Chapter 9

16 1 0
                                    

¤¤¤After 4months¤¤¤

Mabilis lumipas ang mga araw, matagal ng hindi ko nakakasama ang mga anak ko at mukhang nalibang na ang mga ito sa Pilipinas. Palagi din ang mga ito tumatawag at kung minsan nakakausap ko rin ang daddy ng mga yun.

Wala pa ring pinagbago ang asawa ko, palamig ng palamig ang pakikitungo nito sa akin kaya hindi ko nalang sinasalubong ang init ng ulo nito, dati kasi pinapatulan ko kaya ang ending nag aaway kami.

Nagkikita din kami ng mga hipag ko, hirap na hirap din ang mga ito sa pagcope up sa pagkawala nina máma at tatinek lalo ang pagkawala ni Andrea. Kinuwento ko sa mga ito ang nangyayari sa aming mag asawa, pinayuhan nila akong hayaan muna si Audrej na ideal yung sakit na nararamdaman nito sa pagkawala ng mga magulang nito, kasi sa lahat ito ang mas lubos na nasasaktan kasi ito ang pinakamalapit sa mga magulang ng mga yun.

Minsan nagpapang abot kami sa dining, Nong una nasasaktan ako pagtinatalikoran ako nito pagnadadatnan ko ito na kumakain o kaya kumakain ako dadating ito, bigla itong aalis na para walang nakita.

Katagalan nakasanayan ko na rin ang pakikitungo niya sa akin.

Nilibang ko ang sarili ko sa hobby kung pagpipinta, yung pinakahuling master piece ko na naisali sa isang art gallery, yung theme ng ginawa ko binasi ko sa emotion ko kaya para itong imahe sa nangyayari sa buhay ko ngaun.

Hindi ko akalain na mabibigyan ng pansin yun ng mga tao, nong pinabid yung gawa ko sobrang laki ng kinita ko, iniipon ko lahat ng kita ko sa pagpipinta. Nilalaan ko yun sa naiisip kung negosyo, hindi ko alam kung kailan ko sisimulan basta pinaglalaanan ko yun.

Nitong nakaraang linggo my inumpisahan akong ipinta, para naman ito sa namatay kung anak. Nalulungkot akong isipin yun pero iyon ang nakatadhanang mangyari. Kung hindi sana nangyari ang trahedyang yun ipapanganak ko na yun ngaung buwan.

Kaya naisipan kung bisitahin ang puntod nina Máma at tatinek kasi doon din nakalibing ang anak ko.

Naglagi ako sa sementeryo, inayos ko yung mga tanim doon at nalibang ako kaya magdidilim na ng umuwi ako.

Pagpasok ko palang ng bahay naririnig ko ang tawanan sa loob ng bahay, nagtaka pa ako na boses babae yun at boses ng asawa ko. Dali dali akong pumunta sa dining area at ganun nalang ang galit ko ng makita kung nakakandong pa ang babae sa asawa ko at sinusubuan nito ng pagkain ang asawa ko.

"What a wonderful show" Pumalakpak pa ako.

"And who are you?" Tanong ng higad

"Me" Turo ko sa sarili ko "Im just his wife and you are just a whore. so you see now the difference?" Balik tanong ko dito. Aalma pa sana ito pero pinigilan ng magaling kung asawa.

Tinignan ko ang asawa kung matalim ang titig sa akin "If you cannot respect me as your wife, Respect me as a human being!. I can tolerate your cold treatment at harsh words but not this one Audrej, don't insult me infront of this whore". Pasigaw kung sabi sa kaniya "If you cannot bring your guest outside of our house, I can throw her outside" Sabay lapit ko sa kanila at dali dali kung hinila ang siko nong babae at pabalya ko itong itinayo sa lap ng asawa ko, nagulat si Audrej sa ginawa ko kaya hindi niya napaghandaan ang gagawin ko. Dali dali kung hinawakan ang kabilang kamay nito at nilagay sa likuran nito,wala akong pakialam kung nasasaktan ito.

Ang bilis ng pangyayari, tulak tulak ko ito habang hawak ko yung dalawang kamay niya sa likoran niya, alam mo yung hinuhuli ng mga police ganun na ganun ang itsura niya at saktong nakabukas ang sliding door malapit sa dining doon ko siya dinala at tinulak sa labas ng bahay. Nagsisigaw ito pero hindi ko pinapansin. Nang maisara ko ang sliding door, hahatakin ko na sana ang kurtina ng my humawak sa kamay ko, ang bilis ng reflex ko at nahawakan ko kaagad ang kamay nito at natuhoran ko ito. Nang makita kung namimilipit sa sakit ang asawa ko dali dali akong tumakbo sa kwarto ng mga anak ko.

LONG WALK TO FREEDOMWhere stories live. Discover now