CHAPTER 1

15 0 0
                                    

"Mama bakit kase kailangan pa natin lumipat ng bahay?" naiinis kong tanong ko kay Mama.

"Trea! Wag ka na ngang magreklamo!" singhal sa'kin ni Ate Andree, ang napaka epal kong kapatid.

"Trea anak, alam mo namang nawalan ng trabaho ang papa mo diba? Kailangan natin mag ipon para may pangkain," si Mama.

"Eh, saan po tayo lilipat?"

"Village pa din naman yung lilipatan natin, maliit nga lang yung bahay do'n. At saka magkasama na muna kayo ng ate mo sa iisang kwarto,"

"What?!" tinaasan ko si Mama ng kilay.

"Trea ano ba! Isang isa na lang mapipingot na kita!" inis na inis na sabi ni Ate Andree.

"Ayaw kitang katabi sa kama! Mas lalong ayaw kita makasama sa kwarto!" singhal ko sakaniya.

"Oh bakit? Sa tingin mo ba gusto din kita makasama?" pambabara niya sa'kin.

Ganyan kami palagi ni Ate Andree. Minsan nga pag sobrang pikon na kami sa isa't isa nagsasabunutan na kami.

"Wag na kayo mag away, tumulong na lang kayo dito maghakot ng gamit," si Mama.

Si Ate Andree ang tumulong. Nag cellphone lang ako sa sofa habang sila ay nag hahakot ng gamit. Si Papa naman ay wala dahil naghahanap pa ng trabaho sa manila.

Sa San Juan Village kami lilipat. Maganda ang mga bahay do'n kaso yung nirentahan ni Mama ay maliit. Dahil 'yon lang daw ang kaya ng pera namin sa ngayon.

College na si Ate Andree samantalang ako ay fourth year high school pa lang. Sa Santina National High School pa rin naman ako mag aaral, kahit na lumipat kami ng bahay.

Dalawang araw na ang nakalipas at nakalipat na kami dito sa San Juan Village. Hindi naman pala gano'n kaliit yung bahay na nirentahan dito ni Mama. May tatlong kwarto, dalawang banyo, malawak na sala, mahangin at magandang backyard. Basta napakalawak! Scam si Mama sabi ay maliit daw. Sabagay kung ikukumpara 'to sa bahay namin sa Salle HomesV mas malawak talaga yung bahay namin do'n. Pero nagustuhan ko din 'to kasi may second floor. Mahilig ako sa hagdan eh.


"Ano bayan! Hindi manlang tayo nakapag bakasyon!" asik ko habang kumakain kami nila Mama at Ate Andree sa lamesa. Tanghalian na.

"Nagtext ang papa mo, sa isang araw magsiswimming tayo! Kasama ang mga pinsan nyo!" nagulat naman ako ng sabihin 'yon ni Mama. Buti na lang nabanggit ko yung bakasyon.

"Wow talaga?! Omg! Excited na'ko!" epal na si Ate Andree.

"Me too." bored kong sabi.

"Bakit 'di nyo muna kayo mag uli dito sa buong village? Para naman hindi kayo maboring, puro kayo cellphone." si Mama.

"Ayaw ko po ma, 'yan na lang si Trea. Mahilig naman mag gala 'yan." 'ayon na naman ang napaka epal kong Ate Andree.



Sige ako na lang! Bwisit.


Pagkatapos namin kumain ay mabilis kong kinuha ang bike ko sa likudan ng bahay namin. Magbabike na lang ako! Magpapahangin ganon.


Pagkalabas ko ng gate ay nagsimula na'kong magbike.

Pagkatapos ko malibot ang buong village ay bumalik na ulit ako sa bahay. Napakatahimik dito. Hindi matao, sobrang sariwa ng hangin, napakapresko. Madaming nakatira dito kaso 'yon lang hindi sila pala-labas. Stay lang sila sa bahay nila gano'n.

Pagkalagay ko nung bike ko sa likudan ng bahay ay lumabas ulit ako. Umupo ako sa harapan ng bahay namin na may bermuda grass.


Dito ko kinain yung piattos, yakult, chocolates, cake na tira nila Mama, pizza, donut. Nagpicnic ako mag isa.

