Chapter 6

15 2 0
                                    

Winston POV

Maaga kaming umalis ni Lowell para icheck ang set up ng function hall na pagdadausan ng Launching, Madaming tao pagdating namin my nagsiset up, my nagdidecorate ng entrance, at yung taga media nagsiset up na din sila para sa telecast mamaya.

Bigla kung naisip si Zymmer, ilang taon na rin na hindi na ito umuwi sa kanila. Sising sisi ako ng mga panahong yun pero wala akong magawa.

Pinagtulakan ko ang taong mahal ko para lang itama ang pagkakamali ko, hindi ko sinasadyang saktan si Zymmer pero tao lang ako na my kahinaan.

Simula nang umalis siya binabagabag na ako ng kunsensya ko lalo na sa mga salitang binitawan ko sa kanya, pero yun lang ang alam kong paraan para lubayan ako ni Zymmer.

Noon my pag aalinlangan pa ako sa pagmamahal ni Zymmer pero nung bumalik ito galing business trip kasama si Tito Jaime pagkatapos ng biglaang kasal namin ni Michelle, gumagawa ito ng paraan para magkausap kami, nung una akala ko paghindi na ako magpakita dito ay titigil lang ito. Dahil wala yung paghahabol sa pag uugali ni Zymmer na nakilala ko at minahal pero mali pala ako.

Doon ko napatunayan na ganun niya ako kamahal, mga bagay na hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin. Hindi ito showy kaya hindi ko lubos maisip na kaya niyang ibaba ang sarili niya nung nakikiusap ito sa akin na siya nalang ang piliin ko, hindi niya lang alam kung gaano akong nasaktan na makita siyang nasasaktan ng dahil sa kapabayaan ko.

Sising sisi ako noon at nagagalit ako sa katangahan ko.

Simula nang sapilitan akong ipakasal ni dad sa anak ng kasosyo nito nawalan na ng saysay ang buhay ko, naging sunod sunuran ako ky dad. Kahit anong iutos nito ginagawa ko kasi useless na din kung hindi pa ako sasang ayon sa kagustohan nito, nakuha niya na ang gusto niya.

Halos lahat ng naipundar ko nakuha na nito ng hindi ko namalayan, Kaya ginawa ko ang lahat para mabawi ang mga pinaghirapan ko.

Naging workaholic ako at alchoholic, napariwara na ang buhay ko noon.

Hanggang nasapak ako ni Lowell at galit na galit ito sa akin, pilit niyang pinapaintindi sa akin ang sitwasyong kinasadlakan ko, tahimik lang ako palagi pagpinapangaralan ako nito. Malaki ang respeto ko sa pinsan kung iyon kaya hindi ko majustify yung kapabayaan ko kasi ako din my gawa.

Kahit si tito Jaime kinausap ako na mas magandang harapin ko ang sitwasyon ko at gawin ang nararapat.

Kaya natauhan ako noon, pilit kung inayos ang buhay ko at pagsasama namin ni Michelle.

Maayos naman ang buhay namin mag asawa, hindi ito nangingialam sa buhay ko kaya naging civil ako dito.

Mabilis lumipas ang mga buwan at nanganak si Michelle ky Michaella.

Naging mas masipag pa akong magtrabaho dahil sa bata at civil pa rin kami ni Michelle, nagsasama kami sa iisang bubong pero hindi kami magkasama sa iisang silid tulogan.

Mabilis lumipas ang mga taon, Nag aaral na si Michaella noon ng Prep ng magkasakit ito ng
Juvenile myelomonocytic leukemia isa itong sakit na inherited sa parents at rare cases ito sa mga batang below 4years old.

Malaking palaisipan sa akin kung bakit nagkasakit si Michaella ng ganong uri ng sakit kasi wala naman kaming inherited disease, at mas lalo pang naging palaisipan sa akin nung napag alaman kung wala ni isa sa amin ni Michelle na magmamatch sa bone marrow donor kasi ang mabisang treatment ay (Stem cell transplant or STC).

Iniinsist ko ky Michelle noon na dalhin namin si Michaella sa Amerika para mapagamot doon pero tumutol ito at doon niya pinagtapat sa akin na hindi ako ang Ama ni Michaella.

LONG WALK TO FREEDOMWhere stories live. Discover now