Chapter 8

14 3 0
                                    

Pagkatapos ng kasiyahan ko noon dahil sa pagreunite ko sa pamilya ko at maayos na pagtatagpo ng mag ama hindi ko lubos maisip na my kapalit pala itong pighati and doon magsisimula ang kalbaryo sa pagsasama namin ni Audrej.

Pauwi na kami noon sa Czech Republic ng magkaroon ng engine trouble ang private plane na sinasakyan namin at naaksidente kaming mag anak. Bumagsak ang eroplanong sinasakyan namin, ang huling natandaan ko bago ako nawalan ng malay ay giyakap ako ni máma at naliligo na ito ng sariling dugo. Hanggang sa huling hininga ni máma pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal kaya ang bigat sa dibdib pagnaalala ko ito.

Nang magising na ako hindi pa agad pumasok sa utak ko ang nangyari, nang himasin ko ang tiyan ko nagulat ako na lumiit ito kaya babangon sana ako pero hindi ko maigalaw ang katawan ko kaya tawag ako ng tawag sa asawa ko at doon pumasok sa isip ko ang nangyari kaya iyak ako ng iyak noon.

Dumating ang mga nurses at doctor pinainom ako ng pampakalma at nakatulog ako agad.

Sunod na gising ko nabungaran ko ang pamilya kung puno ng pag alala, kasama nito ang mga anak kung kasama nilang umuwi ng Pilipinas.

Nang malaman kung nakunan ako ay naglupsay ako sa kakaiyak at dinaluhan naman ako nina mommy at Reign.

Iyak lang ako ng iyak noon, nakakatulogan ko na ang pag iyak.

Ilang araw na ako dito sa ospital pero hindi ko pa nakita ang asawa ko, tinanong ko ky máma kung nasaan ang asawa ko, ang sabi nito nagpapagaling pa.

Nang tanongin ko ito kina máma at tatinek ay tumulo ang luha ni mommy kaya kinulit ko ito sa kakatanong kaya sinabi niyang wala na ang mga ito at si Andrea.

Lalo akong nagpumulit na makita ang asawa ko pero hindi ako pinagbigyan nina Mommy.

Nang makarecover ako ay pinayagan na akong umuwi, Kasama namin ng kambal sina mommy at Reign sa bahay kasi umuwi sina daddy at Lowell sa Pilipinas.

3weeks din ang mga ito dito sa Czech Republic, ayaw din kasi magsiuwi ng mga yun hanggat hindi pa ako maayos at nakalabas ng ospital.

Pagdating sa bahay nakakapanibago, iba ang ambience ng bahay.

Napag alaman ko na andito na raw ang asawa ko at nandoon sa kwarto namin kaya nagpaalam ako kina mommy at Reign na puntahan ko lang ito my pag alinlangan sa mukha ni mommy pero hindi ko na ito pinansin.

Pagdating ko sa tapat ng pinto ng kwarto naming mag asawa dali dali kung pinihit ang pinto at nagtaka pa ako na sarado ito kaya kumatok ako, nakailang katok na ako pero walang sumasagot kaya nilakasan ko pa ang pagkatok ko.

Maya't maya bumukas ang pinto at niluwa ang asawa kung miserable ang mukha at mukha itong gusgosin, napaiyak ako at dali dali itong niyakap pero ganun nalang ang pagkadismaya ko ng tinulak ako nito at napasandal ako sa hamba ng pinto dahil sa lakas ng pagkatulak nito.

"Leave me alone" yun lang ang sinabi nito ng pasigaw bago ako sinaradohan ng pinto.

Iyak ako ng iyak, naramdaman ko nalang na dinaluhan ako ng mga anak ko at tinutulongang makatayo kasi napasalampak na ako sa sahig sa tapat ng pinto naming mag asawa.

Ang sakit sakit isipin na kayang gawin yun ng asawa kung mapagmahal at maaruga sa aming mag ina sa loob ng halos 9years naming pagsasama ngaun lang niya ako napagtaasan ng boses at ngaun ko lang siya nakitang magalit ng ganun. Gusto ko siyang samahan at damayan sa kanyang pighati pero papano ko gagawin yun kung ayaw ako nito makita.

Nang humupa na ang sama ng loob ko binabaan ko sina mommy at Reign, nakasunod lang ang mga anak ko sa akin, hindi sila umalis sa tabi ko. Nang tumahan na ako ay niyaya na ako ng mga anak ko sa kwarto nila para makapaghilamos. Hindi sila nagtanong ng kahit ano pero alam kung nagmamatyag lang sila.

LONG WALK TO FREEDOMWhere stories live. Discover now