Wala naman kasing nalabas na tao sa mga kapitbahay namin kaya naisipan kong dito kumain. Hindi naman ako mahihiya dahil mukhang hindi talaga sila sanay lumabas ng bahay. At isa pa masarap ang hangin dito! Napaka sariwa!


Malinis din dito, sobrang linis! Alagang alaga.


Nakaupo nakain habang nagcecellphone. Nag scroll scroll lang ako sa facebook habang kumakain ng pizza. Hanggang sa hindi ko na napansin na may lalaking nagtatapon ng basura sa gilid ng bahay nila. Ngayon ko lang siya napansin.


Ang puti niya! Ang tangkad! Perpekto yung mga buhok! Hinihintay ko pa humarap para makita ko 'yong mukha. Grabe ang hot niya kahit nakatalikod at nagtatapon ng basura! Naka white sando siya at naka boxer lang na kulay black! Omg!

Nasisiguro kong kapitbahay namin siya! At dito siya nakatira sa tapat ng bahay namin. Mukhang mayaman!!! Napakalaki ng bahay nila eh.


Nakatitig pa rin ako sakaniya hanggang sa matapos na siya magtapon ng basura. Jusko mahihimatay ata ako sa kagwapuhan niya kahit nakatalikod! Paano na lang pag humarap na!



Nagulat naman ako ng tumingin siya sa gawi ko, grabe ma! Ang gwapoooooo! Pero shettttt! BAKAT! How to unsee???!!!!!


Mabilis kong tinungo ang aking ulo ng makita niyang nakatingin ako sa ano niya! Grabe nakakahiya! Kitang kita ko kung paano naningkit ang mga mata niya!


Kinuha ko ng mabilis ang aking cellphone at nagkunwaring may kachat. Hindi ko na namalayang pumasok na siya sa bahay nila. Wala silang gate, pero napaka laki ng bahay nila.


Ang gwapo! Sana araw araw ko siya makita! Sana araw araw siya lumabas!

Ay wait, ready na ba ulit ako? Ready na ba ulit akong ma in-love?

Teka, ano naman kung mainlove ako sakaniya! Mukhang malabo namang mainlove siya sa'kin! Napaka assuming ko!


Pero hindi na din ako magtataka kung isang araw mahulog siya sa'kin. Sa ganda ko ba namang 'to. Hindi naman sa pagmamayabang pero milyon milyon ang lalaking nagkakandarapa sa'kin at nanliligaw. Para na nga 'kong artista sa school namin eh. Bawat lakad ko sa school may nagpapapicture sa'kin. Well, maganda kasi lahi namin.


Ano kayang pangalan niya?


Pagkatapos ko maubos lahat ng pagkain na kinain ko dito ay agad ko 'tong tinapon sa basurahan na nasa gilid ng bahay namin. Bawat bahay ata dito may sari sariling basurahan sa gilid.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng biglang bumukas ang pinto ng bahay sa tapat ng bahay namin. Sana iluwa nito yung lalaking gwapo na nagtatapon kanina ng basura.

Pero nagkamali ako, isang babaeng maganda, maputi, at matangkad ang lumabas dito. Long hair siya at naka black fitted off shoulder dress. Naka heels pa. Pero mas maganda pa din ako. Pango siya eh! Samantalang ako matangos ang ilong! Sabi nga nila, pag maputi ka kahit pango ka, gaganda ka.


Baka siya yung girlfriend nung lalaking gwapo kanina na nagtatapon ng basura. Omg! Sana hindi huhuhuhu!


Nakita ko naman agad na lumabas din yung lalaking gwapo na nagtatapon ng basura kanina! Omg! Ang gwapo! Naka plain white tshirt na siya at naka pantalon na black. Naka old school na sapatos. Grabe bagay na bagay sakaniya! Sobrang gwapo!


Mabilis kumunot ang noo ko ng makitang sabay sila sumakay ng kotse. Si lalaking gwapo ang nagdrive. Nakakainis! Baka mag jowa nga sila! Ano ba 'yan!

BUT I LIKE RAINY DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon