Chapter 7

17 4 0
                                    

Maaga kaming nagising kahit late na kaming nakauwi kagabi.

Inanyayahan kasi kami ni Daddy at mommy sa kanilang tinutuloyang Hotel and Resort.

Excited ang mga pamangkin ni Audrej na maaga pang lumipat dito sa aming kwarto para lang tawagan namin ang kambal. Naninibago kasi ang mga ito na hindi namin sila kasama sa mga ganitong family getaway.

Si Reign ang sumagot ng mobile ni Zain kasi tulog pa raw ang mga ito.

Nagkwentohan pa kami ni Reign at excited itong magbonding kami.

Nang makauwi kami dito kaninang umaga tumuloy sina máma at tatinek sa Suite naming mag asawa para makapag usap kaming magpamilya, sumunod din ang mga kapatid ni Audrej na masayang masaya para sa akin dahil finally raw nakipagreunite na ako sa pamilya ko.

Napagdecisionan ng pamilya na magstay kami dito ng 1week sa Barcelona para makapagbonding sa pamilya ko at my balak si tatinek na yayain sina mommy at daddy na dumalaw sa Czech Republic.

Isa din sa napag usapan ng pamilya kaninang madaling araw na ipapakilala ko ang mga anak ko sa totoong ama ng mga ito. Si tatinek, máma at Audrej mismo ang nagconvience sa akin na gawin yun at sinang ayunan naman ng mga kapatid ni Audrej. Kaya napaisip din ako sa suhestyon nila, magiging unfair ako sa kambal at ky Winston kung hindi ko sila ipakilala sa isa't isa. Napatawad ko na ito at masaya na ako sa buhay ko sa kasalukuyan kaya dapat lang na ibigay ko rin sa mga anak ko ang karapatan nilang makilala ang totoong ama nila.

Nagpapasalamat ako kasi Open minded ang pamilyang kinabibilangan ko at sila pa mismo ang nag iencourage sa akin na gawin yun para sa ikakabuti ng kambal. Ganun nila kamahal ang kambal kaya lahat gagawin din nila para mapasaya ang mga ito.

Sabi pa ni Audrej sa akin kanina ng maiwan na kami ng pamilya niya, Winston deserve to know the truth at doon ako napaiyak. What did i do to be blessed with the people who's kind and great understanding.

Kinucomfort niya ako na magiging maayos din lahat kasi sinabi ko dito na baka makasira ako ng pagsasama ng mag asawa kapag pinaalam ko ky Winston ang tungkol sa kambal. Pinapaintindi nito mas magkakaroon ng problema sa huli kung hindi ko ipagtapat ng maaga.

Kaya napagkasunduan naming mag asawa na kakausapin ko muna ang parents ko mamaya at si Winston, saka ko ipapaalam sa kambal at ipakilala ang kambal sa ama ng mga ito.

Nang papunta na kami kinadaddy, pinapayohan ako nina máma at tatinek. Nakisakay sila sa aming mag asawa kasi wala ang kambal.

Nag aalangan ako baka kasi makaapekto sa pagsasama nina Winston at asawa nito pagnalaman niya ang tungkol sa kambal pero ayaw ko rin itago sa kambal ang pagkatao nila.

Nakarating kami sa tinutuloyan nina daddy.

Saktong nakaprepare na ang Lunch kasi kanina habang nasa daan tumawag si Mommy at tinatanong kung nasaan na kami. Nagpacater sila sa Hotel sa labas ng villa na nakaharap sa dagat.

Ang daming masasarap na pagkain at tuwang tuwa ako dahil more on sea foods.

Andoon na ang lahat pwera ky Winston at Zion. Nang tinanong ko si Zain kung nasaan ang kambal nito, ang sabi nasa kwarto daw ng Uncle Winston nila. Nagkatinginan kami ni Audrej kasi napatda ako sa pagtawag niya ng Uncle ky Winston. Pilit kung binabaliwala ang gumugulo sa isipan ko.

Magkasunod na dumating ang mga ito, napagmasdan ko mula sa kinauupuan ko na papalapit silang mag ama. Doon ko lang napagtanto na my resemblance pala si Zion ky Winston, ugali lang namana sa akin. Kaya tinignan ko si Zain na kamukhang kamukha ko at hawig din ito ky Zion pero kung titigan mong maigi si Zion makikita mo ang pagkakaiba nilang dalawa.

LONG WALK TO FREEDOMWhere stories live. Discover now