CHAPTER 12

1 0 0
                                    

Pagkatapos ng naganap na acquaintance party ay bumalik na din ulit sa dating gawi ang lahat. Normal.

Madami pa din bumabati sa'kin ng congrats trea, congrats anitha, congrats hehehe bawat makakasalubong ko sa daan. Syempre walang ibang lumalabas sa bibig ko kundi ang salitang thank you.

Makalipas ang ilang araw ay napansin kong hindi na 'ko pinapansin ni Luhence. Agad ko naman naalala yung project namin kung saan partner kami.

Uwian...

Palabas na si Luhence ng classroom kasabay si Kim, pero agad ko silang napigilan.  

"Luhence malapit na yung pasahan ng project, kailan ulit natin itutuloy  gawin yun?" mabilis kong tanong. Nakita ko naman ang masamang tingin sa'kin ni Kim.

"Ah, pumunta ka na lang ulit sa bahay bukas," sabi niya. Friday nga pala ngayon!

"What?!" singhal naman ni Kim. Epal.

"Ah project lang yun. Wala kaming ibang gagawin," wika ni Luhence.

Medyo nasaktan naman ako sa sinabi niya. Mukha bang pag nanasaan ko siya?! At saka bakit kelangan niya pa magpaliwanag kay Kim, may sila ba? Epal.

"Ah Luhence.. pwede naman ako na lang yung gumawa.. hehehehe..." nahihiya at pilit ngiti kong sabi. Baka mamaya kung ano pang isipin  sa'kin ni Kim kaya mas mabuti kung ako na lang yung gagawa, magkapartner pa rin naman kami ni Luhence eh.

"Oo nga, pwede namang ikaw na lang," sabi ni Kim na tinaasan pa 'ko ng kilay. Napakabobo naman ng babaeng 'to! Hindi niya ata alam na by partner 'yon!

"Sige na ako na lang, hehehehe." pinilit ko talagang ngumiti sa harapan nila habang sinasabi 'yon. Nilampasan ko na sila at dumeretso na palabas ng gate.

Habang nakasakay ako sa tricycle ay hindi ko mapigilang malungkot. Hindi manlang umimik si Luhence kanina at hinayaan lang talaga akong gawin mag isa yung project na 'yon! Psh! Ang sakit! Kung hindi ko lang talaga siya crush eh!

Pagkauwi ko sa bahay ay nakauwi na din pala si Rere at Luisa. Pero wala pa si Ate Andree at Pancake.

Dumeretso ako sa kusina at naghahanap ng makaka-kain.

"Bakit malungkot?" tanong ni Luisa habang kumukuha siya ng tubig sa ref.

"Gaga! Anong malungkot?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Aba! Tingnan mo 'yang mukha mo sa salamin! Daig mo pa hindi nanalo sa lotto!"

"Wala 'to noh!" pinilit ko na naman ngumiti. Hindi na siya umimik at nagpalaman na lang din ng nutella sa monay kagaya ng ginagawa ko.

Bakit kasi ang sakit? Crush ko lang naman siya.

KINABUKASAN. Tanghali na naman ako nagising dahil sabado. Nakakainis naalala ko na naman yung project na ako lang mag isa ang gagawa! Tinatamad tuloy ako bumangon. Napakamanhid kasi netong Luhence na 'to! Sarap sapakin!

Sapakin ng pagmamahal.

Pagkatapos ko maligo ay nag umpisa na 'ko sa kwarto gawin yung project. Mabilis kong inihanda lahat ng mga kakailanganin at nilagay sa kama.

Teka.. may kulang! Hindi ko 'to magagawa kasi... nakay Luhence yung bahay! Hindi ko 'to matutuloy at magagawa pag wala yung bahay na ginawa namin.

Aha! Kukunin ko na lang sa bahay nila. Tsk!

Hindi na 'ko nagpalit ng damit. Kakatapos ko lang naman maligo. At kulay pink fitted sando croptop naman ang suot ko ngayon at naka black na short na maiksi na fitted din. Gan'to mga pambahay ko eh, napakasimple.

BUT I LIKE RAINY DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon