Rock Paper Scissor (A way to choose)
Aeia's POV
Pagkatapos kong asarin si Seola, pumunta ako sa harap nila.
"Dito po tayo." Pagalalay ko sa kanila patungo sa isang kwarto dito sa 1st floor.
Bale 2 kwarto dito sa baba at 6 sa 2nd floor sa 3 floor wala naman mahirap na kasi akyatin yun.
"Dito pong kwarto na ito ang Master's bedroom. Tignan niyo po." Binuksan ko ang pinto para makita nila. Pag umuuwi ang magulang ko diyan sila pero dahil ngayon 3 years bago sila bumalik.
Nang buksan ko ang pinto talagang napawow sila sa laki nito. Dito kasi yung malaking walking closet at isa sa mga kwarto na merong daanan papuntang swimming pool.
"So sino po may balak kumuha nito?" Tanong ko. HAHAHA natatawa talaga ako sa pag aya ko boses scammer ata ako.
"Magkaiba po ba yung presyo neto ang the average room?" Tanong ni Yuto. Okay, hindi ko pa siya nakikita ang tahimik kasi eh. Well, may salamin matatawag mo rin na nerd siya half japanese half filipino.
Pero na baliw ako sa tanong niya ha. Hindi ba obvious na yun?
"Uhmm yup. This is ***** per month." Sagot ko at napasinghap nanaman ang mga nagtratrabaho.
"Okay. I'll take that po. Thanks." Sabi ni Yuto sa mahinhin na boses. Hehe money money.
"Woah. Talaga ba, man? Naunahan mo pa ako hahaha." Sabi ni Alex. Hmmm mukhang gusto niya rin ng ganyan na kwarto. Well,,,
"Don't worry dalawa yung ganyang kwarto dito sa baba. Halina po kayo dun na po tayo sa isa pa." Sabi ko at sumunod naman sila.
Andito na kami sa pintuan nang may tumawag saakin. Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang Unknown number ang nakalagay. Weird kasi kapag may nanghingi ng number ko ilalagay ko kaagad ang pangalan nila pero sinagot ko lang.
"Excuse me po." Sabi ko at lumayo sa kanila.
Sinagot ko ang tawag.
"Hi. Sino po sila?" Tanong ko
"Hehehehehe." Tumawa lang in-end call. Hindi creepy tawa niya nakakabinibuwisit lang talaga.
Aba gag* yun ah. Sinave ko nga ang number.
Pagka save ko ng number nun ay may naramdaman akong tumitingin sakin.
Hinanap ko iyon at nakita ko si Zoe (yung nurse) tumatawa ng sobrang lakas habang tinataas yung cellphone.
Kumunot ang noo ko. Siya kaya yun? Imposible naman ata...
"Hi Ate Zoe." Pagtawag ko sakanya.
"Oh hi din hehehehe. Anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya saakin. Uhmm hindi ba ako ang dapat nagtatanong niyan?
"Wala lang naman. Tara na po ituloy na po natin?"
============================
Bumalik kami sa kanila at nagsimula muli."Hey. Uhmm sorry. Uhmm so ito po yung isang room na katulad ng master bedroom. Ganun din po ang price."
"Okay, scammer." Sabi ko sa sarili ko. Boses scammer talaga ako!
Matapos kong ipakita sakanila ang loob ay nagsalita ako.
"So sino pong kukuha sainyo diyan. Kunin niyo na po oh.Last one na po yan. Last piece na po yan sa buong mundo." At naguluhan ang tingin nila saakin.
Syempre sa imagination ko lang yan sinabi.
"Kunin niyo na po o baka kayo pa kunin ko." At naging weird ang tingin nila saakin.
Syempre sa imagination ko lang uli yan. Hihihihi
Masyado akong nasa imagination ko na hindi ko namalayan na nakatingin na sila saakin and ang worst, pang weird na tingin! Wag mo sabihing...
"Oh my... Didn't know that's how you think, Aeia. HAHAHA (insert demonic laugh)" Sabi sakin ni Seola. At nagtawanan silang lahat.
"Magkaroon naman kayo ng respeto. Iha, hayaan mo na sila." Ayan nanaman si Mr. Baison eh isa rin naman siya sa tumawa.
Pero mukhang nasabi ko nga yata. Yari na.
Syempre... Imagination ko lang uli yun. Gotcha!
"Huy!" Nag palakpak sa harap ko si Seola.
"What?! Oh right! Sorry." Haays masyado na pala ako nag iimagine.
"Dozing off? Mukhang may iniisap ha. Huuuy. (Insert nakakainis na ngiti sa buong mundo)" Seola
"Shut up, Miss Seola. So... dito po sa room na ito, sino po may balak? Kumuha?" Tanong ko nang hindi pinapansin si Seola.
''Me! Sure na ako diyan??? Sure na nga ba ako?" Sabi ni Axel ( Yung may balak rin kumuha kanina.) Ang gulo niya huh.
"Uhmm ano po sure na po ako." Sabi niya.
"Oh okay then-"
"Ay hindi pa pala." Tang-
"Sige po take your time." Take your kabaong!
Haays... Sure ka na ba o ano? Make up yor mind already!
"Sure na po ako???" Patanong na sabi niya. Haays
"Yup. Opo. Yes. Sure ka na po. As in sure na sure." Pagsagot ko sa tanong niya??? Kita mo. Nagagaya na ako.
"Hehehe." Awkward na pagtawa niya sabay hawak sa batok. You're not cute, you're annoying if you think about it.
"Hehehe." Awkward na pagtawa ko rin.
"Hehehe." Awkward na pagtawa rin ng iba.
"Hehehe." Awkward na pagtawa namin lahat.
"Hehehe."
"Hehehe."
"Hehehe."
At napuno ng awkward na tawa ang buong bahay.
=================================================================================Mahaba na pala ata yun. Sige next chapter na uli. Sorry kung non sense yung title netong chapter na to. But that's all for chapter 2.
Maraming salamat sa pagbabasa. Basta nabasa mo lang ito hanggang dito sa chapter na to,inspired na akong magsulat. Thanks so much. Comment your thoughts and vote if you liked this chapter. Hihi.
July 7, 2020 11:15 AM
BINABASA MO ANG
HOUSEMATES
Mistero / ThrillerAeia, isang babaeng ipinaalaga muna sakanya ng magulang niya na pupunta sa ibang bansa ang mansion nila dahil paparentahan ito sa mga mangangailangan. Nang makarating na ang mga magiging housemates niya, makalipas ang ilang araw may mga bagay na hi...