom" Magiliw na sagot ni Zain. Habang kumakain na si Zion ng cake, tahimik lang itong nakikinig sa kwentohan namin ni Zain.

Maya't maya ay my humalik sa pisngi ko kasi nakatanaw ako sa malawak na garden namin. Kasi panay puri ni Zain na ang gaganda na ng bulaklak.

Nilingon ko at nginitian ko nang ubod ng tamis si Andrej. Agad naman niya akong hinalikan sa labi at nakiupo na rin sa aming mag iina.

"How's my lásko (love) ?" at niyakap ako nito

"We are good" At sabay himas ko sa umbok ng tiyan ko. Hinawakan din ni Andrej ang tiyan ko at kinakausap ang anak namin.

8years ago kinasal ako ky Andrej at ngaun nga biniyayaan kami ng panibagong membro ng pamilya.

Si Andrej ang unang naging kaibigan ko dito sa Czech Republic.

Nong una pasyal lang ang balak ko dito pero nang magustohan ko dito ay binalak ko ng manirahan dito pero hindi ganun kadali ang magkaroon ng papel kaya napagkasunduan namin ni Andrej na magpakasal inshort marriage for convenience lang kami.

Naging madali ang pag aayos ng papeles na kakailangan para mairaos ang kasal namin dahil galing sa prominent family si Andrej.

Nong una hindi lahat sa pamilya nila sumang ayon sa kasal namin dahil nalaman nila na magkakaroon ako ng anak pero ng maipanganak ko na ang kambal naging madali sa pamilya ni Andrej ang pagtanggap sa aming mag ina.

Naging malapit ako sa mga kapatid ni Andrej lalo na sa mga magulang nito.

At napamahal din ang mga anak ko sa kanila.

Spoiled ang mga anak ko sa grandpa at grandma nila. Kaya minsan mahirap silang kontrahin pag my ginusto kasi binibigay agad ng grandpa at grandma nila.

Lumaking malapit ang kambal ky Andrej, siguro dahil naging father figure talaga ito sa mga bata at mahal na mahal niya ang mga bata.

Alam ng mga bata na hindi nila biological father si Andrej, ang mga magulang mismo ni Andrej ang nagsabi sa amin na mas maaga mas maganda kung ipapaalam sa mga bata ang totoo para hindi ito maging problema pagdating ng araw.

Nong una ramdam ko yung pagbabago sa mga bata pero tutok talaga ang mga magulang ni Andrej at si Andrej mismo sa kambal para ipaunawa sa kambal ang sitwasyon na meron kami hanggang sa naging maayos na ang lahat.

Ngaun pagpinagmamasdan mo sila hindi mo aakalain na hindi sila totoong mag ama.

Bukod sa mas hawig ko ang kambal, lumaki talaga silang buntot ni Andrej.

Last 2years ago lang naconsumate ang pagiging mag asawa namin ni Andrej kaya ngaun lang ako nabuntis.

Matagal na panahon na namuhay ako sa pagiging broken ko pero hindi nagsasawa si Andrej sa pagbibigay sa akin ng dahilan na my mas karapatdapat pa mahalin kesa ky Winston.

Hindi ko nalang namalayan napamahal na siya sa akin.

Mabait at maalagain si Andrej kaya hindi impossibleng hindi mo ito mamahalin, natagalan man bago ko narealize yun, ang importante maayos na ang aming pamilya.

LONG WALK TO FREEDOMWhere stories live. Discover now