CHAPTER 3

3 0 0
                                    

Gabi na kami nakauwi. Si Pancake , Rere at Luisa ay bukas babalik dito sa'min. Buti na lang at malawak ang bawat kwarto dito sa bahay. Simula kasi bukas ay dito na sila titira.

Hindi ko na din nakita si Lalaking gwapo kanina nung umuwi kami. Pero sarado pa naman yung bahay nila pag katingin ko. Nasaan kaya sila?! Baka dinala nung babaeng pango sa bahay nila. Tsk!

Pagod na pagod ako, lalo na sa byahe. Agad akong humiga sa kama at kinuha ang cellphone.

Pagkatapos ko e-edit yung mga picture ko na nakabiniki ay agad ko 'tong pinost sa instagram.

Trea Monteverde

10 post 55677 followers 300 following

Hindi ko na nilagyan ng caption at agad ko na lang pinost.

Kinabukasan tanghali na'ko nagising. Nandito na din sila Luisa. Naabutan ko silang nakain sa kusina.

"Goodmorning Trea!" bati ni Pancake habang nag luluto ng hotdog.

Nginitian ko lang siya.

"Goodmorning Treee!" bati naman sa'kin ni Luisa habang nakain.

Nginitian ko lang din siya at umupo na 'ko sa lamesa.

"Goodmorning! Kamusta tulog mo?" si Rere.

"Okay lang naman, ang agap nyo naman nakarating? Sino naghatid sainyo?" tanong ko.

"Ah hinatid ako ni Mama," si Rere.

"Hinatid kami ni Papa naka kotse hehehe," si Pancake.

"Ahhhh, nalagay nyo na ba sa kwarto mga gamit nyo?" tanong ko.

"Oo, nakapagligpit na din kami," sabi ni Luisa.

Gano'n ba katagal tulog ko kaya hindi ko manlang sila naabutan, nakita gawin 'yon?

"Ahhh," sabi ko at sumandok na ng kanin at sinigang.

Sabay sabay kaming kumain at napansin kong wala si Mama.

Lumapit sa'min si Ate Andree na kakatapos lang paliguan si chim, yung aso namin.

"Nasa'n si Mama?" agad kong tanong kay Ate Andree ng buksan niya ang ref at uminom ng tubig.

"Nag go-grocery." tipid niyang sagot.

"Oy! Samahan nyo naman ako magshopping!" nakangiting sabi sa'min ni Luisa.

"G ako!" si Pancake.

"Me too!" si Ate Andree.

"Hoy ako din!" si Rere.

Sabay sabay silang tumingin sa'kin at hinihintay ang sagot ko.

"Okay, sama din ako." sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Rinig na rinig ko naman ang paka excite nila.

"Kelan ba tayo mag shoshopping?" tanong ko.

"Bukas agad!" si Luisa.

"Omg i'm so excited!" nawiwiling sabi ni Pancake.

Pagkatapos namin kumain ay nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan. Hanggang sa sinabi nila Luisa na aayusin daw muna nila 'yong kwarto nila. Tig iisang kama sila do'n. Meron kasi do'ng double deck at isang kama. Sa taas ang kama ni Rere, sa baba naman no'n ay si Luisa. Sa isang kama na sa tabi din ng pader ay kay Pancake. Iyon yung pinakamalaking kwarto dito sa bahay. May banyo din do'n. May banyo din naman sa kwarto namin kaso yung kila Mama wala.

Lumabas muna ako ng bahay at nilalanghap ulit ang sariwang hangin.

Maya maya'y bumukas ang pinto ng bahay sa tapat ng bahay namin! Baka si lalaking gwapo na 'to!

BUT I LIKE RAINY DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon